Monday 3 March 2014

Danielyn Pamittan
CeD TLE – 1B     

LintiknaPag – ibig
Sa dinami rami ng bagay sa mundo, pag – ibig ang siyang nagpapaikot dito. Pag – ibig na hindi mawawala sa buhay ng tao,  sa bawat Segundo ng ating buhay patuloy na tumitibok ang ating mga puso na nagbibigay ng tuwa, sakit, pait, at dusa. Walang kulay ang istorya natin kung walang mga emosyon. Ano nga ba ang pag – ibig na siyang hinahangad na makamtam ng lahat? Pinapangarap at tinatamasang maranasan ng ilan? Totoo nga bang ang pag – ibig ay nagpaparanas ng walang katumbas na kaligayahan at walang humpay na sakit? At bakit maraming tanong kapag inlove? At paulit – ulit na tinatanong kahit alam na ang kasagutan. Kailangan pa bang paliwanag kahit maliwanag na ang lahat? Kailangang “I - explain”ng bonggang bongga mula umpisa hanggang huli, mula sa ibaba hanggang itaas? Sabinganila “Love is like a fantasy” na mayroong “magic” tapos may “sparkle” at lahat ng makikita mo wala sa realidad, gayang sinasabing ilan na para raw silang lumulutang sa hangin. Anu yun, joke? Hindi ba nila pwedeng I –identify ang pag – ibig sa realidad na paraan. Nakakabata raw pag – inlove, yung tipong manonood kayo ng palabas sa “Walt Disney”. Pag – ibig nawawala ka na sa realidad ng mundo, yung tipong nasa Pilipinas ka tapos mapupunta ka ng ibang bansa dahil nakapag – asawang “foreigner”. Ay mali pala. Isipin mong nasa disyerto ka at biglang umuulan ng niyebe o di kaya, kayo na lang ang tao sa mundo. Hindi sa pagiging “bitter” ang paglalarawan ko sa pag – ibig kundi dulot ito sa ating buhay.
Love is blinding, not everything you see is real and not everything you hear is true.” Ito ang pambanat ni Papa Jack sa TLC (True Love Conversation) na talagang tinamaan ako ng lintik na inspirasyon para lang matapos ko na ito. Bakit ba bulag ang mga nagmamahal? Kahit anong pangit ng partner mo, kahit anung sama ng ugali at inako lahat ang kasamaan, ultimo kadugyutan sinama na. Sasabihin nila na mahal ka, tapos mahal mo na. “Don’t care what they say” utang na loob. Kung iisipin natin hindi lang tayo ang tao sa mundo, hindi tayo nag – iisa at hindi rin kayong dalawa lang. Walang “requirements” sa love, hindi kailangan ng biodata, o ng “background”, walang pinipili mapa – bata’t matanda, kaya nga sinasabihan ang henerasyon at inaabuso pero sa kaabusuhan natin, marami ang nauso. Sa ibang dako ng aking pananaliksik sa pag – ibig, napapaloob ang mainit na damdamin, pagmamahalan at malalim na pagtingin para sa isa’t isa.Samu’t saring emosyon ang nararanasan; kaya pala pag nagbabasa ako ng “pocket book” kung anu – anong paliwanag mula sa pag –ibig at iba’tibang panlasa nito. Lumilingon lingon ka lang, marami kang makikita, “getting – to – know” hanggang sa magkaalaman ng password, ”love birds” na akala mo sila ang tao (mamansin naman kayo), pinakagusto ko yung“break - up”, ang lupet kayang makakitang nag – eeskandalo sa kalye, syempre tayong mga Pilipino tsismoso’t tsismosa kahit na nagmamadali ka mapapahinto ka tapos titingnan mo kung anu yung nangyari. Ang kulit ng tagpong “bitter stage” na nagsusulian ng gamit, nag – iiyakan kala mo namatayan. Tapos doon sila sa harap ng maraming tao. Isipin mo, binili mo yung napakamahal na “teddy bear” o “bracelet” para iregalo tapos ibabalik din sayo, sirana.ang pagmamahal nagpapakita ng respeto, nagbibigay ng kalayaan sa pagka responsable at totoo, lahat ng ito ay nagpapaunlad sa isang samahan hindi lang sa dalawang taong nagmamahalan maging sa pagkatao ng isat’ isa. Isa man mawala sa mga ito, tiyak na masisira ang pinagsamahan. Marami tayong titiisin bilang kabayaran para makuha ang wagas na kaligayahan, anomang pasakit at hapdi ng pag – ibig basta’t magpakumbaba ay pinagpala. Nagpapakita ng konsiderasyon para sa katapatan ng isang tao at katangian nito, mamahalin mo mula ulo hanggang paa, buong pagkatao.
“Love is like a riding car without breaks, going to downhill.”You know you’ll get take the wide.Huwag matakot magmahal, huwag lang sobra o kulang. Dahilito ay masama. Magmahalng walang dahilan, ito ang pinakamagandang bagay sa mundo. Hindi dahil sa pera, sa kagandahan o sa katayuan. When we’re inlove, we break the rules. Laging tatandan, ang tunay na pag – ibig ay matiyaga at magandang loob, hindi nananaghili, nagmamapuri at nagmamataas, hindimagaspangangpag – uugali, hindimakasarili, hindimagagalitin o mapagtanimsakapwa. Hindi nito ikinatutuwa ang gawang masama ngunit ikinagagalak ang katotohanan.Ang pag – ibig ay mapagbata, mapagtiwala, punongpag – asa at nagtitiyaga hanggang wakas.
















BIBLIYOGRAPIYA
-          Kayumanggi sa Filipino 4 – Leo Ross Publication
-          He is for me? By: Didi Nakar Marañan
-          Magandang balita: biblia
 “Kahapon Ngayon at Bukas”


 Iisa lang ang dahilan kung bakit lahat tayo ay nabubuhay, iisa ang mga hakbang na kailangan nating gawin para sa ating mga sarili, may mga hakbang na hindi natin akalain nandiyan na pala, tulad na lang ng kahapon, magugulat nalang tayo na nandiyan na ang ngayon at bukas. Sa ating mundo marami ang mga nangyayaring kababalaghan o anu-ano pa, maraming mga pagsubok sa buhay na minsan hindi na natin kayang solusyunan pero tayong lahat ay nagsusumikap para sa ating sarili at para makamtam ang ating mga pangarap sa buhay at sa sitwasyon na yan, may hindi malilimutang pagkakataon na masakit sa damdamin at ang pinakamasakit sa lahat ay yun bang alam mong mali pero kailangan mong gawin para sa iba at ang pinakamalala pati ang buhay mo sinakripisyo, sinira at tinapon mo para sa kanila. Ako nga pala si “cellphone” celphone po ang tawag nila sakin pero sa dami pong cellphone sa mundong ibabaw “5110” ang pinaka pamilyar na tawag po nila sakin. Bago ko simulan ang aking buhay nais ko lang po kayong batiin ng magandang araw at sana po matuwa kayong magbasa ng kwento ko. Alam niyo mga mambabasa, parang kailan lang ako ay napakabata pa lamang, hindi ko alam kung pano ko pasasayahin ang mga taong nakapaligid sa akin. Araw araw akong nag iisip kung paano ko ito gagawin, para naman silang lahat ay matuwa sa akin kahit sa ganung paraan lamang. At syempre para din maipamalaki nila ako sa lahat ng makakakita sa akin at sa mga taong malapit sa kanila. Kaya ang pinaka una kong ginawa ay maging mapagbigay at maging mabait sa kanila, syempre sa pamamagitan ng mapagbigay na kaibigan. Binigay ko lahat lahat ng gusto nilang makamtam. Bente kwatro oras akong magtatrabaho sa isang araw, wala akong tigil at wala akong pahinga sa pagtatrabaho maghapon, magdamag wala akong tigil, kahit gusto ko nang magpahinga wala akong magawa kasi po sa mga oras na nakikita ko pong nakangiti ang mga taong nasa paligid ko masaya na din ako. Sa pagkakataon po palang nakacharge ako pilit parin akong nagtatrabaho wla tlga akong tigil, napakahirap talaga pero ito po ay aking ginagawa para lang po mapasaya ko silang lahat. Kahit napakahirap tiniis ko pero sa isang pangyayaring hindi ko natanggap at kinaya ay ang pagdating ng bukas mas masakit pa pala un kaysa sa naramdaman kong hirap sa aking buhay. Sana ang kahapo’y di na nagtapos, napakasakit , napakahirap na ang ngayon ay ang nanira saaking kahapon grabe sa isang pitik ng kamay nawala lahat lahat. Nakalipas ng ilang buwan nagbago ang lahat nakalimot at nag iba, tulad nalng sa ngayon hindi na rin siguro papatalo ang Pinoy pag dating sa paggamit ng mga makabagong Teknolohiya tulad ng cellphone laptap, Ipad, computer at kung anu-ano pang gadyet. Paano natin sasabihin na “naghihirap na ang bansang Pilipinas” sa tuwing may lalabas na bagong gadyet meron lagi ang Pinoy. Sadya yatang hindi sa atin hadlang ang mga problemang kinakaharap pag dating sa pera, nariyan ang iba na nangungutang para lang maka-bili ng gadyet, yung iba naman kumukuha ng hulugan para lang mapasa-kamay ang inaasam nila na kahit alam nilang luging-lugi sila. Pag dating sa makabagong Kumpyuter /Laptap hindi na rin ito iba sa atin, pero karamihan sa atin ginagamit ang mga ito pang peysbuk, twiter, tumblr, prendster, games, chat at iba pang mapaglilibangan. Karamihan sa trabaho ngaun hinahanap na ang “computer literate” o yung aplikanteng marunong gumamit ng kumpyuter. Isang magandang halimbawa ay ang mga “technical support, customer service” o mas kilala sa tawag na call center. Maraming gradweyt ng ibat- ibang kurso pero kadalasan nagtatrabaho bilang call center Ipod/ipad nauuso na rin ito sa atin palibhasa ito ang madalas nating nakikita gamit ng mga kilalang tao sa buong mundo lalo na yung mga mayayaman. Minsan kahit hindi na natin alam kung paano gamitin ito binibili parin natin para masabing “nasa uso ka” kung iisipin mo, bakit ka bibili ng isang mamahaling ipod/ipad kung gusto mo lang ay makinig ng kanta? O gusto mo lang gumamit ng kompyuter? Karamihan na ata ng pinoy ngayon mayroon ng cellphone. Ito ang pinakamabisang komyunikasyon ngayon pero ngayon kadalasan ito ang ginagamit nag ibat-ibang uri nang panloloko, na kunwari nanalo ka ng milyon-milyong piso at para makuha ito kailangan mo magbayad nang libo, palibhasa mahirap matunton ang may-ari ng cellphone at hindi mo kailangan i-rehisto ang iyong sim card kaya marami ang gumagawa nito. Ang mahirap kasi sa ibang Pinoy mahilig magyabang, gusto nila angat sila, gusto nila kung ano ang meron sa iba, meron din sila yung tipong hindi makuntento kung ano ang meron sya. Halimbawa nalang ay ang cellphone bibilin mo sa halagang dalawam pung libong piso, susunod na may lumabas na bagong cellphone syempre dahil sa kagustuhan mong bumili, ibebenta mo ngayon ang binili mong cellphone na halos kalahating presyo nag tunay mong pagkabili dito. Habang may bagong na iimbento ang tao, meron din kaakibat itong ibat-ibang uri nag problema.

No comments:

Post a Comment