Cherry Vinarao
CeD TLE – 1B
Kulturang Pinoy
Panliligaw:Noon at Ngayon
Ano nga ba ang Kulturang
Pinoy ? Ano nga ba ang pinagkaiba nito noon sa ngayon ?
Sa mundong ating ginagalawan, marami na ang pagbabagong nagaganap. Dito
sa Pilipinas, marami na tayong tradisyon at kaugalian na dulot ng mga
makabagong teknolohiya at impluwensya ng
kultura mula sa ibat’ ibang bansa.
Malaki na nga ang pinagkaiba noon at ngayon lalo na sa kultura. Gaya
ng wika, ang kulturang pinoy ay dinamiko, nagbabago. Tulad na lamang ng
pamamaraan ng panliligaw noon at ngayon. Nag-iiba ang mga paraan at uri ng panliligaw
kasabay ng panahon.
Sinasabing ang panliligaw ay isang hudyat ng kagustuhan ng isang lalaki
sa isang babae. Ang panliligaw ay maihahambing sa isang ritwal na ginagawa ng
lalaking naniningalang pugad sa babaeng kanyang itinatangi.
Ang panliligaw noong unang panahaon, sinasabing kailangan mo munang
dumaan sa butas ng karayom bago mo mapasagot ng isang matamis na “oo” ang iyong
nililigawan. Hanggang ligaw tingin, pasulyap-sulyap at bawal mahipo ang kamay, ni
dulo ng daliri ng dalaga. Hindi mismong ang dalaga ang unang liligawan ng
binata, kundi ang mga magulang nito. Ang mga binata ay nagsisilbi sa mga
magulang ng dalaga; ang pangkaraniwang ginagawa ng binata sa probinsya ay ang
pagsisibak ng kahoy, pag iigib ng tubig at tumulong sa kung anong gawain sa
bahay o samakatuwid pagpapaalila sa magulang ng dalaga.Hindi lamang iyon
ginagawa ng isang araw, isang lingo o kaya isang buwan lamang. Hangga’t hindi
nabibigyan ng hudyat mula sa magulang ng dalaga ay hindi titigil sa panunuyo
ang binata kung talagang desidido ito. Kung mabigyan na ng permiso ng mga magulang
ang binata upang ligawan ang kanilang anak, maaari na itong haranahin pagsapit
ng gabi. Ang harana ay ginagawa sa kalaliman ng gabi na ang mga lahat ay
nagsisitulugan. Kapag dumungaw ang dalaga sa binata, ibig sabihin ay nagbibigay
ng oras at atensyon sa binata. Kapag nagsimula ng makita ang ngiti ng dalaga,
ibig sabihin ay may pag-asa ang binata sa dalaga. At kapag nakamit na ng lalaki
ang matamis na “oo” ng dalaga, maaari ng mag usap ang dalawang nag iibigan.
Makalipas lamang ang ilang panahaon at nais na ng dalawa ang magpakasal
pinahihintulutan ng mga magulang ng dalaga na magkaroon ng pamamanhikan kung
saan ay kasama na ng binata ang kanyang mga magulang upang magkaroon ng
mgandang pag uusap ukol sa kasal at makabuo ng magandang relasyon ang bawat
panig.
Sa panliligaw noon, malalaman mo kung gaano kaseryoso ang manliligaw
na kailangan dumaan sa paninilbihan at mabuting pakikisama.
Samantalang ngayon, marami na ang pinagkaiba ng panliligaw sa
ngayon. Ngayon hindi na kailangang duaman kay nanay o kay tatay ang panliligaw.
Kahit walang basbas ng mga magulang ay maaari ng manligaw. Dahil na rin siguro
sa makabagong teknolohiya. Nandyan na kasi ang “text”, “facebook”, “chat”, at
“love match” sa mga radio. Meron naman ang ilan na nakikilala lang sa
pagdiriwang o kaya sa inuman, maya maya ay magsyota na. Ika nga ng matatanda,“noon,
dadaan ka sa butas ng karayom bago ka sagutin ng babae. Ngayon, para nalang
itong isang laro, madaling umpisahan at tapusin.
Noon, nagbibigay ang mga lalaki ng mga sulat o/at tula na sulat
kamay na ginagawa nila at nagkikita ang mga magkasintahan na harapan. Ngayon,
nandyan na ang cellphone, ipod, computer, atbp. Text-text nalang at nag-uusap
sa facebook/’’chat’’ ang mga magkasintahan.
Kung noon, ang babae ang dapat makipag hiwalay. Ngayon, kahit ang
lalaki na ay pwede ng makipag hiwalay. Noon, kapag may “date”, ang lalaki ang
dapat nagbabayad. Ngayon, minsan nagbabayad din ang babae (hinahati ang
“bill”/bayad) dahil sa pagkakapantay ng lalaki at babae.
Noon, umaabot ng ilang buwan ang ligawan bago mapasagot ng lalaki
ang babae. Ngayon, hindi pa umabot ng linggo o buwan ang panliligaw ng lalaki
sa babae ay agad ng napapasagot ang babae. Ganuon na lamang kadali ngayon.
Noon, harana. Ngayon, pick-up lines.
Ang dami na talaga ang pinagkaiba noon sa ngayon.
Ang pinakamalaking pagbabago siguro, kung noon lalaki ang nanliligaw,
ngayon pati babae nanliligaw na rin. At kung noon lalaki ang nanliligaw sa
babae, ngayon pati kapwa lalaki nililigawan na rin.
Ano pa kaya ang magbabago sa susunod pang henerasyon?
References:
Rijhene Geloso
Arvin Anzures
Noemi Jadia
Marianne Guerra
No comments:
Post a Comment