Monday 3 March 2014

Soledad Acorda
CeD TLE – 1B

           PAGMAMAHAL
     ‘’Uri ng Pagmamahal’’
Pag-ibig, madalas nating naririnig ang salitang iyan,ngunit anu nga bang klase ng pag-ibig ang iyong nadarama.Bawat  salita , may kahulugan, bawat simbolo, may kahulugan, bawat galaw may kahulugan at bawat nararamdaman, may kahulugan.Ngunit ang pagbibigay mu ba ng kahulugan ay akma sa kung ano ang iyong nararamdaman. Ating alamin kung tama nga ba ang iyong pagpapakahulugan sa bawat bagay.
Pag-ibig.
Ito na marahil ang damdaming pinakapinag-uusapan. Sa mga umpukan, sa mga kwentuhan, di maiiwasang di ito mabanggit man lang. Ang sabi ng iba, pag-ibig daw kasi ang pinakamagandang madarama ng isang tao. Hindi ba’t pambenta ng maraming pelikula ang temang pag-ibig? Di lilipas ang isang buwan na walang naipapalabas na romantic movie, lokal man o Hollywood. Marami kasi sa mga tao ang gustong manood ng mga taong umiibig. Sa telebisyon, ganun din. Hindi nawawalan ng kwentong pag-iibigan ang mga teleserye, mula umaga hanggang gabi. Sa katunayan nyan, talagang tumatatak pa sa isip ng mga manonood ang pinapanood nila. Sino ang di nakakaalam sa pagmamahalan nina Maya at Sir Chief ng Be Careful With My Heart? Kaya di kataka-takang pag-ibig ang nagpapaikot sa mundo para sa ilan sa atin. Sa paggising, sa pagkain, sa pagtulog, pag-ibig lang nila ang kanilang nasasaisip. Meron namang umiibig na di lang naman sa kanilang sinisinta umiinog ang mundo. Nagagawa pa rin naman nila ang ibang bagay na kanilang kailangang gawin. Pero mayroon ding umaaming di pa nila nararanasang umibig. Kung naramdaman man nila ito, sila mismo ang umayaw. Mapapaisip ka tuloy, pare-pareho nga tayong mga tao pero nag-iiba nga ba kung tayo’y umiibig? Ano sa tingin nyo?
Sa tingin ko, iba-iba kasi ang klase ng pag-ibig. Tinutukoy ko rito yung pag-ibig sa pagitan ng dalawang tao ha. Marami nang nabanggit na uri ng pag-ibig. Tulad ng sinabi sa isang artikulong nabasa ko, nariyan ang infatuation (pakiramdam na idealistic o base sa pantasya lamang kumpara sa nararanasan talaga), romantic love (pag-ibig na ibinibigay sa isang taong nakararamdam ka ng pasyon, atraksyon, pag-aaruga at respeto), eros(pag-ibig na kadalasa’y may sexual involvement), companionate love (pagmamahal sa isang kaibigan na gustong-gusto mong makasama), unconditional love (pagmamahal sa isang tao kahit na gaano pa siya di kamahal-mahal) at conditional love (pag-ibig na may kondisyon).

Para naman sa akin, ang pag-ibig ay dumedepende sa taong nagmamahal. Ang mga taong nagmamahal kasi ay iba-ibang uri ang pinapakita at pinadaramang pag-ibig: (1)pinapakita at nadarama, (2) di pinapakita pero nadarama, (3) pinapakita pero di nadarama at (4) di pinapakita at di rin nadarama.
Madaling ipaliwanag ang una. Nandyan ang pag-ibig na pinapakita para mas maramdaman ng iniibig ang pagmamahal ng umiibig sa kanya. Yung tipong nararamdaman mo talagang mahal ka ng isang tao, mahal mo man siya o hindi.
Yung ikalawa, ito ang tinatawag ng iba na hindi showy ang isang taong nagmamahal. Ang sinasabi ng mga taong ganito, di man nila naipapakita sa iba, at least naipararamdaman nila sa kanilang iniibig ang nadarama niya. Di ba’t yun naman ang importante? Naipapakita mo sa taong mahal mo na mahal mo siya kahit di ito nakikita ng iba?
Ikatlo, ito siguro ang mapanlinlang na pagmamahal. Di tumatagos sa puso ang pinakikitang pagmamahal kuno ng isang tao sa kanyang minamahal kuno. Baka maitanong mo, paano kaya iyon? E di nanlilinlang ang isang tao sa kanyang iniibig kuno at ang iniibig nya ay nagpapalinlang naman.
Ang ikaapat naman na uri ay ang pagmamahal na lumipas na. Maaaring naipakita at naipadama dati, pero nang maglaon ang mga ito ay nawala na. Nakalulungkot ito pero may mga taong nakadarama talaga nito.
Ang sabi nila, kailangan daw masuklian ang pag-ibig para ito makumpleto. Para rin pala itong komunikasyon. Di kasi nagiging buo ang isang komunikasyon pag walang sasagot (sa anumang paraan) sa taong gustong makipag-ugnayan. Sa pag-iibigan, pag di sinagot ang pusong umiibig, ito ay masasaktan. Sa ganitong pag-iisip ay makikita nating pwede ring hatiin ang uri ng pag-ibig sa dalawa: pag-ibig na nasusuklian at pag-ibig na hindi nasusuklian.
Pag mahal ng isang tao ang taong mahal nya, yan ang tinatawag na pag-ibig na nasusuklian. Masarap ang pagmamahal na ito, sapagkat masasabi mong kumpleto talaga ang nararamdaman mo. Pero, pag hanggang kaibigan lang o kaya kakilala lang o maging wala lang ang turing sa isang taong umiibig ng kanyang minamahal, yan naman ang pag-ibig na di nasusuklian. Tawag ng iba dyan, pag-ibig na sawi. O kay sakit nito sapagkat nagpadama ka ng pag-ibig pero malamig na ayaw at hindi ang sagot sa iyo.
Pag iisipin mo pa, may mga iba pang uri ng pag-ibig na nararanasan ng dalawang tao sa isa’t-isa. Ang mga uri ng pag-ibig na nabanggit ay may iba pa palang kaurian. Mayroongbawal, mayroong ligal. Mayroong na-develop ng matagal, mayroon ding mabilisan lang(pasok marahil dito ang love at first sight). Mayroong kusa, mayroon ding sapilitan (di mahal sa una, pero sa huli’y natutunan na; narinig mo na ba ang shotgun wedding?).
Gayunpaman, masasabi nating iba ang tama ng pag-ibig sa oras na madama natin ito.
Ang Dios ay pag-ibig. Taglay Niya ang katangiang ito at pinakahahangad na makita sa Kaniyang mga anak. Lahat ng mga bagay ay nalikha bunga ng Kaniyang pag-ibig. Nalikha ang sanlibutan at lahat ng mga narito sapagkat plano ng Dios na likhain tayong mga tao na siyang pangunahing pinag-uukulan ng Kaniyang dakilang pag-ibig.

Pag-ibig, isa itong salita, isa itong nararamdaman, isa itong makahulugan, isa itong malupit na bagay sa mundo. Itong salita na ito maraming nagagawang bagay,maraming napapabago,maraming nasasaktan dahil sa  maling pakahulugan,maraming napapasaya dahil sa tamang pagpapakahulugan. Ngunit kelan mo nga ba mabibigyan ng tamang kahulugan ang salitang ito kapag ikaw na ang nasa sitwasyon,isang sitwasyon na napakakomplikado para sa isangtuladmo. Isang salita na maraming nagagawa dahil lang sa isang maling galaw.



No comments:

Post a Comment