Saira
Saligumba
CeD
TLE – 1B
‘’WIKA’’
Wika
ay Ating Ipagmalaki
Kung
pagtutuunan natin ng pansin ang sarili nating wika.Dito natin malalaman kung
gaano kahalaga ang ating sariling wika. Kung susuriin ngayon bilang na lang ang
gumagamit sa sariling nating wika .Ang wika ay binibigyang kahulugan ni Henry
Gleason na ang wika bilang sistematikong
balangkas na binibigkas na tunog na pinipili at isinaayos sa paraang arbiteryo
upang magamit ng mga taong may isang kultura. Halina’t basahin natin ang
kahalagahan ng ating wika.
Kalakip
ng paglikha ng diyos sa tao ang kanyang wika.Hindi magiging kumpleto ang
pagiging tao kung walang wikang magagamit upang siya ay makipag-ugnayan sa
kanyang kapwa at makapamuhay sa mundong kanyang ginagalawan: ito ang midyum sa
pakikipagtalastasan o komunikasyon;ginagamit ito upang malinaw at epektibong
maipahayag ang damdamin at kaisipanng tao; sumasailalim ito sa kultura at
panahong kanyang kinabibilangan ; at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap
ng kaalaman.Ang kahalagan ng wika ay meron ding teoryang pinagmulan.
Lumipas na ang napakahabang panahon,umunlad na
ang daigdig,sibilisado ng mga tao,narito na tayo sa panahong napakabilis
magkaroon nang napakaraming pagbabago,ngunit hanggang sa ngayon ay sinisikap pa
rin ng taong alamin ang pinagmulan ng wika.Maraming teorya ang naglabasan upang
sumubok at mapatunayan kung ano at saan nagmula ang wika.Maraming iskolar ang
naglaan ng kanilang panahon upang tuklasin ang pinagmulan ng wika,ngunit
hanggang ngayon ay nanatili pa ring teorya ang mga nakatulong ang nga teoryang
ito upang magkaroon ng pansamantalang katugun sa isipan ng sangkatauhan kung
saan nagmula ang wika.Mga teorya ng pinagmulan ng wika.
Teoryang Bow-wow-ipinangangalandakan
ng teoryang ito na ang wika ay nagsimula nang ating mga ninuno ay natutunag
manggagad o manggaya ng mga tunog sa janilang kapaligiran.Sinasabi sa teoryang
ito ang na ang unag pananalita ng sangkatauhan ay onomatopoeic-paguulit ng mga
tunog gaya ng moo ng baka,miyaw ng pusa,aw aw ng aso maging paghuni ng mga
ibon,lagaslas ng tubig sa batis,pagaspas ng mga dahon ay tinatayang siyang
naging batayan ng mga sinaunang tao
upang makapagsalita..
Teoryang Ding-dong-Sinuportahan
nina plato at Pythagoras ang teoryang ito .Sinasabi sa teoryang ito na ang
pagsasalita ng tao ay nabubuo sa kanyang pagtugon sa mga naririnig sa
kapaligiran.Ang orihinal na tunog na nililikha ng tao ay bilang
pakikipag-ugnayan sa mga nakapaligid sa kanya.Sinasabi rin sa teoryang ito na
ang lahat ng bagay ay may kaakibat na
tunog gaya ng kampana,tren at iba pa na siya ring totoo sa tao na may sariling
tunog na nililikha.
Teoryang Yum-yum-sa
teoryang ito sinasabing sumesenyas ang tao sang-ayon sa mga tunog na kanyang
sinasambit.Ang mga pakilos o pagkumpas ng mga bahagi ng katawan ng tao ay
siyang nagging simula ng kanyang pagsasalita.Sinasabi rin sa teoryang ito na
unag kumumpas ang tao bago nakapagsalita at pagdating ng tamang
panahon,kailangan niyang palitan ng mga salita ang kanyang mga nais sabihin.Isang
patunay rito ang pagtungo sa pagsasabi ng pagsang-ayon na salitang tulad ng
oo,opo,o kaya ay sige.Pag-iling naman ang kasabay ng mg di-pagsang-ayon tulad
ng hindi o ayaw.
Teoryang Ta-ta-halos
magkahintulad ang Yum-yum at Ta-ta sapagkat kumpas o galaw ang batayan ng
pagkakaroon nhg wika sa mga teoryang ito.Naiba lamang sapagkat ang Ta-ta
nakatuon sa kumpas ng kamay.Franses diumano ang salitang Ta-ta na
nangangahulugang paalam.Noonh panahong iyon,tanging ang kumpas ng kamay na
pataas-pababa at pabalik ang tanging kumpas upang magpaalam.
Ang mga
nabanggit ay ang mga teorya ng ating wika meron din itong barayti.Ito ay
ibinigay kahulugan ng salitang Barayti ang pagiging uri,kalagayan o kalidad ng
pagkakaiba o pagkakaroon ng dibersidad.Ayon kay Bickerton (1975),ang wika ay
maaaring magbago sa bawat panahon ngunit lagging nakikita ang kanyang
kaantasan.Ang barayti ng wika ay di maaaring maiwasan sapagkat ito’y maaaring maging daan ng tao sa pag-aangkop ng kanyang sarili sa di
pa matukoy na dahilan.Sinabi nga ni Mac farland na ang wika ay lubhang
napakalawak kung kaya’t walang sinuman ang ganap na natututo sa sarili niyang
wika. Binigyan katuturan ni Hudson ang barayti ng isang set ng mga
terminolohiyang panglinggwistika na may pare-parehong distiksyon.sinuportahan
din ito ng pagkakahulugan ni Gleason na ang baryasyon ng wika ay isang
katotohanan sa lipunan na kakambal ng tradisyon ng mga tao na samakatuwid ay
nangangahulugang ang barayti ng isang
wika ay tahasang nakasabatay na sa kultyura at sistema ng pamumuhay ng
tao.Bagama’t ayon kay Consuelo Paz (1993) ang pagtanggap sa wika ay bukas na
pagbabago,ito ay pinakamabuti dawn a attyud para di maubos ang panahon ng
pagtatalo kung alin sa mga barayti ang
dapat maging istandard.Ayon pa rin k ay Paz,hindi naiiwasan ang pagbabago ng wika dahil ito’y
buhay,mapanlaki at inobatibo kung kaya’t kailangang tanggapin.Idinagdag pa ni Hymes na ang pakamalikhain ng mga
gumagamit ng wika ay nakatutulong sa kanilang malaman kung ano at gaano ang magagawa ng pagkakaroon ng barayti ng
wika.sa pandaigdigang batayan,patuloy pa ring pinagtatalunan kung alin o ano
ano ang masasabing Linggwa Franka ng
daigdig.Ito
ang nagbubuklod sa bawat tao hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa mga
ibang bansa rin.
Sa pamamagitan ng wika kaya nagkakaunawaan at nagkakaroon ng madaling komunikasyon ang bawat tao kundi pati na rin sa mga karatig bansa nito.
Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa at salamin ng lipunan
Sa pamamagitan ng wika kaya nagkakaunawaan at nagkakaroon ng madaling komunikasyon ang bawat tao kundi pati na rin sa mga karatig bansa nito.
Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa at salamin ng lipunan
- Sagisag
ng pambansang pagkakakilanlan
- Ang
wikang pambansa ay siyang susi sa pagkakabuklod-buklod ng damdamin at diwa
ng mga mamamayan
- Sa
pamamagitan ng mga salita nagkakaunawaan ang mga tao
Kahalagahan ‑ Kung
wala ang wika, mawawalan ng saysay ang halos lahat ng gawain ng sangkatauhan,
sapagkat nagagamit ito sa pakikipag-ugnayan katulad
ng sa pakikipagkalakalan, sa diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan, at
pakikipagpalitan ng mga kaalaman sa agham, teknolohiya at industriya..
Etimolohiya - Nag-ugat ang salitang wika mula
sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang
salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang
wika.Katuladng language - tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa
salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang
"dila",
sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog,
samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan - ay anumang
anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit
mas kadalasang mayroon.
Mga
antas - Kabilang ang mga sumusunod sa
mga kaantasan ng wika:
Kolokyal/pambansa -
ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-araw na
pakikipag-usap na kadalasang malayang pinagsasama ang mga wikang Ingles at Filipino
Kolokyalismong
karaniwan - ginagamit na salitang may "Taglish"
Kolokyalismong
may talino - ginagamit sa loob ng silid-aralan o paaralan
Lalawiganin/panlalawigan -
wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o pook.
Pabalbal/balbal (salitang
kalye) - pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao, na nabuo sa kagustuhan
ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan. ito
rin ay maaring nabuo sa pag-baliktad ng mga salitang Kolokyal/pambansa.
Abstract
- Hindi natin maitatatwa na ang isang wikang pansarili, isang wikang taal at
di-dayuhan, ay mahalaga sa pagkakaroon ng self-identity o kakanyahan. Ang
simbolo ng isang bandila, isang marcha nacional, isang pambansang awit, isang
pambansang bulaklak, isang pambansang kasuotan ay makabuluhang lahat bilang mga
tanda ng kakanyahan at pagsasarili. Ngunit ito ay mga tanda lamang — isang
simbolo. Nangangailangan ng kahulugan sa mga gumagamit ng mga simbolo. At mas
mahalaga ang kahulugan kaysa sa simbolo. Ang simbolo ay simbolo lamang — walang
kabuluhan kung wala ang damdamin ng mga gumagamit ng simbolo. At ang mga
palatandaan ay maaaring palitan, gawing makabago kung kailangan. Sa papel na
ito, inihambing ang kaso ng Indonesya at ng Singapore, ating mga kapit-bansa sa
Timog-Silangang Asya sa kaso ng Pilipinas, sapagkat ang dalawang bansang ito ay
nagbibigay sa atin ng isang kakaibang larawan upang muling suriin ang wika
bilang mahalagang bahagi ng pagbubuo ng ating kakanyahan.Para sa akin ay
Mahalaga ang wika dahil ito ang batayan ng pakikipagugnayan at
pakikipagtalastasan tungo sa pagkakaunawaan at pagkakaintindihan sa
sangkatauhan. Mawawalan ng saysay ang gawain ng sangkatauhan kung wala ang
wika. Dahil ang wika bilang pakikipagugnayan ay ginagamit sa pakikipagkalakalan,
diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan at pakikipagpalitan ng kaalaman sa
agham, industriya at teknolohiya..
Ang
hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang
isda,kaya ating pagyamaning kusa,gaya ng isang inang sa atin ay pinagpala,ito
ang mga tanyag na katagang nag mula sa ating pambansang bayani na si gat.jose
rizal na nagbibay importansya sa kahalagahan ng wika sa buhay ng isang tao.
Ang
wika ng isang bansa ay masasabi natin na kaluluwa ng isang bansa at siyang nagbigay
buhay dito.Ito ang nag sisilbing tulay sa siyang nag dudugtong dugtong sa isang
kumunidad na naninirahan sa isang bansa.
Sa pamamagitan nito,ang pag kakaisa at
pagkakaunawaan sa bawat tao ay lalong yumayabong,ito rin ang nag sisilbing susi
ng ating pagkaka kilanlan.Sa pamamagitan nito,nakikilala ng ibang tao kung sino
tayo.Ang importansya upang lalong paunlarin at palawagin ang ating pambansang
wika ay matagal ng binigyan ng pansin ng mga mamumuno sa ating bansa.Sa
pilipinas mayroon tayong mahigit isang daang klase ng lingwahe na ginagamit
mula batanes hanggang tawi-tawi,ngunit ang pambansang wikang filipino parin ang
siyang malimit na ginagamit at mas naiintindihan ng buong kapuluan.
No comments:
Post a Comment