Erbie Castro
CeD TLE – 1B
‘’RELIHIYON’’
Ang Kahalagahan
ng Relihiyon
Maraming nagsasabi na
di na daw mahalaga ang relihiyon sa panahon na ito. Ang importante daw ay
magkaroon ang tao ng “personal na pakikipag-relasyon” sa DIYOS. Dito nauso ung
mga samahan na kung tawagin ay NONSECTARIAN. Samahan sila pero wala daw silang
grupong kinabibilangan at kahit saang sekta o relihiyon daw ay pwede silang
maki-join. “Di naman mahalaga ang relihiyon, kahit ano pwede basta sa
DIYOS” sabi pa nila. , Sa iba
naman, kahit may kinabibilangang relihiyon, pag tinanong natin kung mahalaga ang
relihiyon, ang sagot nila, “hindi siguro mahalaga, kasi lahat naman tayo mga
anak ng Dios, so kahit saang relihiyon ka basta naglilingkod ka.” Tanong lamang
po, kung hindi mahalaga sa kanila ang relihiyon, bakit naka-anib sila sa
kanilang relihiyon? Ibig nating sabihin, bakit meron pa silang relihiyon kung
hindi ito mahalaga? Mapapansin natin na maraming interpretasyon ang mga tao
tungkol sa kahalagahan ng relihiyon. Mahalaga ba o hindi? Ang SEKTA ay kabilang
o bahagi ng ISANG RELIHIYON.
Ito
ang dahilan kung bakit bumangon ang salitang RELIHIYON, sapagkat noong araw pa
ay nagpakaligaw na ang mga magulang natin sa mga kautusan ng Dios, hindi nila
tinalima ang utos ng DIOS at ito ang naging dahilan upang sila ay MAHIWALAY SA
DIOS. Ang mga KASAMAAN o KASALANAN ang naging DAHILAN upang ang ito ay
nahayaang mangyari kaya kailangang manumbalik sa DIOS. Hindi naman pala masama
ang kahulugan ng salitang RELIHIYON, manapa ang kahulugan nito ay ang MULING
PAGLAPIT natin sa DIOS bunga ng pagkakahiwalay natin sa KANIYA dahil sa mga
pagkakasalang ating nagawa.Dapat munang isipin ang mga bawat bagay na kanilang
sinasabi sapagkat ang kahulugan po ng RELIHIYON ay ang TUNAY NA
PAKIKIPAGRELASYON sa DIOS, ang salitang RELASYON ay pagkakaroon ng KAUGNAYAN at
ang RELIGION ay MULING PAKIKIPAG-UGNAY. PAANO ANG TAMANG MULING PAKIKIPAG-UGNAY
SA DIYOS? Kapag magkakasala ang ISRAEL sa DIOS noong
araw, naghahandog sila ng HAYOP na susunugin sa DAMBANA ng DIOS at nagsasagawa
sila ng PAGLILINGKOD upang mapatawad ang kanilang nagawang mga kasalanan.
Ang
Relihiyon ay tumutukoy sa mundong walang kaugnayan sa relihiyon ng sumasamba sa
Diyos o ang isang organisadong paraan upang sambahin ang Diyos, na may
kinalaman sa doktrina at mga batas. Kung ang kahulugang ito ay kinabibilangan
ng hindi paggawa ng masama ngunit mabuti sa kapwa, samakatwid ang pagkatanaw ng
mga Mormon sa ibang relihiyon ay sumasang-ayon.Habang ang mga Mormon ay
maaaring hindi sumang-ayon sa doktrina ng ibang mga simbahan, hindi sila
naniniwala sa pakikipaglaban—un ay, pakikipagdiskusyon—tungkol sa relihiyon,
dahil sila ay naniniwala na ang lahat ng mga batayan ng pagtatalo ay mula sa
kasamaan. Sila ay laging nakahanda upang magbigay ng dahilan at pag-usapan ang mga
ito, ngunit sila ay pinapayuhan ng mga pinununo ng simbahan na hindi umabot sa
mainit na pakikipag debate.. “Walang relihiyong gawa ng tao na maaaring gumawa
para sa sangkatauhan ng bagay na iyon na dapat ay maisatupad”, kaya ang mga
Mormon ay hindi naniniwala sa ibang mga simbahan, subalit sa mabuting
intensyon, na tumataglay ng kapangyarihan na kailangan para sa kaligtasan.
“Walang ano mang kaligtasan sa maling relihiyon”.Ito ay isa sa ibinigay ng
Diyos sa kanila, sa halip na sa isang tunay ng lider o mga kasapi. Ang mga
umiimbistiga sa Simbahan na nakakarinig sa mga ito ay minsa’y manggagad at
nilibang, ngunit karamihan sa kanila ay nadiskobre na ito ay totoo at sila ay
humiling na sila ay mabinyagan. Gayon pa
man ang pagkakaroon ng relihiyong totoo ay hindi lamang nangangahulugan
na sumama sa Simbahan. Ang mga totoong tagasunod ng relihiyon ay aktibong
lumalahok at umuunlad. Kaya’t ang mga membro ng Simbahan na matamlay, walang
kibo, walang sigla at hindi ganun ka-aktibo ay hindi nararapat sa kahulugan ng
mga relihiyosong tao, ang mga taong karapat-dapat sa selestial na
kaluwalhatian, ngunit ang mga tao, sa abot ng kanilang makakaya, na sundan si
Kristo kung paano niya pinamumunuan at ginagabayan ang simbahan upang makamit
nila ang gantimpala.
Tulad
ng pagpapagaling sa pamamagitan ng pagdarasal maari ring ilagay sa kaisipan ang
tanong ni Hesus na "gusto mo bang umigi?" (Juan 5:6) kaugnay ng mga
pagbabago ng katauhan; ibig sabihin nalalaman mo ba kung ano ang mga
pagkukulang mo na kinakailangang baguhin kung ibig mong mapalapit sa Panginoon?
Mapapansin ito sa mga simpleng bagay sa buhay na hindi laging may kinalaman sa
relihiyon.Pagkaraan ng ilang panahon baka subukin niyang matamo ulit ang mga
kakayahang nalimutan na. Ang lahat ng mga kakayahang natutuhan ng isang
nilalang bilang batang lumalaki ay hindi niya lubos na malilimutan. Maaring ang
pagkakaibang kababanggit lamang ang tinutukoy sa sinasabing "pagkain ng
bunga ng Puno ng Kaalaman" sa kasaysayan ng paraiso; at tinutukoy rin ng
sinasabi ni Hesus na "hanggang hindi kayo nagbabago at nagiging katulad ng
maliliit na bata hindi kayo makapapasok sa kaharian ng Langit." Malalim
rin ang binabanggit na pagkakataon at kaalaman ng pagbabago – Mateo 18:1-3;
Markos 10:15; Lukas 18:17. Ang "Taong-Diyos" o ang
galing sa Diyos na taong si Hesukristo, ang "panibagong Adan" ay
nagbibigay ng hudyat na maaring makamit muli ng mga tao ang kanilang mga
kakayahang nalimutan na; at napapanahon na upang maiwasto ang mga maling
pagkakaunawa na nagiging mapanganib sa sangkatauhan.
Ang mga
magkakaiba at magkakasalungat na turo ng mga teolohiya na si Kristo ay isang
tagapayong espiritual o kaya ay isang repormador ng lipunana lamang ay hindi na
tinatanggap, nguni’t maaring silang makatulong. Maaring ialsa ng lahat ng tao
ang kanilang mga kaisipan kay Hesus, maging ito man ay mangyari sa loob ng
kanilang sariling mga silid, o kaya at sa gitna ng palengke.Isang palatandaan
sa landas ang ay "pagmamahal sa Panginoon" na siyang pinakapuno ng
lahat ng bagay, at ang pangalawa ay ang pagmamahal sa kapwa tulad ng pagmamahal
sa sarili (Mateo 19:19); kailangan rin ang pagmamahal sa sarili.Itong
huli ay bahagi ng pagsisikap na makapaglingkod sa kapwa. Ang pagmamahal ay
isang landas patungo kay Kristo sapagka’t ito’y likas sa kanya kasama ng
karunungan. Pinapakita ng mga mabubuting gawa at ng mga bunga nito ang tunay na
landas Kristiyano.Sa pamamagitan ng awa, lumalaki ang tumutubong pakiramdam sa
isa’t-isa. Nakakaakit ito ng isang unibersal na kapangyarihang nakatutulong sa
paglapit ulit kay Kristo o sa Panginoon. Iba-iba ang mga mararanasan dito; nguni’t
malakas ang magiging bunga sa sarili. Maari nang ikalat sa mga simpleng tao sa
panahong itong "ma-apoliptiko" ang mga naranasan noong araw ng mga
"mistiko" at mga "santo". Dapat ring banggitin dito na baka
sakaling hindi agad-agad na mapapansin ang kahalagahan nito. Tatanggapin itong
kapangyarihang ito ng mga naturang tao, nguni’t baka makasakit sa kalooban ng
mga hindi pa nakapaglilinang ng mga pamamaraang kinakailangan, kaya nga baka
maramdaman bilang "hatol".
Marami
pa sana akong sasabihin sa inyo pero hindi ninyo masasakyan ngayon. Ngunit
pagdating niya, ang Espiritu ng katotohanan, ihahatid niya kayo sa buong
katotohanan. Hindi siya mangungusap mula sa ganang sarili kundi ang naririnig
niya ang ipangungunsap niya at ang mga bagay na darating ang ibabalita sa inyo.
Etimolohiya - Nag-ugat ang salitang wika mula
sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang
salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang
wika.Katuladng language - tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa
salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang
"dila",
sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog,
samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan - ay anumang
anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit
mas kadalasang mayroon.
Mga
antas - Kabilang ang mga sumusunod sa
mga kaantasan ng wika:
Kolokyal/pambansa -
ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-araw na
pakikipag-usap na kadalasang malayang pinagsasama ang mga wikang Ingles at Filipino
Kolokyalismong
karaniwan - ginagamit na salitang may "Taglish"
Kolokyalismong
may talino - ginagamit sa loob ng silid-aralan o paaralan
Lalawiganin/panlalawigan -
wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o pook.
Pabalbal/balbal (salitang
kalye) - pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao, na nabuo sa kagustuhan
ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan. ito
rin ay maaring nabuo sa pag-baliktad ng mga salitang Kolokyal/pambansa.
Abstract
- Hindi natin maitatatwa na ang isang wikang pansarili, isang wikang taal at
di-dayuhan, ay mahalaga sa pagkakaroon ng self-identity o kakanyahan. Ang
simbolo ng isang bandila, isang marcha nacional, isang pambansang awit, isang
pambansang bulaklak, isang pambansang kasuotan ay makabuluhang lahat bilang mga
tanda ng kakanyahan at pagsasarili. Ngunit ito ay mga tanda lamang — isang
simbolo. Nangangailangan ng kahulugan sa mga gumagamit ng mga simbolo. At mas
mahalaga ang kahulugan kaysa sa simbolo. Ang simbolo ay simbolo lamang — walang
kabuluhan kung wala ang damdamin ng mga gumagamit ng simbolo. At ang mga
palatandaan ay maaaring palitan, gawing makabago kung kailangan. Sa papel na
ito, inihambing ang kaso ng Indonesya at ng Singapore, ating mga kapit-bansa sa
Timog-Silangang Asya sa kaso ng Pilipinas, sapagkat ang dalawang bansang ito ay
nagbibigay sa atin ng isang kakaibang larawan upang muling suriin ang wika
bilang mahalagang bahagi ng pagbubuo ng ating kakanyahan.Para sa akin ay
Mahalaga ang wika dahil ito ang batayan ng pakikipagugnayan at
pakikipagtalastasan tungo sa pagkakaunawaan at pagkakaintindihan sa
sangkatauhan. Mawawalan ng saysay ang gawain ng sangkatauhan kung wala ang
wika. Dahil ang wika bilang pakikipagugnayan ay ginagamit sa pakikipagkalakalan,
diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan at pakikipagpalitan ng kaalaman sa
agham, industriya at teknolohiya..
Ang
hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang
isda,kaya ating pagyamaning kusa,gaya ng isang inang sa atin ay pinagpala,ito
ang mga tanyag na katagang nag mula sa ating pambansang bayani na si gat.jose
rizal na nagbibay importansya sa kahalagahan ng wika sa buhay ng isang tao.
Ang
wika ng isang bansa ay masasabi natin na kaluluwa ng isang bansa at siyang nagbigay
buhay dito.Ito ang nag sisilbing tulay sa siyang nag dudugtong dugtong sa isang
kumunidad na naninirahan sa isang bansa.
Sa pamamagitan nito,ang pag kakaisa at
pagkakaunawaan sa bawat tao ay lalong yumayabong,ito rin ang nag sisilbing susi
ng ating pagkaka kilanlan.Sa pamamagitan nito,nakikilala ng ibang tao kung sino
tayo.Ang importansya upang lalong paunlarin at palawagin ang ating pambansang
wika ay matagal ng binigyan ng pansin ng mga mamumuno sa ating bansa.Sa
pilipinas mayroon tayong mahigit isang daang klase ng lingwahe na ginagamit
mula batanes hanggang tawi-tawi,ngunit ang pambansang wikang filipino parin ang
siyang malimit na ginagamit at mas naiintindihan ng buong kapuluan.
No comments:
Post a Comment