Monday 3 March 2014

Ed – Bryanth Gueco
CeD TLE – 1B

Paalala: Kapag nasama ka sa mga naisulat ko dito hindi ko sinasadya dahil FYI base on my own expireince ko ito kaya enjoy!!!

Iba't-ibang Uri at Ugali ng Estudyante
Una sa lahat, ang aming klase ay mayroong mga "Geeks".
 Ang mga geeks ay ang mga taong laging nag-aaral at walang paki-alam sa mundo. Libro, teacher, lapis bolpen at  blackboard lamang ang iniintindi. Sila ang mga klase ng tao na hinding-hindi gagawa ng kalokohan kahit ano pang gawin mo. Alam nila ang lahat ng kasagutan sa iyong mga katanungan. Walang takot na magtatanong at harap-harapang sasabihin sa mga teachers ang kanilang pagkakamali. Kahit na mainit pa ang ulo ng titser at bad trip na, ang mga geeks ay walang takot na lumalapit sa titser at nagtatanong kung mag-iiba ang result ng equation kung isa-substitute ang value ng X at Y. Kadalasan sa kanila ay nakasalamin at tinatawag na "teacher's pet" ----> sa tagalog, sila ay ang mga "Alaga ng Titsers"

Pangalawa ay ang mga "Kutong Lupa"
Ang mga Kutong Lupa ay ang mga taong pumapasok lamang para kumain at matulog. Laging tulala at walang paki-alam sa mga titsers. Kahit sa mga quizzes, laging blangko ang kanilang papel at paminsan-minsan, pati ang kanilang pangalan ay blangko din. Pati nga notebooks at mga libro, blangko din! Pero sa awa ng Diyos, nakakapasa naman ang mga ganitong uri ng tao. Paano? Bagsak nga sila sa lahat, pero pasadong-pasado naman kapag periodical test na! Kumukopya nalang din ng notes one week before the exam at cramming parin ang nangyayari sa mga ito.

Pangatlo ay ang napaka-delikadong sakit at ito ay ang "Hallow Man Virus"  
Ayon sa isang expertong kaklase, may 2 uri ng Hallow Man Virus, Ang Type A at Type B. Ang Type A ay ang mga estudyanteng laging invisible sa klase, bakante ang upuan, may meeting, tinatamad pumasok o kaya madalas na absent. Pero sa kasamaang palad, mas malala ang Type B Virus. Ang mga may Type B Virus ay ang mga pumapasok sa eskwelahan bagamat present ay invisible naman ang mga sagot sa quizzes, hollow ang utak. 

Pang-apat ay ang mga "Day Dreamers".
Ang mga Day Dreamers ay ang mga taong laging wala sa sarili. Yung tipong papaakyatin sila papuntang Science Laboratory at papakuhanin ng Envelopes. Nang sila ay bumaba, wala silang dalang envelopes.. at nang tinanong ng titser kung bakit, ang sasabihin lang nila ay.. " Hindi po namin Naintindihan eh.." Yan ang mga Day Dreamers.. Minsan naman, kapag sinabi ng titser na pumunta ng Faculty Room, ang sasabihin lang naman nila ay "Aakyat po ako?" weirdo noh?

Pang-lima naman ay ang mga taong Nagkukunwaring Matino.
 Sa mga hindi nakakaalam, isa rin ako sa mga ganitong klasen ng tao.. Naalala ko pa nga eh, may sinabi ang isang titser sa akin.. ang sabi niya.. " etong estudyanteng 'toh! Akala mo matino, ayun pala nasa loob ang kulo!" ahahaha.. kadalasan ang mga ganitong tao ay maamo ang itsura pero sa kaloob-looban, sila ay masyadong maloko. Bakit kaya ganun?


Pang-anim ay ang mga Henio.
 Sa aking pagkakaalam, konti lang ang mga ganitong uri ng tao sa wanbee. Ang mga henio ay kadalasang tahimik subalit may ibubuga naman pagdating sa klase. Sila ay kadalasang nagpapapansin sa pamamagitan ng pagsasagot ng marangal at matino.. sa ganoong paraan, sila naman ay papalakpakan at manghang-mangha naman ang buong klase.

Pang-pito ay ang mga taong Pasaway.
 Ang mga taong Pasaway ay ang mga taong walang takot na gumagawa ng kalokohan kahit ano pa iyan. Cheating, littering, bullying at vandalism ang kadalasang ginagawa ng ganitong mga tao. Ginagawa nila ito upang magpapansin, mapansin, at mang agaw-pansin. Kadalasan, walang utak ang mga taong ito. At minsan nasa deans office ang mga ito ahahaha!! Peace

Pang-walo ay ang mga Payaso.
Sila ang mga opisyal na kenkoy sa klase. May mga one-liner na gumigising sa lahat kapag nagkakaantukan na. Sabi ng ilang teacher, ito daw ung mga KSP sa klase dahil hindi naman matalino, o kadalasang matalino, na tamad lang, eh dinadaan na lang sa tawa ang pagpapapansin. Pero aaminin ko, walang klaseng walang ganito at kung meron man, magiging isang malaking sakripisyo ang pagpasok sa ekwelahan araw-araw. Kadalasan ay matataba at walang laman ang kokote. pero kahit ganoon ang ugali, sila naman ay may itinatagong kagandahang ugali sa loob ng kanilang mga puso o meron silang busilak na puso sa pagbibigay ng papel sa mga kaklase..



Pang-siyam ay ang mga Mood-Swingers.
 Ito ay "Self-expanatory" na lamang subalit kung hindi ninyo ito maintindihan, ako nalang ang mag papaliwanag para sa inyo. Ang mga Mood-Swingers ay ang mga taong minsan masaya, minsan malungkot, minsan masungit o kaya't minsan kinikilig. Kaunti lang ang ganito sa wanbi sapagkat lahat kami ay masaya, tawa nang tawa kahit may problema.

Pang-sampu ay ang mga taong mahilig "Mang-Trip".
Ito ay ang mga taong gagawa ng kalokohan at pagkatapos, papaiyakin muna ang biktima bago aminin ang kanilang pagkakasala. Walang magawa ang ganitong mga tao at malamang, gusto lang nilang magpapansin.Well sorry nalang kung mababasa mo ito haha.. ganun tlaga ehh..

Pang labing-eleven ay ang mga taong naka-ecstasy bago pumasok sa klase.
 Tawa nang tawa at walang ginawa kung hindi tumawa.. May isa akong kaklase na ganito ang ugali,, kahit corny ang joke, parang nakalanghap ng 5 pakete ng katol at ginawa itong agahan..

Pang labing-twelve ay ang mga taong PAKYU-t.
 Ang mga taong pakyut ay ang mga earistian umiibig sa kapwa earistian.. Lahat ng officers ay ganito Xempre,, pati ako, kasama sa mga un! <nung first sem ngaun ndi na>.. Pero lingid sa inyong kaalaman, 75% ng wanbee ay binubuo ng ganitong mga tao. Kadalasan, ang mga pakyut ay ginagawang inspirasyon ang kanilang iniibig na kapwa
earistian.. ka2lad ko ulit.. weLL!! ika nga.. "Life is Life, Buhai ai Buhai" 


Pang labing-thirteen naman ay ang mga "Feeling Pogi"
Ang mga taong ito ay walang ginagawa kung hindi umibig din sa kapwa babae. Sa aking pagkakaalam, ang aming klase ay binubuo ng 3 "Feeling Pogi". Ang mga taong ito ay may itinatagong karunungan sa kanilang mga kokote subalit sila ay "Feeling Pogi" nga lamang.

Pang labing-fourteen ay ang mga taong heartthrob.
 Hmmm.. kadalasan, ang mga heart throb ay hindi masyadong kagandahan at kagwapuhan kaya't ako'y nagtataka kung bakit sila naging heartthrob.. Bakit nga kaya? Hmm..sa tingin ko ma-apeal

Pang labing-fifteen ay ang mga Politiko.
 Halos lahat ng Politiko ay mga officers. Kina-career ang pagiging mabait sa mga kaklase para lamang iboto sila sa susunod na taon. < para sa inyong pagkakaalam, hindi ko kina-career ang pagiging mabait> Ang mga taong ito ay mga matatalino rin. Palaban na mag-aaral na mas nag-aalala pa sa kalagayan ng eskwelahan at mga kapwa school mates kaysa sa grades nila sa Contemporary Math.

Pang labing-Sixteen ay ang mga Atletiko.
Ang mga taong ito ay magaling sa isports. Halos lahat ay "Varsitarians". Mga hyper ang mga taong nabibilang sa grupong ito. Kung gaano kaliksi kumilos ang mga ito, ganoon naman sila kabagalmagbasa.



Pang labing-Seventeen ay ang mga Celebrities
Ang mga celebrities ay ang mga taong sikat kahit sa ibang year levels. Kadalasang walang utak at umiibig din ang mga ito sa kapwa earistian. Kadalasang mahina rin ang kanilang mga utak.

Pang labing-Eighteen ay ang mga Singers.
 Ang mga Singers ay ang mga taong kanta nang kanta. Bakit nga ba? e malay ko.. Pero sila ang dahilan ng minsang pagsikat ng araw at pag-suspend ng klase.

Pang labing-Nineteen ay ang mga Performers.
 Ito ay ang mga taong laging nasa stage tuwing launchings at mga special events sa school. Laging nahihiya kapag may pinapagawa na sa kanila sa stage. Parang ako!

Pang labing-Twenty.. ayy este, Pang Twenty.
Ito ay ang mga taong Orocan. Ang mga Orocan ay ang mga taong napaka-plastic sa mga taong kinakaasaran nila. Mga taong laging nanghihingi ng supply ng papel at nagbabait-baitan lamang upang bigyan sila ng papel.

Pang Bente Uno. Ito ay ang mga taong "Pormang Tambay".
 Ito ay ang mga taong pumapasok lamang para pumorma sa kanilang iniibig na kanilang kapwa earistian. Ugaling "tambay" din ang mga taong ito. Walang paki-alam sa grades at may paki-alam lamang sila sa kanilang mga kaibigan.. Nanlilibre, nagpapalakas at nagpapatawa ng corny jokes upang magpapansin lang ang mga taong ganito.

Pang Bente Dos ay tinatawag na mga Guiness.
Ito ay ang mga taong record holders pagdating sa persistence. Pilit na pinupunan ang mga kahulugan sa katalinuhan. Sila kadalasan ang nagtatagumpay sa buhay. Masinop sa projects, aktibo sa recitation. Paulit-ulit na nagtataas ng kamay kahit laging mali ang sagot....


Pang Bente Tres ay ang mga taong Pasimple.
 Kadalasang gumagawa ng kalokohan subalit hinding-hindi nahuhuli sapagkat akala ng mga titser ay matitino sila.. Yun pala hindi..

Pang Bente Kwatro.
 Ay ang mga Leather Goods. Ito ay ang mga estudyanteng my maling uri ng determinasyon. Laging determinado ang mga ito sa harapang pangongopya, bulgarang pandaraya at palaging pagpapalapad ng papel sa teacher.

SPICE GIRLZ!! O KILALA SA SCHOOL NATIN NA GIRLS GENERATION
kung inyong napansin, ito ay ang pang bente-sinkong uri ng estudyante... ito ay special request ahaha.. eniwei, ang mga spice girlz ay ang mga kikay na kasama sa "Spectacular Kada".. Halos lahat sa kanila ay may kanya-kanyang kalokohan.. Ang paboritong kulay nila ay fenk.. diba? Mga taong mdaming kalokohan sa klase.. Laging tambay sa savemore at unitop para magpalamig at syempre kasama na dun ang pag seselfie haha..  magkakasama din sila sa hirap at ginhawa.. este, magkasama sa mga kalokohan at mga away, pero kapag my away promise hindi ka nila bibiruin kapag nagalit sila sau nako magdasal kana dahil resbak!!! buong tropa.. Higit sa lahat, kahit mahirap man sa kalooban ko, inaamin din DAW nila na sila ay CUTE!! 
                  Facebook.com/HBBAY.Like/posts/688012201234933
            The complete handbook of ASTROLOGY
           


            

No comments:

Post a Comment