Monday 3 March 2014

Gerard Mclaine R. Peña
TLE – 1B
KABOBOHAN AT PAGKA-IGNORANTE ANG PINAPAIRAL

NOON pa man ay isinusulong ng ating mga naging Presedente na sila Fidel Ramos, Erap Estrada at Gloria Macapagal ang Constitution Reform na gawing Parliamentary ang Gobyerno imbis na Presidential System. Bakit kamo? Napakasimple lang. dahil ang mga Under ng Parliamentary System ay mayroong maunlad na pamumuhay. Halimbawa na lamang ng Singapore, Canada, Japan, Norway, Australia, Belgium, Germany, Sweden, Switzerland at United Kindom. At sa kabilang dako naman ang nasa ilalim ng pamamahala ng Presidential System ay ang Afganistan, Haiti, Indonesia, Mexico, Tarzania, Uganda, Rwanda, Brazil at ang PILIPINAS na mga bansang mahihirap sa mundo.
Alam mo kung bakit tutol ang CCP, NPA, BAYAN MUNA, AKBYAN, Oligarch-owned MEDIA companies, Aquino – Cojuanco Family at ang Catholic Church sa Constitution Reform. Dahil kapag umasenso 20 million Filipinos ay mawawalan ng recruit ang NPA at CCP, BAYAN MUNA, AKBYAN. Mawawalan ng madidiktahan ang media. Mawawala ang Fans at Voters nila Kris at Noynoy at higit sa lahat ay mawawala ang mga GUTOM ng Blind Followers ng Catholic Church.
Di mo ba napansin. Na lahat ng nabanggit ay walang ginawa kundi mag-RALLY! RALLY para kanino? Para SAYO? SIGURADO KABA? 25 years ng pagra-RALLY gumagapang ka parin sa HIRAP!
Napaka ignorante talaga ng mga Pilipino. Alam mo kung bakit? UNA, isang KAPAMILYA, may ari ng 28 companies. Supplier ng water, electricity at langis, at radio, tv, cable station. Pinipili nila ang ibabalita, kaya nadidikta ang OPINION ng mga tao.PANGALAWA, BOBO at IGNORANTE ang mga tao dahil sa POOR EDUCATION. Talentado pero walang COMMON SENSE sa election time, madali silang ma-uto ng MEDIA. PANGATLO, dahil BOBO at IGNORANTE, madali silang maniwala sa sinasabi ng radio, telebisyion at dyaryo. Mga MEDIA companies na pagmamay-ari ng mga RICH FAMILIES. PANG-APAT, lalabag sa BATAS ang mga tao dahil hindi nga nila alam. Dahil nga IGNORANTE sila. Huhulihin sila ng gobyerno na mismong responsable sa pagka-BOBO ng mga tao. PANG- LIMA, araw araw na may namamatay dahil sa lack of discipline ng motorists at pedestrians. Daig pa ang death toll ng Martial Law. Mga killer Bus from Hell ay PROTEKTADO ng Gobyerno. PANG ANIM, sinasakal ng 1987 Constitution ang Foreign Investments sa bansa kaya walang trabaho para sa tao. No choice kundi mahiwalay sa pamilya ang OFW’s. Para sa mga negosyo ng wealthy families ang nakikinabang sa mga remittances nila. PANG PITO, Samantala, patuloy ang pag-yaman ng mga Oligarchs sa tulong ng 1987 constitution, habang ang taong masa ay nananatiling Gutom, Bobo, Mangmang, walang disiplina at higit sa lahat, PROUD of being PINOY. 25 years and counting.
Isang kasabihan nga ni Jose Rizal “bakit kasarinlan pa, kung ang mga alipin ngayon ang siya ring manlulupig sa atin pagdating ng panahon?” Buksan natin ang ating mga mata. Nakikita natin na inangkin na ng oligarkiya ang lahat sa Pilipinas. Madaming Pilipino na ang nag hihihirap at walang tirahan. Nakakaawa na ang mga kabataang isang beses lang kumain sa isang araw. Tubig lang ang umagahan, tanghalian at gabihan lang silang kumakain. Ang masakit pang isipin na isang beses na nga lang kumain ay pagpag pa ang kinakain. Ang ating lipunan ay bulag na sa Child abuse. Mga kabataang kaawa awa dahil nasasanay na silang mag batak ng kanilang buto para sa kanilang kakainin para mabuhay at ang mga kababaihan ay napipilitang magbenta ng kanilang katawan para sa araw-araw nilang kakainin. Hindi lang mga ordinaryong kabataan ang makikita natin dahil pati na ang mga batang pumasok sa showbiz na inaabuso sa pag aartista.Maraming ng naaaksidente at namamatay dulot ng ignoransya at sa mababang kaalaman ng mga tao. Ang Mendiola Massacre, Haccienda Luisita Massacre at Maguindanao Massacre ay GANID sa yaman at kapangyarihan. At walang humpay na pagdukot ng mga armadong grupo sa mga inosenteng tao na nadadamay sa pagitan ng Gobyerno. Nagkakaroon nadin ng lantarang pag labag sa BATAS sa lahat ng antas ng lipunan. Nagkakaroon nadin tayo ng manhid na kababayan sa mga trahedyang nangyayari  sa bayan. At habang buhay na pagdurusa ng mahihirap.
Ano? Masasabi mo pa ba ang katagang “Proud to be Filipino”. Kaylangan pa bang ipamukha satin ng mga DAYUHAN? Nakakahiya na! habang hinahayaan natin ang pamilyang mayayaman na maghari sa ating bansa. Walang pag unlad na mangyayari at lalo lamang tayong malulugmok sa hirap.
Ngayong alam mo na. maniniwala ka pa ba sa MEDIA na kontrolado ng mayayamang pamilya. Na mula Noong 1986, ay lalong yumayaman ang mayayaman. At dumami ang mahihirap. At ang pulitiko ay mayayaman din. Hindi sila kumakatawan sa atin. At alam mo na 11 million na ang walang trabaho mula march 2011. At pinapaalam ko sayo na ang ating presidente ay gumigising ng 10:00 am. At Lunch at siesta ay 12 – 2:00 pm. Babalik sa palasyo ng 4:00 pm na siya ang simula ng private time niya. TATLONG ORAS lang ang nilalaan ng ating presidente sa pagtatrabaho. WAG TAYONG MANIWALA SA “MASS MEDIA”. Respetuhin ang sarili at wag mag paloko sa mayamang PULITIKO. Pinatunayan lamang ng People Power at Cory Magic ay propaganda lamang upang mapanatili ang hawak ng mga mayayaman ang kapangyarihan. LUMINGON KA SA PALIGID! Laganap ang masasamang gawain dito. At lakas mong isisigaw “PROUD TO BE PINOY?”.
Tinatawagan ko ang lahat ng Filipino. Mga pagod at sawa na. mga niruyakan, nalulungkot na OFW’s, Farmers at Fishermen na gumagapang sa hirap, matatapang pero gutom na mga kawal at pulis at ang pinakamahalaga sa lahat ay ANG KABATAAN! Hindi na tama ang pagkalugmok natin sa hirap. Hindi ko papayagang mamuhay pa ng ganito ang ating kabataan. Kahirapan na idinulot ng mga Oligarkiya.
Oras na para tapusin nating ang paghahari ng Oligarkiya mula pa noong 1986 na hanggang ngayon na 25 taong tahimik na nagdurusa.






References:

Michelle Coletraba
CeD TLE – 1B     

             Ang Sukatan ng Ligaya
               ni Liwayway Arceo

Maikling Kwento
NAGMAMADALI si Aling Isyang sa pagbibihis. Nangangamba siyang pumasok si Medy sa silid at makita siyang nagbibihis. Natitiyak niyang hindi siya papayagan nito na makaalis. May tatlong araw nang nagtatangka siyang makauwi sa nayon ngunit lagi siyang pinangungunahan ng anak.
“Ang Inang. . . nagbibihis na naman! Parang inip na inip dito sa ‘min . . .” matatandaan pa niyang parunggit nito. At kung may bahid man ng katotohanan itong sinabing iyon ni Medy ay hindi na siya nagpahalata. Nadama niya agad ang hinanakit sa tinig nito nang pansinin ang kanyang paghahanda sa pag-alis. Ngunit talagang hindi siya mawili sa tahanan nina Medy.
Noong una ay idinadahilan niya ang init. Nang sumunod na bakasyong lumuwas siya ay may isa nang silid sa bahay ni Medy na may sadyang pampalamig na ayon ditto ay nakakabit sa koryente. Wala naman siyang makikitang umiikot na tulad sa karaniwang nakikita niya sa kanilang nayon. Iyon ay isang parihabang kahon lamang sa dingding. Ngunit hindi rin siya nasiyahan. Nasipon pa nga siya. Gayunman ay iyon ang nagawa niyang dahilan upang makauwi sa nayon.
Hindi niya maidahilan ang alikabok. Ang malaking bahay ng kanyang anak ay malayo sa magulong lunsod. Nakatirik iyon sa gulod ay nakabukod. Sa pinakamalapit na kapitbahay. Malawak ang bakurang alaga ng isang hardinero. May languyan sa isang panig at may pinanggagalingan pa ng tubig na sumasaboy sa gitna ng hardin. Ngunit sa tuwing maglalakad siya sa paligid ng bakuran, waring may hinahanap siyang kung anong bagay na mawawaglit.
Naikuwento niya iyon kay Mang Laryo nang magbalik siya sa nayon. “Alam mo, Oy.” simula niya sa pagbabalita sa asawa, “Kahit na nga ano pa ang sabihin, iba ang singaw ng lupa rito sa ‘tin. Saka. . . kung bakit doon kina Medy, gayong binili raw nang napakamahal ang mga halalaman. . . parang hindi ako nagagandahan. Ayaw man lang ipahipo ang mga dahon ng mga masetas, e!”
Napangiti si Mang Laryo. “Ikaw naman, oo! Nagpapahalata ka naman ‘ata sa anak mo. Parang napapaso ka sa kanilang bahay. Nasabi na nga sa ‘kin ‘yan minsan… patuloy ng matanda.
“H-ha?”
“Aba, oo! Sinabi ‘yan mismo ni Medy.”Ika sa kin. . . mas mahal mo raw si Idad kaysa kanya. . . hindi raw pareho ang tingin mo sa kanila. . . “
Sa dakong iyon ng kanyang gunita ay napatigil sa pagbibihis si Aling Isyang. Waring may gumising sa kanya. Parang noon lamang sinasabi ni Mang Laryo ang panunumbat ni Medy.
“Hindi maaaring magkagano’n!” bulong ni Aling Isyang sa sarili. “Si Medy nga ang malaki ang naitulong sa ‘min, palibhasa’y sinuwerte sa pag-aasawa.” Nakakaluwag sa buhay ang naging asawa.”
“Ngunit ang hindi mawari ni Aling Isyang ay kung bakit higit na nagiging matamis ang iniaabot sa kanya ni Idad gayong maliliit na halaga lamang. Marahil ay dahil alam niyang magsasaka ang kanyang manugang kay Idad. Dukha ring tulad nila ni Mang Laryo. At kakaibang kislap sa mga mata ni Ida dang nasisinag niya sa pagkakaloob niyon.
Ilang katok sa pinto ang pumukaw sa pagdidili-dili ni Aling Isyang.
“Inang, “ narinig niyang tawag ni Medy.
“Halika, Anak. . . “tugon niya at mabilis na inabot ang alampay sa likod ng silya at ibinalabal iyon.”Bahala na . . .”bulong niya.
Hindi tumitingin si Aling Isyang sa dako ng pinto nang itulak ni Med yang dahon niyon.
“Ay, salamat. . . at nakabihis na kayo, Inang!” Masayang bati ni Medy at lumapit sa kanya. Nakasungaw sa mga labi nito ang isang masayang ngiti.
Nagtaka si Aling Isyang. Inaasahan niyang magpaparunggit na naman ni Medy at nakikita siyang nakabihis ng panlakad at may balak na umuwi.
“Talagang pagbibihisin ko kayo, Inang, e. . . aalis tayo! Habol ni Medy.
“S-sa’n . . . sa’ n tayo pupunta?” Kunwa’y sabik na sabik niyang tanong.
“Talagang sasabihin ko pa naman sa ‘yo na. . . uuwi na ‘ko. . . ngayon. . .”
Napalabi si Medy, “Ku, heto na naman si Inang! Sumama nga muna kayo sa ‘ming pamamasyal bago kayo umuwi. Magtatampo niyan si Eddie. . . Pag hindi kayo sumama.”
1
Napabuntunghininga nang malalim si Aling Isyang. Hindi siya makatutol kapag ang sinasangkalan ni Medy ay ang asawa nito. Nahihiya siyang biguin ang manugang. . . Iniiwasan niyang may masabi ito.
“Baka kung saan ‘yon, ha?” hindi pa rin napigilang tanong niya sa anak.
Napatawa si Medy. “Ang Inang. . . sa’n ba naman namin kayo dadalhin? Magpapasyal llang tayo at susubbukin daw ng manugang n’yo ang bagong kotse . . . at kakain tayo sa labas. Do’n sa restawran sa tabing-dagat. Huwag n’yo na munang hahanapin ‘yong ilog do’n sa ‘tin!” biro pa ni Medy.
“E sige . . .” patianod ni Aling Isyang. “Basta mamamayang hapon e payagan na n’yo kong makauwi at kawawa namab ang Tatang n’yo. . ’’
“Kasi naman, hindi pa sumama, e . . .’’ paninisi ni Medy.
“Alam mo namang may pinagkakaabalahan sa bukid, e. Kung hindi ba dahil sa kumpleanyo mo, luluwas pa ba ‘ko? Alam mo namang bagong-galing sa sakit si Idad. . . ’’ dugtong pa niya.
“Siya. . . siya. . . oho!’’ Matamlay na tugon ni Medy. “Mukhang talagang hindi na kayo mapipigil, e. . .”
Nang lumabas si Aling Isyang sa silid ay nabungaran niya sa salas ang dalawang apong babae na sinusundan-sundan ng mga yaya.
Ang panganay ni Medy ay anim na taon, ngunit hindi pa mapag-isa. Laging kasunod ang tagapag-alaga. Ni hindi ito makapagbihis nang mag-isa, di tulad ng kanyang apo kay Idad, na bata sa murang gulang na iyon. Ang sumunod na may tatlong taon ay napakalikot naman. Natitigil lang kung karga ng yaya.
Naupo si Aling Isyang sa sopa upang hintayin sina Medy. Hinintay niyang lapitan siya ng mga apo, ngunit waring hindi siya napapansin. Bigla niyang nagunita ang apat na apo kay Idad. Marinig lamang ng mga iyon ang kanyang mga yabag ay nag-uunahan na sa paglapt sa kanya at unahan din sa pagkapit sa kanyang saya. At kung tulad ngayon na nakaupo siya, tiyak na mag-uunahan ang dalawa sa kanyang kandungan at magtutulakan naman ang dalaw pang ibig makababa sa kanyang baliikat.
Nang lumabas si Medy buhat sa silid ay may bitbit itong sapatilyang puno ng palamuting abaloryo.
“Ito na’ng isuot n’yo, Inang. . . ’’ sabay lapag sa sahig, sa kanyang paanan.
“Naku ,’’ tutol niya, “e bakit pa? Tama na ‘tong aking kotso. . . luma nga, hindi naman sira!’’ Hindi niya masabi kay Medy na nang una siyang magsuot niyon ay nanakit ang kanyang mga paa.
“ Ku, kaya kayo ibinili ni Eddie ng bago e hindi na raw nakikitang isinusuot n’yo ‘yong unang binili namin. . . ’’sabi ni Medy.
“Kow. . . e hindi ko lang naibalita sa ‘yo, ibinigay ko sa kapatid mo. Mas bagay sa mga paa ni Idad, e . . . ’’ patuloy ni Alin Isyang.
“Kaya nga! Hubarin n’yo na ‘yang kotso. Kahiya-hiya pag may nakakia sa ‘tin sa pamamasyal.Pusturang-pustura kami. . . tapos. . .’’ at nauntol ang sinasabi ni Medy.
“Mamaya, maisip ng iba na sapatilya lang ay hindi naming kayo maibili. . .”
“Bakit ‘yon ang iisipin n’yo, e ako naman ang may gusto nito? Ngunit pinagbigyan na rin niya si Medy.
Nanibago si Aling Isyang nang tumayo siya. May kataasan ang taking ng sapatilya.At matigas ang entrada. Hindi pa siya humahakbang ay waring nananakit na ang kanyang talampakan.
Isa pa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi siya magtagal sa bahay ni Medy. Ang gusto ni Medy ay lagi siyang susunod sa mga sinasabi nito upang walang masabi ang iba. Sa kanyang pakiramdam naman ay iniipit ang kanyang mga kilos at hindi siya Malaya. Gayunman ay ayaw na niyang maging alangan ang kanyang anak sa pamantayan ng kanyang manugang, kaya’t sinisikap niyang makibagay.
Napansin ni Aling Isyang na tuwang-tuwa si Eddie na makita nitong suot niya ang sapatilya.”Ayan. . . sabi ko na’t bagay na bagay sa inyo ang kulay na granate, e! Bumata kayo ng sampung taon!’ at inakbayan siya nito. “Tena kayo. . .’’
Dahan-dahan at buong-ingat ang ginawang pagbaba ni Aling Isyang sa hagdan.
“Masakit ba sa paa, Inang?’’ usisa ni Medy nang mapunang mabagal ang kanyang mga hakbang.
“Hindi naman. . . ’’ pagkakaila niya. “Syempre. . . medyo lang ako naninibago at mababa ang kotso. . .”
2
Wala sa pamamasyal ang isip ni Aling Isyang. Nasa bukid, sa piling ni Mang Laryo, ni Idad, at ng kanyang mga apo. Lalong naging masidhi ang kanyang pananabik sa mga apongnaiwan nang makasakay siya sa kotse.
Katabi niya ang dalawang tagapag-alaga ng kanyang mga apo sa upuan sa likuran. Kalong ng mga iyon ang mga bata. Ni hindi niya mahipo kahit sa kamay ang kanyang mga apo. Waring hindi siya nakikilala.
“Sinuswerte kami sa huling transaksiyon, Inang. . .” pagbabalita ni Eddie sa kanya samantalang namamasyal sila sa tabing-dagat.”Kaya pinalitan ko na ang lumang kotse nang walang maireklamo ang anak n’yo. . .” pabiro pang dugtong.
“Maganda, a!’’ tanging naisagot ni Aling Isyang.
“Dapat naman, Inang!” katlo ni Medy.”Papasok na si Millet sa darating na pasukan. . . sa laga e magpapahuli ‘yan sa ibang bata sa kolehiyo?” at binanggit nito kung saang kolehiyo ng mga madre ipapasok ang apo.
“Para disi-otso mil lang!”
Napakislot si Aling Isyang sa pagkakaupo. Labingwalong libong piso! Kaya pala naman saanman niya hagurin ng tingin ang sasakyan ay wala siyang maipintas. Wala pa siyang nakikitang tulad niyon. Kahit ang alkalde ng kanilang bayan o ang gobernador ng kanilang lalawigan ay hindi gayon kagara ang sinasakyang kotse.
Hindi sinasadya ay napailing si Aling Isyang. Naisip niya kung paanong ang kanyang dalawang anak na kapwa babae, kapwa maganda at pareho ang inabot sa paaralan, ay nagkaroon ng magkaibayong kapalaran sa kabuhayan nang magsipag-asawa.
Naisaloob niyang marahil ay dahil magkaiba ang ugali ng dalawa. Palabati si Medy sa kapwa. Madaling makipagkaibigan. Si Idad naman ay tahimik. Mahiyain. Ngunit matay man pakiramdaman ay nasisiyahan sa buhay.
Natatandaan pa ni Aling Isyang ang matinding galit niya nang malamang nakakilala ni Medy ang isang batang-batang mangangalakal galing sa Maynila. Noon ay napadako sa kanilang nayon si Eddie upang bilhin ang tubuhan ng dati ay tinitingal sa kanilang bayan, si Don Alfonso. Hanggang nang hingin ni Eddie ang kamay ni Medy ay hindi napapawi ang pag-aalinlangan sa kanyang dibdib.
“Hindi na kayo kumibo, Inang. . ..” basag ni Medy sa katahimikan nang mapansing walang kakibu-kibo ang ina.
“A. . . e nawiwili ako. . . sa panonood. . .” pagkakaila ni Aling Isyang.
“ Nakita mo na, Ed. . . ’’ at bumaling si Medy sa asawa, “kung hindi natin binili ito, ‘yon bang disi-otso mil e maaaring sakyan? Masisiyahan ba tayo nang ganito?”
Saglit na nakawala sa diwa ni Aling Isyang ang mga nagdaan nang marinig ang masayang tawanan nina Medy at Eddie. At nakadama na rin siya ng kasiyaha. Pinilit niyangmasiyahan.
Pumili ng isang sariling hapag si Eddie sa restawrang pinasukan nila. Sa bungad pa lamang ay marami ng binabating kakilala ang mag-asawa. Susunud-sunod naman si Aling Isyang. Ingat na ingat siya sa paghakbang. Nananakit ang kanyang mga paa sa suot na sapatilya. Ngunit sinarili niya iyon.
May kapaitang sumasaisip ni Aling Isyang na kung naroon siya sa kanilang sariling nayon, hindi niya kakailanganin ang magkunwari. Hindi niya kakailanganing magsuot ng anumang hindi siya nagiginhawahan. Kilala niya ang lahat ng tao at nakikilala rin siya. Hindi niya kailangan ang kumilos nang labag sa kanyang kalooban, upang masiyahan lamang sina Medy. Nakadama siya nang bahagyang kapayapaan ng loob nang makaupo na sila sa harap ng hapag-kainan.
“Baka mahal dito?” hindi sinasadyang nasambit ni Aling Isyang.
“Si Inang naman!” may hinampo sa tinig ni Medy. “Baka may makarinig sa inyo ay kung ano ang isipin! Paparito ba tayo nang hindi kami gayak gumasta?
Nagsisi si Aling Isyang kung bakit niya sinabi iyon. At lalo siyang nakadama ng pagkapahiya nang masulyapang ngingiti-ngiti ang manugang.
Ayaw magsiupo ang kanyang dalawang apo. Nawiwili sa kalalakad sa paligid ng restawran. Susunud-sunod naman ang dalawang yaya. Ang nanghihinayang sa ibinabayad ni Medy sa dalawang katulong na kabilang sa marahil ay anim o walo pang utusan sa bahay. May labandera, May kusinera. May tagalinis ng bahay. May tagawalis ng bakuran. May tagadilig. Hindi niya maubos-isipin kung bakit si Idad ay nag-iisang gumagawa sa bahay ay apat ang inaalagaang anak.
“Ano ang gusto n’yo, Inang?” tanong ni Eddie nang mapunang hindi siya kumikibo.
“Kayo na ang bahala. . . lahat naman ay kinakain ko!” mahina niyang tugon. Sadyang hindi niya alam kung ano ang maaari niyang hingin sa restawrang iyon. Alam niyang wala roon ang paborito niyang pangat na malakapas at banak.
3
“Alam ko ang paborito ni Inang!” masiglang sabi ni Medy. At humingi ito ng inihaw na pampano, asadong alige ng alimango, halabos na sugpo, kilawing talangka at tinolang manok, mga sariwang prutas, sabaw ng buko.
“Ang mga bata,bakit hindi pa magsitungo rito?” biglang sabi ni Aling Isyang.
“Kabisado ‘yan ng mga nagsisilbi rito. Dadalhn na ang mga ‘yan kung saan gusto. Pihong nasa hardin,” paliwanag ni Medy.
Hindi makaramdam ng gutom si Aling Isyang. Nalula siya sa dami ng pagkaing nakahain. At umukilkil sa kanyang isipan kung magkano aabutin ang lahat ng iyon, na sa kanyang palagay ay hindi dapat gugulin. Pasulyap-sulyap siya sa ginagawang pagkain ng mag-asawa at pilit niyang ginagaya. Ingat na ingat siya sa pagkain.
Naisip niyang kung nasa sariling bahay siya, pasalampak siyang uupo sa sahig ng dulang. Nadudukit niya ang lahat ng alige ng alimango pati sa talukap. Nakukuha niya pati ang laman sa mga sipit at galamay.Pinaghahandaan niya iyon ng sawsawang suka na may pinitpit na luya at tinimplahan ng asin at asukal.
Sa sugpo ay wala siyang itinapon kundi balat. Kinukutkot pa ng kanyang mga kuko ang taba sa talukap ng ulo. Sinisipsip niya pati ang mga hinlalangot at buntot.
Ibang-iba ang ginagawang pagkain nina Medy. Maraming natatapon. Sa kanyang tingin ay higit pang marami ang naiiwan sa pinggan.Hinayang na hinayang siya ngunit sinasarili niya ang kanyang damdamin.
At nakaramdam ng lungkot si Aling Isyang nang magunita ang mga naiwan sa nayon. Naalala niya ang ginagawa niyang paghihimay ng alimango o alimasag para sa kanyang mga apo. Gayundin ang ginagawa niyang pagsisilbi kay Mang Laryo.
Nagtataka siya kung paanong sa loob ng walong taon lamang na inilagi ni Medy sa lunsod ay hidi na niya mabakas ang nakamihasnan nito sa nayon. Waring limot na nito ang pinag-ugatan. Waring kailanman ay hindi siya nagging bahagi ng kanilang nayon.
“O,” basag ni Medy sa kanyang pag-iisip,” hindi ‘ata kayo kumakain, Inang,”
“Kumakain,” mabilis niyang sagot.”Alam mo naman ako. . . mahinang kumain.”
IPINAHATID ni Medy si Aling Isyang nang umuwi. Bago siya umuwi ay hindi niya nalimutang hingiin muli kay Med yang kanyang kotso. Pinagtawanan siya nito at hinapit ang balikat at dibdib nito. Pagkatapos ay binilinan siya nito na sa hulihang upuan ng kotse siya maupo.
“ Hindi naman si Eddie ang magmamaneho, e. . . tsuper ‘yan sa opisina!” bulong sa kanya.
Tumango lamang siya. Nang maramdaman niyang umuusad na ang kotse ay hinubad niya ang sapatilya at inihalili ang kanyang kotso. Sumandal siya sa pagkakaupo at naramdaman niya ang ibayong pananabik na makauwi sa nayon.
Hindi man lamang niya naisip nab aka magulat ang kanyang mga kanayon kapag nakita ang sinasakyang bagung-bago at nangingintab na kotse, tulad ng sabi ni Medy bago siya sumakay. Ang tanging nakikita niya sa kanyang balintataw ay ang pat na anak ni Idad na naghihintay sa kanya, na nag-uunahan sa pagsalubong sa kanya.
Malayo pa man siya sa nayon ay waring nalalanghap na niya ang naiibang singaw ng lupa- kaiba sa magarang bakuran nina Medy. Waring malayang-malaya na naman siyang gumagalaw, hubad sa pagkukunwari at pakikibagay.
Napuno ng kaligayahan ang puso ni Aling Isyang nang matanaw na niya ang makipot at maalikabok na landas na bumubungad sa kanilang nayon. Waring abot-kamay na niya ang kanilang tarangkahan.


Emie Jean Mauro
CeD TLE – 1B     

        Sa Bagong Paraiso
                                                ( EfrenAbueg)


  Ang kwentong ito'y tungkol sa pagkakaroon ng lamat ng kawalang-malay ng mga batang si Ariel at Cleofe. Kapwa sila walong taong gulang at magkababata. Ang kanilang daigdig ay umikot sa isang paraiso'y langit ang kawangis, madalas silang maglaro sa bakuran ng kanilang bahay na malapit sa isang dalampasigan. Tahimik ang kanilang mundo at mistulang walang suliranin. Ang kanilang mga magulang ay Hindi nag-aaway at relihiyoso. Pareho silang nag-aaral kasama pa ng ibang bata sa isang maliit na gusali sa may dakong timog ng kanilang nayon at marami silang pangarap. Wala silang pasok kung araw ng Sabado at Linggo o mga araw na pista opisyal. Silang dalawa'y madalas magpalipas ng oras sa loob ng kanilang bakuran, mula sa umaga hanggang sa hapon. Umaakyat sila sa mga puno kahit na marurupok, maaligasgas at malulutong na ang mga sanga nito. Nagagasgas ang kanilang mga tuhod, nababakbak ang balat sa kanilang siko, nagagalusan ang kanilang mukha at kung minsan ay nababalian pa ng buto dahil nahuhulog ngunit ang lahat ng iyon ay Hindi nila iniinda, patuloy pa rin sila sa paglalaro. Sa may lilim ng punong mangga kung saan ay makapal ang damo kung umaga ay nandun silang dalawa naghahabulan, nagsisirko, nagpapatiran, at kung sila'y hinihingal na sa pagod ay hihiga sila sa damuhang iyon, titingalain nila ang langit at magkukunwaring aanawin sa langit ang kanilang mukha. Magtataka ang batang babae at tatanungin ang batang lalaki kung makikita nga ba ang mukha sa langit at sasagutin ito ng batang lalaki ng bakit Hindi sapagkat ang langit daw ayon sa kanyang itay ay isang malaking salamin. Pagkaraan tumingin ng matagal sa langit sila'y parehong makakatulog at magigising na lamang sa tawag mula sa kanilang bahay. Kung minsan, ang batang lalaki ang unang magigising; kung minsan naman ay ang batang babae. Ngunit sinuman sa kanila ang unang magising, ay kukuha ito ng kaputol na damo at kikilitiin ang tainga ng natutulog. At ang natutulog naman ay magigimbala sa kanyang pagkakahimbing at pagkarinig na siya'y pinagtatawanan ay magtitindig at ang nangiliti ay mapapaurong at anyong tatakbo at sila'y maghahabulan sa damuhang iyon hanggang sa mapagod at sila'y muling babagsak na naman sa damuhan sa kapaguran, magkatabi at Hindi nila pinapansin ang pagkakadantay ng kanilang mga binti o ang pagkakatabi ng nag-iinit nilang mga katawan. At kapag sila naman ay nagsasawa na sa looban ay sa dalampasigan naman sila pupunta kung malamig na ang araw sa hapon. Namumulot sila ng kabibi, naghuhukay ng hilamis sa talpukan, o kaya'y gagawa ng kastilyong buhangin, o kaya'y nanunugis ng mga lamang-dagat na nagtatago sa ilalim ng buhangin. Ngunit Hindi lang yon ang kanilang ginagawa: naghahabulan din sila dito at kapag napagod na ay mahihiga rin sila sa buhanginan, tulad ng ginagawa nila sa damuhan sa looban, at sa kanilang pagkakatabi ay nagkakatinginan sila. Minsan ay naitanong ng batang lalaki sa batang babae ang tungkol sa tumutunog sa kanyang dibdib at kung ito'y kanya bang naririnig. Nagtaka ang batang babae at bumangon ito at tumingin sa nakatihayang kalaro. Inilapit nito ang kanyang tainga sa dibdib ng batang lalaki, dumadait ang katawan niya sa katawan ng kalaro at nalalanghap naman ng nakahiga ang halimuyak ng kanyang buhok. Nakangiting sinabi ng batang lalaki sa batang babae na mabango pala ito. Sinabi ng batang babae na Hindi naman daw siya nagpapabango at lumupasay ito sa tabi ng nakahigang kalaro. Sinabi niya pa na paglaki pa raw niya ay saka lamang siya magpapabango dahil yon ang sinabi ng kanyang nanay. Tinanong ng batang lalaki kung narinig ba ng kalaro ang tunog na nagmumula sa dibdib nito at sinagot siya ng batang babae ng oo at tinanong kung ano ang ibig sabihin niyon. Nagkatinginan ang dalawa at ang lalaki ang unang nagbawi ng tingin. Sinagot na lamang ng batang lalaki ang kalaro ng Malay daw niya at niyaya na nitong umalis na sila. Bumangon ang batang lalaki at inayos ang sarili at nagsimula nang lumakad. Sinabayan ito ng batang babae at habang isinasalisod nila ang kanilang mga paa sa buhanginan habang lumalakad, nakatanaw sila sa papalubog na araw. "Ang ganda, ano?" naibulalas ng batang lalaki. "Parang may pintang dugo ang langit." "Oo nga, ano? Bakit kaya kulay dugo ang araw kapag palubog na?" tanong naman ng batang babae. Hindi sumagot ang batang lalaki. Ipinagmamalaki ang dalawang bata ng kanilang mga magulang at ng kanilang mga kanayon. At kinaiingitan naman sila ng ibang mga batang Hindi nagkaroon ng pagkakataong makahalubilo sa kanila. "Siguro, paglaki ng mga batang 'yan, silang dalawa ang magkakapangasawahan." Naririnig ng dalawang bata ang salitang iyon at sila'y nagtataka. Hindi nila madalumat ang kaugnayan ng kanilang pagiging magkalaro sa isang hula sa hinaharap. Higit pang nakaabala sa kanilang isip ang sinasabi ng kanilang mga kaklase na silang dalawa'y parang tuko - magkakapit. At minsan nga ay napalaban ng suntukan ang batang lalaki. Isang batang lalaking malaki sa kanya ang isang araw na pauwi na sila, ay humarang sa kanilang dinadaanan at sila'y tinudyo nang tinudyo. "Kapit-tuko! Kapit-tuko!" Umiyak ang batang babae. Napoot ang batang lalaki. Ibinalibag sa paanan ng nanunudyong batang lalaki ang bitbit na mga aklat. Sinugod nito ang kalaban. Nagpagulung-gulong sila sa matigas na lupa, nagkadugo-dugo ang kanilang ilong, nagkalapak-lapak ang kanilang damit, hanggang sa dumating ang guro at sila'y inawat at sila'y pinabalik sa silid-aralan at pinadapa sa magkatabing desk at tumanggap sila ng tigatlong matinding palo sa puwit. Pagkaraan ng pangyayaring iyon, napag-usapan ng dalawang bata ang bansag sa kanila. At sila'y nag-isip, na lalo lamang nilang ikinalunod sa kanilang kawalang-Malay. Namulaklak ang mga manga, namunga, nalaglag ang mga bugnoy, dumating ang mamamakyaw at sa loob ng ilang araw, nasaid sa bunga ang mga sanga. Namulaklak din ang mga santol at iyon ay tinanaw ng dalawang bata sa pagkakahiga nila sa damuhan at sila ang unang sumungkit sa mga unang hinog. Nangalaglag ang mga dahon ng sinigwelas, namulaklak at dumaan ang mahabang tag-araw, at ang damuhan ay natuyo at ang kanilang naging tagpuan ay ang dalampasigan at madalas man sila roon ay Hindi nila masagut-sagot ang bugtong kung bakit kulay-dugo ang silahis ng araw kung dapithapon. At sa wakas ay namunga ang sinigwelas, mga luntiang bubot na pinitas nila ang ilan at pagkaraang isawsaw sa asin ay kanilang tinikman at sila'y naasiman at idinalangin nila ang maagang pag-ulan --- sapagkat sabi ng kanilang mga lola'y madaling bibintog at mahihinog ang bunga ng sinigwelas kapag naulanan. Sila'y naniwala at hinintay nila ang ulan, at nang pumatak iyon nang kalagitnaan ng Mayo silang dalawa'y naghubad, naligo sa ulan, naghabulan sa looban at nayapakan nila ang mga tuyong damo, na waring bangkay ng isang panahong hinahalinhan ngayon. Pagkaraan pa ng ilang araw, nadungawan nilang hinog na nga ang sinigwelas. Nagmamadali silang nanaog at ang batang lalaki'y umakyat sa puno at ang batang babae naman ay naghanap ng sungkit. At ang pamumulaklak at pamumunga ng manga, santol, at sinigwelas at ng iba pang punungkahoy o halaman sa loobang iyon ay nagpatuloy. Ang damuhan ay natuyo at muling sinibulan ng bagong supling; ang araw ay lumubog at sumikat at Hindi pa rin nagbabago ang kulay ng silahis niyon kung dapithapon. Ang paaralan sa nayon ay malapit nang magpinid; ang guro ay naghanda na ng isang palatuntunan; ang mga magulang ay walang pinag-usapan kundi ang katalinuhan ng kanilang mga anak. Mabilis na lumipas ang oras at dumating na ang araw ng pasukan, ang batang lalaki at batang babae ay sakay ng kalesa patungo sa bayan. Doon sila mag-aaral ng hayskul. Ngunit iba na ang kanilang ayos. Ang batang lalaki'y nakalargo na at pantay na ang hati ng kanyang buhok na nangingintab sa pahid na pomade. Samantala, ang batang babae ay may laso sa buhok, na nakatirintas at ang kanyang suot na damit ay lampas tuhod at Hindi nakikita ng batang lalaki ang alak-alakan nito. Dito dumaan sa kanilang buhay ang isang pagbabago, na Hindi nila napigil at siyang nagbukas sa kanila upang masaklaw ng tingin ang paraisong kanilang kinaroroonan. Sa paglawak ng kanilang daigdig, ang batang lalaki'y Hindi na sa batang babae lamang nakikipaglaro. Isang araw, sa likod ng paaralan, isang pangkat ng batang lalaki ang nakapabilog at isang batang lalaki ang nasa loob niyon at may ipinakikita sa mga kasamahan. Nakisiksik sa mga batang lalaki at nakita niya ang isang bagay na natuklasan niyang kailangang mangyari sa kanya. Umuwi siyang parang tulala nang hapong iyon at kinagabihan ay Hindi siya nag-aral. Naupo siya sa baitang ng kanilang hagdan at nag-isip hanggang sa makita siya roon ng kanyang ama. Inusisa niya sa ama ang kanyang natuklasan sa paaralan at itinanong niya rito kung bakit kailangang gawin pa iyon. Napatawa ang kanyang ama. Tinapik siya nito sa balikat. At sinabi sa anak na kailangan daw 'yon para siya'y maging ganap na lalaki. Natingala lamang niya ito at ang pamimilog ng kanyang mga mata'y naghiwatig ng pagkakaroon ng lamat sa kanyang kawalang-Malay. Sinabi pa ng ama sa anak na isang araw ay isasama daw siya nito kay Ba Aryo. Maging matapang lamang daw siya sana. Ibig niyang ipagtapat iyon sa batang babae, ngunit aywan niya kung bakit nahihiya siya. Ngayon lamang iyon. Kaya't kahit patuloy pa rin silang naglalaro sa damuhan o kaya'y nagtutungo sa dalampasigan tuwing wala silang pasok, ang alalahanin ukol doon ay nakabawas sa sigla ng batang lalaki. At isang araw, Sabado ng umaga, isinama siya ng kanyang ama sa bahay ni Ba Aryo sa tabi ng ilog. Ngumata siya ng dahon ng bayabas, pumikit siya at pagkaraan ng iba pang ginawa, siya'y itinaboy ni Ba Aryo upang maligo sa ilog. "Ang damuho…pagkalaki-laki'y parang Hindi lalaki." Ang narinig niyang iyon kay Ba Aryo, kabuntot ng malutong na halakhak ng kanyang ama ay natanim sa kanyang isip at patuloy na nagpalaki sa lamat sa kanyang kawalang-Malay. Kasunod ng pangyayaring iyon, aywan niya kung bakit iba na ang kanyang pakiramdam. Gayong magaling na ang sugat na nilikha isang umaga sa harapan ng bahay ni Ba Aryo, Hindi pa rin nagbabalik ang kanyang sigla. Natitigilan siya kung nakikipaglaro sa batang babae. Nangingimi siyang tumabi rito kung ito'y nakahiga sa damuhan o sa dalampasigan. Hanggang isang araw ay napansin niyang mapupula ang mga mata ng batang babae nang dumating ito isang dapithapon sa tabing-dagat. "Bakit?" usisa niya. "Wa-wala..wala!" Nag-isip ang batang lalaki. Naisaloob niyang baka ang kawalang-sigla niya sa pakikipaglaro rito ang dahilan. Tinudyo niya ang batang babae, kiniliti, napahabol dito..hanggang sa mahawa ito at sila'y naghabulan na sa buhanginan. Humahagikgik pa sila nang mapatong ang kamay ng batang lalaki sa kanyang dibdib at madama niyang lalong Malakas ang pintig doon. "Tignan mo…pakinggan mo ang tunog sa dibdib ko," anyaya ng batang lalaki. Ngunit Hindi kumikilos sa pagkakahiga ang batang babae. Nakatitig lamang ito sa maaliwalas nang mukha ng langit. Nagtaka ang batang lalaki. Bumangon ito at tinunghan ang nakahigang kalaro. Nangingilid ang luha sa mga mata nito. "Bakit?" Saka lamang tumingin ang batang babae sa batang lalaki. At ito'y umiyak at ang luhang tumulo sa pisngi'y pinahid ng palad at ang palad na iyong ipinatong sa buhanginan ay pinaniktan ng buhangin. At sa isang basag na tinig ay sinabi ng batang babae sa kalaro na Hindi na daw sila maaring maglaro gaya ng dati. "Hindi na?" sagot ng batang lalaki na parang sasabog sa kawalang-Malay ang katauhan ng batang lalaki. "Malalaki na raw tayo…malalaki nang tao. Hindi raw maglalaon, tayo'y magiging dalaga…at binata." "Sinabi 'yon ng Nanay mo?" "Oo, sinabi niya…na Hindi na tayo maaring maghabulan, o kaya'y umakyat sa punongkahoy o kaya'y pagabi rito sa tabing-dagat," sabi pa ng batang babae. "Kangina sinabi sa'yo ng Nanay mo?" Tumango ang batang babae. "Ngayon daw…Hindi na tayo bata. Ako raw ay dalagita na…at ikaw raw ay binatilyo na!" At waring ang batang lalaki'y nagising, napagmasdan niya ang kanyang mga bisig, ang kanyang katawan at sa harap ng kanyang kalaro ay nauunawaan niyang totoo ang sinabi nito. "Ayaw ka na palang papuntahin dito'y…bakit narito ka pa… gabi na!" Nagbangon ang kanyang kalaro. Humarap sa kanya. Palubog na noon ang araw at mapula ang silahis niyon sa langit. Ang mukha ng dalawa ay animo mula sa malayo at ang pakakahawak nila sa bisig ng isa't isa ay parang isang pagpapatunay ng tibay ng tanikalang bumibidbid sa kanilang katauhan. Hindi na nga sila mga bata. Siya'y dalagita na. Siya naman ay binatilyo na. Ang pagbabagong iyon ang nagpaunawa sa kanilang may tumataas nang dingding sa pagitan nila. Nagkikita pa rin sila sa looban, ngunit Hindi lamang tulad nang dating nagtatagal ang kanilang pag-uusap. Ngayon, parang lagging may nakatingin sa kanilang mga matang nagbabawal. Sa looban, ang kanilang mga magulang; sa paaralan, ang kanilang guro. At ang kanilang tawa tuloy ay Hindi na matunog; ang hiyaw ng dalagita ay Hindi na matinis, Malayo sa hiyaw nito noong araw; ang kanilang pag-uusap ay Hindi na Malaya at pumipili na sila ng mga salitang kanilang gagamitin. At buwan-buwan, ang dalagita ay may kapirasong damit na itinatago sa ilalim ng kanyang katre at kapag tapos na sa paglalaba ang kanyang ina ay palihim niyang lalabhan sa silong at ikukula sa kubling bahagi ng kanilang likod-bahay. Minsan ay natutop siya ng kanyang ina sa paglalaba sa silong at sinabi nito sa kanya: "Hindi mo na kailangang dito pa labhan 'yan…" Nagtapos sila ng hayskul. Nagkamay sila pagkaraang maabot ang kani-kanilang diploma. At nang magsasayawan nang gabing iyon, magkatambal sila. Gayong Hindi naman sila nahapo, ang tibok sa kanilang dibdib ay mabilis at malakas at ngayon ay Hindi maungkat iyon ng binatilyo. Nagsayaw sila, nag-uusap ang kanilang mga mata ngunit ang kanilang labi'y tikom at kung gumalaw man ay upang pawiin ang panunuyo o paglalamat niyon. At Hindi nila alam na ang tibok ng pusong iyon ay isa pang pangyayaring nagpapalaki sa lamat sa kanilang kawalang-Malay. Maliwanag ang narinig na salita ng dalagita: Kung gusto mong makatapos ng karera, huwag muna kayong magkita ni Ariel. Naunawaan niya ang ibig sabihin niyon, ngunit ang pagtutol ay Hindi niya maluom sa kanyang kalooban. "Pero, Inay…kaibigan ko si Ariel." May himagsik sa kanyang tinig. "Kahit na…kayo'y dalaga at binata na. Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin." May langkap na tigas ang sagot na iyon. Alam niya ang kahulugan niyon: Masama: Parang pait iyong umuukit ng kung anong bagay sa kanyang isip. At saglit iyong inagaw ng tinig ng kanyang ama. "Ibig kong magdoktora ka, kaya kalimutan mo muna ang mga lalaki!" At ang pait na may iniukit sa kanyang isip ay parang pandalas na pinukpok at ang kanyang katauhan ay nayanig at ang tunog ng pagpukpok ay nag-aalingawgaw ng: Lalaki! Lalaki! Hindi siya nakatagal sa harap ng kanyang mga magulang. Nakatiim ang mga labing pumasok siya sa kanyang silid. "Ayaw nila…ng Inay…ng Itay…masama raw," at ang mga labi niya'y nangatal, kasabay ng luhang umahon sa kanyang mga mata. Nang minsang dalawin ng binata ang dalaga sa dormitoryo ay pinakiusapan siya ng dalaga na huwag na muna silang magkita. Napatitig lamang ang binata sa dalaga. Minsan, ang binata ay umuwi sa lalawigan. Mapanglaw ang kanyang mukha at napuna iyon ng kanyang ama. Nalulungkot ang binata sapagkat ayaw ng makipagkita sa kanya ni Cleofe. Nagtawa ang kanyang ama, tulad ng nakaugalian nito tuwing may ilalapit siyang suliranin. Sinabi ng ama sa anak na magkakalapit din namang sila muli pag nakapagtapos na ang dalaga. At gusto ng mga magulang nito na maging doktora ang anak. Pasigaw ang alingawgaw ng kanyang tinig sa kanyang isip. "At habang nagdodoktora siya ay masama kaming magkita?" "Tama ka!" maagap na pakli ng ama. "Hindi mo ba alam na kapag malapit ka sa babae ay malapit ka rin sa tukso!" At ang dalawa'y Hindi na nga nagkita, gayong nasa lungsod na maliit at maglakad ka lamang sa mga lansangan ay Hindi ka mawawalan ng makakasalubong na kakilala. Mangyari'y iniwasan nila ang magkita, at Hindi sila nagkita sapagkat inihasik sa kanilang isip na ang pagkikita nila ay masama, tukso. Nabubuhay sila ngayon sa isang bagong daigdig, daigdig ng aklat, ng matataas na gusali ng malalayong kabataan sa kapaligiran. Hindi sila nagkita sa loob ng mahabang panahon. Hindi sila nakatiis. Isang araw na Hindi sinasadya'y nagkasalubong sila sa pamimili ng kagamitan. Kapwa sila napahinto sa paglalakad at nabangga na sila ng mga tao sa bangketa ay Hindi pa rin sila makakilos. Ang binata ang naglakas-loob at binati niya ang dalaga. Hindi nakasagot ang dalaga. Nakatitig lamang siya sa mukha ng binata at nang anyayahan siya nitong magpalamig sila sa isang kanugnog na restawran ay napasunod lamang siya, napatangay sa agos kanyang damdamin. At sa harap ng kanilang hininging pagkain, sila'y nagkatitigan at sila'y nakalimot at akala nila'y nasa luntiang damuhan sila sa looban sa lalawigan, nakahiga at nakabaling sa isa't isa. At sila'y nagkita sa Luneta, Hindi lang minsan kundi maraming pagkikita, maraming-marami at ang kanilang sikil ng damdamin ay lumaya at sa unang pagkakataon, pagkaraan ng ilang buwan, sila'y lumigaya. Ngunit ang inihasik na binhi ng pagkakilala sa masama at sa mabuti sa kanilang isipo ay sumibol na at nagpaunawa sa kanilang ang ginagawang iyon ay masama. Ngunit sila'y naghihimagsik. Nakatanggap ng sulat ang dalaga mula sa kanyang mga magulang. May nakakita sa kanilang dalawa ni Ariel na magkahawak-kamay sa Luneta, sa pook na dapat pakaiwasan. Hindi man lang daw sila nahiya. Hindi na ipinagpatuloy ng dalaga ang pagbasa sa liham. Nagbabanta ang mga sumusunod pang talata: luluwas ang ama mo kapag Hindi mo itinigil ang kabaliwang yan. Pinagsabihan din ang binata ng mga magulang nito sapagkat nakaabot na pala sa mga ito ang nangyari. Muli na namang ipinaalala sa binata na ang babae ay isang tukso. Ibig niyang umalis sa silid na iyon at upang Hindi na marinig ang alingawngaw ng katagang iyon: tukso --- tukso ---- tukso! Sinabi ng dalaga: Hindi na ngayon tayo maaaring magkita. Sinasabi ng binata: magkikita tayo… magtatago tayo…ililihim natin sa kanila ang lahat. At sila nga ay nagkita, sa mga pook na Hindi sana nila dapat pagkitaan, ngunit doon sila itinaboy ng kanilang paghihimagsik ng takot na matutop at ng pangangailangan. Ang daigdig nila ngayon ay makitid, suluk-sulok, malamig din, ngunit hinahamig ng init ng kanilang lumayang mga katawan. Maligaya sila sa kanilang daigdig. Maligaya sa kanilang bagong paraiso. Hanggang isang araw ay kumulog, dumagundong ang kalawakan, at nangagulat ang mga tao sa lansangan; pamaya-Maya, pumatak ang ulan, na ang pasimulang madalang ay naging masinsin. Ang dalaga ay dumungaw sa bintana - masama ang kanyang pakiramdam. May kung anong nakatatakot na bagay sa kanyang katawan na ibig niyang ilabas, na ibig niyang itapon. At iyon ay umaakyat sa kanyang lalamunan. Humawak siya sa palababahan ng bintana. Tumingala siya upang pawiin ang pagsama ng kanyang pakiramdam. Natanaw niyang maitim ang langit at naisip niyang magtatagal ang ulan. Tumungo siya at nakita niyang nilinis ng tubig ang bangketa at kasabay ng kanyang pagtungo, parang may isinikad na pataas sa lalamunan ang kanyang bituka at siya'y napanganga at siya'y napapikit at siya'y napaluha at paghigpit ng kanyang hawak sa palababahan ng bintana ay napaduwal siya…at ang lumabas sa kanyang bibig ay tumulo sa bangketa at sandaling kumalat doon at pagkaraa'y nilinis ng patak ng ulan, inianod ng nilikhang mumunting agos sa gilid ng daan. At ang dalaga'y napabulalas ng iyak. 
Hannah Lamprea
CeD TLE – 1B     

PAGMULAT-MATA LABAN SA BLIND ITEM

BLIND ITEM. Laman ito ng ilang mga pahayagan dito sa ating bansa. Mas madalas kaysa hindi, ito'y sinusulat upang pasaringan o pintasan ang mga kilalang tao sa ating lipunan. Siyempre, hindi papangalanan ng manunulat ang kanyang paksa ngunit magbibigay siya ng "clue" upang mahulaan ng mga mambabasa kung sino ang kanyang tinutukoy.

Kung ako ang tatanungin, di na dapat natin sinusulat o tinatangkilik ang mga ito. Bakit?

Una, walang taong perpekto.Sa pisikal na aspeto pa lang ay may kapintasan na tayo - di mabilang na tigyawat sa mukha, maitim na kili-kili, kirat, tiyan na kasing laki ng lobo, atbp. Sa pag-uugali'y ganoon din. Lahat tayo'y nagkakasala at nagkakamali - sa isip, sa salita at sa gawa.

Naaalala ba natin ang kuwentong ito sa Juan 8:1-11?
Si Jesus naman ay pumunta sa Bundok ng mga Olibo. Kinabukasan, maaga pa'y nagbalik na Siya sa Templo. Lumapit sa Kanya ang lahat kaya't umupo Siya at nagsimula Siyang magturo. Dumating noon ang mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo na may dalang isang babaeng nahuli sa pangangalunya. Iniharap nila ito sa karamihan,      at sinabi kay Jesus, "Guro, ang babaeng ito'y nahuli sa aktong pangangalunya. Ayon sa Kautusan ni Moises, dapat batuhin hanggang sa mamatay ang mga katulad niya. Ano naman ang masasabi ninyo?"Itinanong nila ito upang subukin Siya, at nang may maiparatang sila laban sa Kanya. Ngunit yumuko lamang si Jesus at sumulat sa lupa sa pamamagitan ng daliri.   Patuloy sila sa pagtatanong kaya't tumayo si Jesus at nagsalita, "Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya." At muli Siyang yumuko at sumulat sa lupa. Nang marinig nila iyon, sila'y isa-isang umalis, simula sa pinakamatanda. Iniwan nila ang babaeng nakatayo sa harap ni Jesus. Tumayo si Jesus at tinanong ang babae, "Nasaan sila? Wala na bang humahatol sa iyo?" "Wala po, Ginoo.", sagot ng babae. Sinabi ni Jesus, "Hindi rin kita hahatulan. Umuwi ka na, at mula ngayon ay huwag ka nang gumawa ng kasalanan."

May bumato ba sa babae? Wala, di ba? Sapagkat alam nilang sila ma'y makasalanan din.
Makikita din natin sa kuwentong ito ang dakilang pag-ibig at habag ng Panginoong Hesus sa ating lahat. Oo, ayaw Niya sa kasalanan ngunit kung tayo'y hihingi ng kapatawaran at mananampalataya sa Kanya at tatanggapin Siya bilang Panginoon at Tagapagligtas, tayo'y papatawarin Niya, babaguhin at bibigyan ng buhay na walang hanggan (Juan 3:16).

Ikalawa, gaano tayo kasigurado kung totoo o sabi-sabi lamang ang ikukuwento o mababasa nating blind item? Gaano ba natin kakilala ang mga taong tinutukoy sa blind item? Ka-close ba natin sila o kaya'y nakakasalumuha man lang? Di tayo dapat basta-basta naniniwala sa sabi-sabi. Maraming napapahamak sa maling akala.

Ikatlo, nakakasira ito ng reputasyon ng mga taong sangkot - may katotohanan o pawang kasinungalingan man ang kuwento tungkol sa kanila. Naranasan na ba natin ang ganitong senaryo? Nakiupo tayo sa isang grupong kasalukuyang pinag-uusapan ang taong kinaiinisan nila. Nakaupo lang tayo at tahimik na nakikinig sa kuwentuhan nila. Ni hindi nga natin gaanong kakilala ang taong pinag-uusapan nila, ngunit habang napapakinggan natin sila, unti-unting nagkakaroon ng epekto ito sa atin. Sa bandang huli, natagpuan na natin ang ating sarili na yamot na din sa taong kinaiinisan nila. O kaya nama'y kapag nakita natin muli ang taong iyon ay bigla nating maalala ang mga sinabi nila tungkol sa kanya at magkaroon na din tayo ng pagdududa sa kanya.

Inilarawan din ang epekto ng tsismis sa kuwentong ito: May isang babaeng nangumpisal sa pari sa salang pagtsitsismis. Inutusan siya ng pari na umuwi sa kanilang bahay, kumuha ng isang unan at dalhin ito sa kanilang bubong at ikalat ang mga bulak ng unan. Tumalima ang babae at bumalik sa pari. Tinanong siya nito kung anong nakita niya. "Nagkalat po ang mga bulak.", tugon niya. Muling nagwika ang pari, "Ngayon, gusto kong bumalik ka sa inyo at ipunin muli ang mga bulak na tinangay ng hangin - hanggang sa kahuli-hulihang piraso." Umalma ang babae."Imposible po iyan! Hindi ko na po alam kung saan tinangay ng hangin ang mga iyon." Sumagot ang pari, "Ganyan ang tsismis." May mga bagay na mahirap nang bawiin. Isa na sa mga ito ang tsismis.

Ikaapat, maaaring masaktan ang damdamin ng mga taong tinutukoy sa blind item kapag umabot ito sa kanila. Ayon sa Kawikaan 18:21, "Ang dila ay may kapangyarihan ng buhay at kamatayan." Sa pamamagitan ng ating mga sinasabi, maaari tayong makasugat ng damdamin ng iba o kaya'y makapagpagaan ng kalooban nila. Minsan, kahit di natin sinasadya, nakakapagbitiw tayo ng salita na nakakapanakit na pala ng ating kapwa. Naranasan na marahil natin na may nagbiro sa atin na di natin nagustuhan. Akala ng taong iyon ay okay lang sa atin. Ngingiti-ngiti tayo o tatahimik na lang, pero sa loob-loob nati'y nasasaktan na pala tayo sa kanyang biro. Ganoon din sa blind item. Ang mga puna, papuri at maging pangungutya natin sa iba'y maaaring tumatak nang matagal sa kanilang mga puso't isipan.

Ikalima, wala tayong mapapala. Ano naman ngayon kung malaman nating may putok halimbawa ang isang sikat na artista? Matatanggal ba nito ang sarili nating putok?Ikagaganda o ikaguguwapo ba natin ito?Hindi naman, di ba? Kung nais nating makatulong, sasabihin natin ito sa kanila nang personal at di na kailangang ipagkalat pa sa iba.

Ikaanim, ang blind item ay maaaring makasira ng relasyon. Halimbawa, ayon sa blind item ay may nakakita "diumano" na nagde-date sa isang restaurant ang isang loveteam sa teleserye. Paano kung malabo ang mata o namalik-mata lamang pala ang nakakita? Pagkatapos ay nabasa pa ng parehong mga kasintahan ng loveteam ang blind item na iyon? Eh di nagkagulo na sila?

Panghuli, huwag nating gawin sa iba ang ayaw nating gawin nila sa atin. Subukan nating ilagay ang mga sarili natin sa kalagayan nila. Paano kung isang umaga, nagbuklat tayo ng diyaryo at nalaman nating pinagpipiyestahan pala tayo sa blind item? O kaya nama'y ang isa sa mga mahal natin sa buhay? Ano kayang mararamdaman natin? Tiyak na di natin ito ikakatuwa. Walang taong gustong mapagtsismisan siya.
***
Bago tayo magsulat tungkol sa buhay ng iba, magandang itanong muna natin sa ating mga sarili ang mga sumusunod:
1. Totoo ba ito? Kanino natin ito nalaman? Nakatitiyak ba tayong ito'y tama at hindi sabi-sabi lamang?
2. Anong magiging epekto nito sa mga taong pinatutungkulan?
3. Kailangan pa ba natin itong ikuwento sa iba?
4. Anong layunin o motibo natin sa pagkuwento nito?
***
Kung ganoon, ano ba ang dapat nating maging tugon kapag may nakita tayong di maganda sa isang tao? Kailangan pa ba natin siyang husgahan o ilathala sa blind item ang kanyang kapintasan? Siyempre, HINDI! Bagkus, ang dapat nating maging pag-uugali ay HABAG, TULONG, at PAG-AGAPAY. Dapat natin siyang ipagdasal sa Diyos na siya'y mapabuti. Dapat din nating siyang gabayan at iwasto nang may pag-ibig.

Oo, ang blind item ay maaaring makapagdulot sa atin ng pansamantalang katuwaan. Ngunit isipin din natin ang kapakanan ng mga taong maaari nating masagasaan.Sa halip na ituon ang ating pansin sa mga negatibong bagay, bakit di tayo gumawa ng mga bagay na magiging kapaki-pakinabang sa lahat?
Maraming salamat sa mga sumusunod!


  • http://francis-tendencia.blogspot.in/2013/02/mga-fariseo-ng-simbahan.html?m=1

  • http://ymiblogging.org/2009/01/a-lot-to-remember/

  • http://ymiblogging.org/2009/08/its-all-about-the-heart-2/

  • http://ymiblogging.org/2010/05/odb-words-do-they-matter/



·         Sa Tatayko na nagbasa ng sanaysay na ito at nagbigay ng mga suhestiyon at payo. Sa Nanayko na ipinaliwanag sa akin kung ano ang ibig sabihin ng “critical essay”. Sa Kuya ko na nagpahiram ng kanyang gamit sa akin para maitype ko ito.

·         At siyempre, saPanginoong Hesus na Siyang nagbigay sa akin ng ideya kung anong magiging paksa ko at Siyang gumabay at nagturo sa akin sa pagsulat mula sa simula hanggang dulo ng sanaysay na ito.J


Noime Jadia
CeD TLE – 1B     
Kulturang Pinoy
Panliligaw:Noon at Ngayon
Ano nga  ba ang Kulturang Pinoy ? Ano nga ba ang pinagkaiba nito noon sa ngayon ?
Sa mundong ating ginagalawan, marami na ang pagbabagong nagaganap. Dito sa Pilipinas, marami na tayong tradisyon at kaugalian na dulot ng mga makabagong teknolohiya at impluwensya  ng kultura mula sa ibat’ ibang bansa.
Malaki na nga ang pinagkaiba noon at ngayon lalo na sa kultura. Gaya ng wika, ang kulturang pinoy ay dinamiko, nagbabago. Tulad na lamang ng pamamaraan ng panliligaw noon at ngayon. Nag-iiba ang mga paraan at uri ng panliligaw kasabay ng panahon.
Sinasabing ang panliligaw ay isang hudyat ng kagustuhan ng isang lalaki sa isang babae. Ang panliligaw ay maihahambing sa isang ritwal na ginagawa ng lalaking naniningalang pugad sa babaeng kanyang itinatangi.
Ang panliligaw noong unang panahaon, sinasabing kailangan mo munang dumaan sa butas ng karayom bago mo mapasagot ng isang matamis na “oo” ang iyong nililigawan. Hanggang ligaw tingin, pasulyap-sulyap at bawal mahipo ang kamay, ni dulo ng daliri ng dalaga. Hindi mismong ang dalaga ang unang liligawan ng binata, kundi ang mga magulang nito. Ang mga binata ay nagsisilbi sa mga magulang ng dalaga; ang pangkaraniwang ginagawa ng binata sa probinsya ay ang pagsisibak ng kahoy, pag iigib ng tubig at tumulong sa kung anong gawain sa bahay o samakatuwid pagpapaalila sa magulang ng dalaga.Hindi lamang iyon ginagawa ng isang araw, isang lingo o kaya isang buwan lamang. Hangga’t hindi nabibigyan ng hudyat mula sa magulang ng dalaga ay hindi titigil sa panunuyo ang binata kung talagang desidido ito. Kung mabigyan na ng permiso ng mga magulang ang binata upang ligawan ang kanilang anak, maaari na itong haranahin pagsapit ng gabi. Ang harana ay ginagawa sa kalaliman ng gabi na ang mga lahat ay nagsisitulugan. Kapag dumungaw ang dalaga sa binata, ibig sabihin ay nagbibigay ng oras at atensyon sa binata. Kapag nagsimula ng makita ang ngiti ng dalaga, ibig sabihin ay may pag-asa ang binata sa dalaga. At kapag nakamit na ng lalaki ang matamis na “oo” ng dalaga, maaari ng mag usap ang dalawang nag iibigan. Makalipas lamang ang ilang panahaon at nais na ng dalawa ang magpakasal pinahihintulutan ng mga magulang ng dalaga na magkaroon ng pamamanhikan kung saan ay kasama na ng binata ang kanyang mga magulang upang magkaroon ng mgandang pag uusap ukol sa kasal at makabuo ng magandang relasyon ang bawat panig.
Sa panliligaw noon, malalaman mo kung gaano kaseryoso ang manliligaw na kailangan dumaan sa paninilbihan at mabuting pakikisama.
Samantalang ngayon, marami na ang pinagkaiba ng panliligaw sa ngayon. Ngayon hindi na kailangang duaman kay nanay o kay tatay ang panliligaw. Kahit walang basbas ng mga magulang ay maaari ng manligaw. Dahil na rin siguro sa makabagong teknolohiya. Nandyan na kasi ang “text”, “facebook”, “chat”, at “love match” sa mga radio. Meron naman ang ilan na nakikilala lang sa pagdiriwang o kaya sa inuman, maya maya ay magsyota na. Ika nga ng matatanda,“noon, dadaan ka sa butas ng karayom bago ka sagutin ng babae. Ngayon, para nalang itong isang laro, madaling umpisahan at tapusin.
Noon, nagbibigay ang mga lalaki ng mga sulat o/at tula na sulat kamay na ginagawa nila at nagkikita ang mga magkasintahan na harapan. Ngayon, nandyan na ang cellphone, ipod, computer, atbp. Text-text nalang at nag-uusap sa facebook/’’chat’’ ang mga magkasintahan.
Kung noon, ang babae ang dapat makipag hiwalay. Ngayon, kahit ang lalaki na ay pwede ng makipag hiwalay. Noon, kapag may “date”, ang lalaki ang dapat nagbabayad. Ngayon, minsan nagbabayad din ang babae (hinahati ang “bill”/bayad) dahil sa pagkakapantay ng lalaki at babae.
Noon, umaabot ng ilang buwan ang ligawan bago mapasagot ng lalaki ang babae. Ngayon, hindi pa umabot ng linggo o buwan ang panliligaw ng lalaki sa babae ay agad ng napapasagot ang babae. Ganuon na lamang kadali ngayon.
Noon, harana. Ngayon, pick-up lines.
Ang dami na talaga ang pinagkaiba noon sa ngayon.
Ang pinakamalaking pagbabago siguro, kung noon lalaki ang nanliligaw, ngayon pati babae nanliligaw na rin. At kung noon lalaki ang nanliligaw sa babae, ngayon pati kapwa lalaki nililigawan na rin.

Ano pa kaya ang magbabago sa susunod pang henerasyon?


Noemi L. Jadia                                                           BSE T.L.E/IB                                      Mr. Cubacub
Ang Isang Pagkakamali
Maraming mga tao ang nagtatanong kung sino kaya ang kanilang makakatulayan pagdating ng panahon, ang iba naman ay nagsusumikap talaga upang pumunta sa Quiapo para magpahula pa. Makikita natin kung gaano kadesperado ang mga tao para sa kanilang mga magiging asawa.
Sa panahon na sobrang laki ng populasyon ng ating bansa, sadyang napakarami ng tao ang hindi marunong makuntento sa kung anong meron sa kanila.
 Madali silang matukso ng kung anu-anong mga gawain na maaaring maglagay sa kanila sa kapahamakan at kasawian; hindi mo man alam ang maaaring ibunga ng lahat ng iyong mga gawa, tiyak na hindi mo ito malulusutan kapag nayari ka na!
Walang sinuman ang pwedeng magmalinis at sabihin na hindi sila nagkakasala, sapagkat sabi nga nila “WALANG TAONG PERPEKTO.” Lahat tayo ay maaaring matukso sa pang-aakit ng kapwa natin di ba?
Maraming mag-asawa ngayong ang mabilis na naghihiwalay, dahil sa maaga nilang paglalandi o pagkakamali, kase naman walang sapat na gabay ng magulang o kaya ay laging tambay sa mga kanto at mga lansangan.
Sadyang napaka moderno na nga talaga ng panahon natin ngayon, dahil sa isang iglap lang ay maaari ka nang makahanap ng iyong partner sa pamamagitan ng cellphone, facebook at sa pakikipag-aybol, na nagiging sanhi ng pagluluko ng mga asawang lalaki sa kanilang mga asawang babae.
Sabi nga nila “hindi mo masasabi na matino ang isang relasyon kung hindi kayo dadaan sa mga pagsubok  tulad ng pambabae.” Masusukat mo daw kung gaano katibay ang inyong pagsasama upang ipaglaban lamang ang iyong asawa.
Sabi nga sa isang kanta:
Kay dami ng winasak na tahanan
Kay rami ng matang pinaluha
Kay dami ng pusong sinugatan
Oh! Tukso layuan mo ako..
Lahat tayo, ay may kanya-kanyang nais gawin sa ating mga pamilya upang masabi na hindi tayo susuko kahit na anong mangyari. Paano kaya napaglalabanan ng mga ilaw ng tahanan ang mga pagkakataon na malapit nang masira ang kanilang mga pamilya dahil lang sa isang pagkakamali?
Manloloko talaga ang mga lalaki. Paano ko nasabi? Simple lang dahil maraming mga babae ang kanilang napapaiyak at maraming pamilya ang nasisira dahil sa hindi nila maiwasan ang tukso. Isang tukso na mismong kapwa rin nating mga babae ang gumawa na hindi man lamang marunong makunsensya at maawa sa mga anak ng kanilang nabibiktima. Gayong isa rin naman silang mga babae na pinaglalaruan lang din naman ng mga walang hiyang lalaki na yan!
Bakit nga ba may mga tao na mahilig pumatol sa may asawa na, samantalang napaka dami naming lalaki sa mundo kahit saan ka nga pumunta ay may mga lalaki kang makikita e. bakit kaya mas gusto ng mga bwiset na babae ang pumatol sa may asawa na siguro palagay nila na mas magiging challenging ang kanilang magiging relasyon kapag pumatol sila sa mga taken na.
Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang kwento ng aking ina nung panahon na nagloko si papa, si papa kase yung tipo ng lalaki na kahit na huli mo na pilit pa rin niyang dinedeny, kase ganito yun, kaofficemate ni papa yung nagging kirida niya, syempre magkatrabaho sila madalas nilang nakikita ang isa’t isa, samantalang ang aking mudra ay abalang-abala sa pag-aasikaso sa amin at kay papa, nandyan yung paggising niya ay papalantsahin nya yung damit ni papa pamasok at pagka tapos ay titimplahan pa niya ito ng kape, syempre tiwala siya na walang ginagawang kalokohan ang tatay ko. 
Isang araw nagtakataka si mama, kase palaging ginagabing umuwi si papa at doon na nagsimulang maghinala ang lola mo, kaya ginawa ni mama sinundan nya si papa hanggang sa opisina nito sa may Makati at habang sinusundan niya ito ay magulat na lang siya dahil nakasakay niya si papa na kasama pa ang kanyang kirida, at take note naka-akbay pa ang lolo mo sa kanyang kabechay! Huli na nga sa akto pilit pa ring dinedeny ni papa ang nakita ni mama. Simula noon ay nagkaroon na ng lamat ang relasyon nila bilang isang mag-asawa dahil sa isang paglalandi na tinatawag.
Minsan nga naisip ko tuloy habang binubuo ko sa aking isip ang paksang ito na tungkol sa mga lalaking mahilig matukso sa mga babae kahit alam nila na may asawa na sila. Paano kaya kung mangyari sa akin ang mangyari sa mama ko? Ano kaya ang gagawin ko? Yung iba kaseng mga asawa na babae diyan kapag nahuli nila na may kabit ang kanilang asawa kadalasan ang ginagawa na lang nila ay umiyak nang umiyak na tila nag papa-awa sa asawa nila na walang konsensya!
Pagkatapos ay magsusumbong sa kanilang mga magulang, akala mo naman ay mga bata sila, di ba? siguro kung dadating man sa panahon na mangyayari sa akin na lokohin ako ng asawa ko, baka mapatay ko siya at ang kanyang kabit, aba! Hindi madali ang mmagpa- alila sa kanya,at sa kanyang mga anak. Naku! Wag lang talaga siyang magkakamali dahil puputulin ko ang ari niya at ang ari ng kanyang kabit. Di ba’t isang magandang ganti para sa mga lalaki na ubod ng kati at para din sa mga babae na tila parang may higad na hindi mapakali. Ganyan ang bagay sa kanila upang di na umulit pa!
Isang kabit, kirida, other woman, mistress o kabechay, tawag yan sa mga babaeng hindi marunong makuntento sa may asawa na lalaki dahil ang gusto nila ay tipo na may kahati sila para may trill daw sa relasyon nila, at dahil sa kabit lamang siya malamang sa hindi mas “big time “ pa siya gastusan kaysa sa totoong asawa dahil lahat ng luho niya ay ibibigay ng lalaki upang makascore lamang sa kanya. Ang tindi niya noh?
Sa panahon na masyadong ng moderno ang mundo kasabay nito nagiging moderno na rin ang mga kirida ngayon kung dati, masaya na sila kapag nagkikita sila ng palihim ng kanilang mga “papa” ay naku Day! Ngayon hindi na pwede sa kanila yon, kase gusto nila pati sila illegal na rin ng kanilang mga “papa” mas matapang pa nga sila kaysa sa totoong asawa at minsan pa nga ay gusto nila na sa kanila pa mismo umuwi ang lalaki kaysa sa totoong asawa nito.
Maraming mga kwento ang mga tungkol sa mga kirida na matatapang, isa na rito ang pinaka sikat na teleserye na pinanonood ng inyong mga nanay, ito yung kwento ni Angeline na ang pamagat ay “TEMPTATION OF WIFE.”  Sigurado ako na pamilyar kayong lahat dito lalo na yung mga mag-asawa diyan na naranasan na rin ang naranasan ni Angeline na bida sa palabas. Si Angeline kase yung tipo ng asawa na sobrang bait at maalaga sa pamilya kaya nung siya ay aksidenteng nabuntis ni Marcel ay agad siyang pinakasalan nito kahit na tutol ang pamilya nito kay Angeline sapagkat galing si Angeline sa isang mahirap na pamilya. Nagsama sila ni Marcel sa loob ng sampung taon ngaunit yung pagsasama nila ay hindi rin naging maganda dahil nakunan si Angeline. Ito ang naging dahilan upang mambabae itong si Marcel at ang masaklap pa doon ay yung mismong kaibigan pa ng kanyang asawa ang naging kirida niya at yun ay si Heidi, hindi nagtagal ay nagkaroon pa ng bunga ang pagtataksil nila Marcel at, Heidi, bagay na nagtulak kay Heidi upang, mas maging matapang pa siya kay Angeline.
Nakakabulag talaga ang pag-ibig sa buhay ng isang tao, siguro kung pinanganak tayo na dalawa ang ating puso e di sana wala nang matatawag na kabit. Ano? Bakit nga ba isa lang ang pwed nating mahalin at panagakuan ng panghabang-buhay na pagmamahal? Bakit nga ba tayo kailangan mangako kung di rin naman pala natin kayang panindigan ang mga letrang binubuo ng salita “PANGAKO” Bakit kailangan pang ikasal kayong dalawa kung hindi rin naman magtatagal ang inyong pagsasama?
Minsan pa nga ang mga kirida ng ating mga asawa ang siya pang nagiging bida sa buhay nila kaysa sa ating mga legal na asawa. Mahirap para sa isang lalaki ang aminin ang kanyang kasalan, sapagkat alam niya sa sarili niya na kapag umamin siya ay parang binababa na niya ang dangal niya bilang isang lalaki. Dapat kapag kayo ay nakapag-asawa na para hindi magkaroon ng kasawaan sa isa’t isang panatilihin ninyo na sabik pa rin kayo sa isa’t isa kahit kayo ay palaging nagsasama at nagtatabi sa kama.  Kase naman mga babae wag kase kayong masyadong o.a tungkol sa inyong mga asawa, alam niyo ba na hindi makakatulong yan sa inyong pagsasama. Alam ninyo kase yang mga lalaki nay an kapag masyado mong hinigpitan mas lalo silang nasasakal at mas lalo silang mawawalan ng pagmamahal para sa ating mga babae kaya maghahanap yan ng taong makikinig sa kanilang mga problema, pero kapag lalo mo namang niluluwagan ang inyong pagsasama magsasawa at magsasawa din sila sa atin.
Gumawa ako ng isang surbey tungkol sa mga babae na nakakahuli sa kanilang mga asawa na may ibang pinagkaka-abalahan, at nalaman ko na siyam sa sampung babae ang nagsabi na nahuli nila ang kanilang asawa na may iba, at tinanong ko din sila kung paano nila nalalaman na may kalukadidang ang kanilang mga asawa iisa lang ang sagot nila at yun ay kapag daw palaging ginagabi na sa pag-uwi at, laging may kausap sa kanyang cellphone. Nagsisimula na raw silang magduda at ang kanilang pagdududa ay hindi nagkakamali.
Isa na rito ang kwento ni ate Pen-pen, na iniwan ng asawa at sumama sa kanyang kabit  na di hamak daw na mas maganda kaysa sa kanya. Iniwan si ate Pen-pen ng kanyang asawa dahil daw sa kanyang ina na labis daw na kina-iinisan ng kanyang asawa na itago na lamang natin sa pangalan na si kuya Lakay. Base sa kwento ni ate Pen-pen sa akin, kasi daw umaga pa lamang ay nandyan na ang kanyang nanay at kinakatok sila kaya etong si kuya Lakay ay laging naiinis dahil naiistorbo na daw sila sa kanilang pagtulog bagay na sinang-ayunan niya naman. Bukod pa dun nawawalan na daw sila mag-asawa ng “privacy” sa isa’t isa kaya nga daw sila bumukod ay para mabuhay ng tahimik at para hindi na sila paki- alaman ng kanyang nanay. Walang anak sina ate Pen-pen at kuya Lakay; kaya madali kay kuya Lakay ang iwanan si ate Pen-pen dahil wala naman talagang bunga ang kanilang pagsasasama.
Maraming kapit-bahay ko pa ang nag bahagi sa akin ng kanilang buhay mag-asawa. Medyo na awa lang ako talaga kay ate Pen-pen kasi kung susuriin nating maigi wala naman talaga siyang kasalan sa sitwasyon nila mag-asawa siguro kung meron man ayun ay ang di nila pagkakaroon ng anak. Sa kaso ni ate Pen-pen,mas nanalo ang kabit ni kuya Lakay kaysa sa kanya. Siguro hindi sila soulmate ni kuya Lakay kaya hindi nagtagal ang kanilang pagsasama bilang isang mag-asawa.
May ibang kwento naman minsan mas pinipili pa ng mga lalaking asawa ang kanilang pamilya para sa kanilang mga anak. Mas maganda talaga na may bunga yung pagmamahalan ninyo bilang mag-asawa upang may panlaban ka sa mga kontra-bida ng inyong pagsasama. Kadalasan mga anak lang kasi ang nagpapatibay sa samahan ng isang mag-asawa katulad ng kwento ni ate Pen, na wala silang anak ni Kuya Lakay siguro kaya mabilis na nasulot ng kirida si kuya Lakay kase wala naman talaga sila matatawag na pamilya upang ipaglaban nilang dalawa.
Siguro maganda bago kayo magsama ng panghabang-buhay mas maganda kung, kilalanin ninyo muna ang isa’t isa, para walang na kayong magiging duda sa inyong pagsasama.
Kung ako lang ang tatanungin, bago dapat magpakasal ang isang magsyota dapat umabot muna sila sa pitong taon na relasyon, para naman masabi mo na sanay na kayo sa isa’t isa at syempre mas kilala niyo na ang mga sarili ninyo.
Hindi naman talaga masama ang tumingin sa ibang babae, pero dapat mga lalaki hinay-hinay lang kase masyado naman kayong nagpapadala sa inyong mga nararamdaman na mali. Sana man lamang bago kayo pumasok sa bawal na relasyon sana man lang isipin ninyo muna yung mga tao na masasaktan ninyo at sana magpakatotoo kayo sa sarili ninyo, hindi puro kalokohan ang nasa isip ninyo.
Alam ko na wala pa ko sa wastong edad upang sabihin ang lahat nang ito dahil unang una sa lahat wala pa akong pamilya, ni wala nga kong boyfriend e wala naman kaseng nagkakamali sa akin. Gayunpaman, lahat nang ito ay nasabi ko base sa mga naranasan ng pamilya ko. Oo inaamin ko na hindi kami naging perpektong pamilya, kase tulad ng ibang lalaki nagloko din si papa kaya naman ginawa ko ito kase nais kong maliwanagan kayong lahat at para wala na ding taong masasaktan nang dahil lang sa pagkakamali na hindi sinasadya.
Hindi naman masusukat ang tatag ng isang pamilya kung hindi ito dadaan sa isang pagsubok di ba? Kaya naman dapat kapag may nagkamali man sa inyong dalawa hangga’t kaya pang ayusin ay ayusin na upang maiwasan ang paghihiwalay wala namang taong na gusting iwan siya dahil sa isang pagkakamali na ginawa niya. Lahat ng tao ay nagkakamali maaring sinadya o hindi man isa lang naman ang dapat nating gawin sa kanila di ba yun ay ang pagbibigay ng patawad sa kanila.
Totoo nga yung kasabihan na sa una ay puro saya pero dadating ang panahon na iiyak ka. Ibig sabihin na kapag masya kahit na alam mo may masasaktan ka, bandang huli ikaw at ikaw pa rin ang magsisisi ng lahat ng inyong kamaliang nagawa.
Di ba nga utos ng Diyos na mahalin natin ang bawat isa tulad nang pagmamahal Niya sa ating lahat. Siguro panahon na upang mawala na ang mga bagay na walang dulot sa ating maganda, siguro panahon na rin upang tayo ay pagharian ng pagmamahal sa ating mga puso.
Umaasa ako na sana ay wala nang babae iiyak nang dahil lang sa panloloko na ginawa sa kanya ng kanyang asawa at sana rin wala nang babae ang magagawang pumatol sa mga may asawa na. Parang awa nyo na maawa naman kayo sa inyong mga sarili higit pa sa hayop ang ugali ninyo kapag ginawa nyo pa yun!
Uumaasa ako na sa pagbasa nyo ng aking sanaysay ay makakuha kayo ng kaunting aral tungkol sa inyong kamalian sa pag-aasawa ng maaga. Alam ko na darating din ang araw na maghahari sa mundo ang pagmamal na tanging nais ko para sa ating lahat.
Referrence:
·         Philippine Bible Society, Ang Magandang Balita Biblia.
·         Abangan, Bella A.  Lakbay-Diwa, aklat 3: Lakbay-diwa Enteprises.p. 50.