Leslie Osorio
CeD TLE – 1B
Tangkilikin
ang musikang atin
Ang musika ang tinaguriang
“Lenguwahe ng kaluluwa.” Sa pamamagitan ng awit ay maipahihiwatig mo ang iyong
damdamin at kalooban. Maipahahayag mo ang iyong pagkamakabayan sa pamamagitan
ng awit. Ang mga Pilipino ay kilala
bilang isa sa mga pinakamahusay na mang aawit at manunugtog sa buong mundo. Ito
ay dahilan sa kanilang dedikasyon at labis na pagmamahal sa musika. Bago pa
dumating ang mga kastila sa Pilipinas ang mga Pilipino ay marunong ng mag
pahayag ng kanilang sarili sa musika. Ito ay sa pamamagitan ng mga katutubong
awit, at sa pagtugtog ng mga katutubong instrumento. Sa panahong ito nawiwili
na rin silang tumugtog ng plawta, pagtugtog ng nose flute at gitara na
ginagamit nila sa panghaharana. Ganoon din sa mga selebrasyon nang kasal at sa
mga anihan o sa mga pagaani. Ang ilan sa mga katutubong awit ng mga Pilipino ay
binigyan pa nga ng mga makabagong interpretasyon bilang pagpapahalaga sa mga
ito. Mula sa mga katutubong awitin hanggang sa maka bagong awitin ngayon ang
mga Pilipino ay hindi rin pahuhuli.
Hindi lingid sa kaalaman ng
lahat na ang Pilipinas ay pugad ng mga matatalinot, mahuhusay na mga musikero.
Ang ilan pa nga sa mga ito ay naipakilala na ang kanilang sarili sa mga ilang
international scenes. Sa kabila ng mga impluwensya ng makabagong musika ngayon
nagagawa pa rin nilang maglabas ng mga awiting sariling atin o yung tinatawag
nating OPM. Sinasabing ang unang foreign influence na natanggap ng mga Pilipino
mula sa mga kastila ay ang “Awit” o “Corrido”. Isa itong pagtatanghal ng sayaw
at pag awit, tungkol sa isang epiko. Ito ay nangyari ng maconvert ang mga
Pilipino sa Kristyanismo. Ito ay naisalin din sa iba pang mga dayalektong
Pilipino, tulad ng Pampango, Ilokano, Ilongo, Tagalong, at Bikolano. Isa pang
magandang halimbawa ay ang sarswela. Ito ay kombinasyon ng pagarte at pagsayaw.
Ito ay ginagamit bilang isang pagtatanghal na kabahagi ng pag alala sa mayamang
tradisyon ng mga Pilipino.
Iniutos ni Pangulong Aquino na
muling ipatupad ang Executive Order No. 255, na kung saan dapat magpatugtog ng
apat na awiting Pilipino ang mga istasyon ng radio sa Pilipinas kada oras sa
kanilang programang pang-musika. Ang layunin nito ay ang makipagtalastasan
tungkol sa kung ano nga ba ang “awiting Pilipino”. Hindi maipagkakaila na
marami sa ating mga magagaling na mang-aawit ay bihasa sa mga awiting banyaga.
Ang konsepto ng OPM ay mga istilo at porma ng musika na bahagi na rin ng
iba’t-ibang kultura sa Pilipinas, gamit ang kanilang mga instrumento, wika, at
pananaw. Ang musika ay bahagi ng ating kuwento at kasaysayan; bagamat
ikinalulugod nating pakinggan ang mga awiting ng banyaga, hindi dapat natin
kalimutan o di kaya’y kasuklaman ang mga awiting atin. Ang musika ay isang
personal na kagustuhan, libangan, o di kaya’y kahalingan. Bilang Pilipino
kailangan ipahayag ang kagandahan ng ating musika, at kahusayan ng ating mga
artista at ng industriya ng musika sa Pilipinas. Mas mapapasigla ang OPM o ang
musikang Pilipino kung ito ay may matibay na pundasyon; kung mamumuhunan ang
pamahalaan sa mga istasyong pag-aari nito at patuloy na magpatugtog ng OPM.
Maibabahagi sa sambayanan ang kagandahan ng ating mga awitin, at kagalingan ng
mga mang-aawit, kompositor, at manunulat sa industriya ng musika sa Pilipinas,
sila ma’y nagsisimula pa lamang o batikan na sa larangan. Hamon na rin sa ating
industriya ng musika sa Pilipinas na patuloy na gumawa ng mga de-kalidad na
awitin. Ang musika ay hindi idinidikta, kundi pinakikinggan: kung maganda ang
awitin ay tiyak na ito’y pakikinggan. Pansin ninyo ang mga sikat na kanta noong
1990’s. Hindi ba ito ay panahon ng Eraserheads? Ito ang panahon kung saan
dinomina ng mga banda ng OPM at kung saan ang uso din sa ibang bansa ay ang mga
banda. Ngayon, pansinin ninyo naman kung
anong mga uri ng musika ang patuloy na ginagawa ng mga musikerong Pilipino.
Pagkatapos ay ikumpara ninyo ito sa musika na ginagawa ng mga dayuhan.
Napakalaki ng pagkakaiba diba? Sawa na ang karamihan ng mga Pilipino sa tunog
ng gitara. Sawa na sila sa mga 4/4 beat. Pero heto pa rin ang mga musikerong
Pilipino, patuloy na ipinipilit ang mga musikang ito sa atin kahit na ayaw na
ito ng karamihan. Ang musika sa buong mundo ay nagbago na mas agresibo na ang
mga salita sa kanta, makabago na ang tunog at higit sa lahat, malulupit na ang
mga ito. Masasabing malawakan ang pagkahilig ng maraming Pilipino sa musika.
Mula noon hanggang ngayon ay patuloy na umuusbong ang hilig ng mga pinoy sa
ibat’ibang awitin. Ito ay isang bilog na nagpapaikot-ikot sa bawat henerasyon.
Sa bawat ngiti at pagluha, palaging mayroong kaakibat na istorya. Mula sa sakit
at saya nabubuo ang isang kanta na tatalakay sa esenya ng buhay. Ang musika
meron siyang kakayahan na maimpluwensyahan ang nararamdaman natin,
maimpluwensyahan ang emosyon natin, kaya kapag nakakapakinig tayo ng isang
musika na ang tema ay malungkot, nadadala at maiiyak tayo; kapag nakarinig tayo
ng masayang musika, tumatawa tayo. Ang musika ay ang pagkakaroon ng oportunidad
na ipahayag ng isang tao ang kanyang nararamdaman sa bawat musikang may
kaakibat na titik. Dito mas nabibigyang kahulugan at emosyon ang isang kanta. Iba’t iba ang rason kung bakit ayaw ng ilan sa
musika, marahil meron silang hindi magandang naranasan na naiisip, sa tuwing naririnig
nila ang musikang iyon, kaya pinipili nilang huwag makinig. Sa bawat pagsubok
ng buhay mayroong kaakibat na kanta na sumasalamin sa damdamin ng isang
tagapakinig. Bawat liriko ay tila nagsasalaysay sa kwento ng bawat taong
niyayapos ang melodiya ng kanta. Simple lang naman ang importansya ng awitin
para kay Althea Paula De Guzman, FEU
Women’s Senior basketball player, ito ay mabigyang kulay ang kanyang buhay.
“Musika’yung nakakapagbigay ng buhay sa amin’ pag malungkot kami, nakikinig
kami nun. Minsan kapag nagte-training kami gusto naming may tugtog tapos
sinasabayan naming para di kami ma-bored.” Mahalaga raw para sa kagaya niyang
atleta ang musika sapagkat nabubuhayan sila ng loob sa tuwing nakikinig dito.
Sa huli kahit anong hirap daw ng training ay parang bulang nawawala sa tuwing
sasabayan ng kanilang mga paboritong awitin. Masasabing ang kanta ng kanyang
buhay sa ngayon ay “PUSO” ng bandang Sponge Cola. Hindi lang sa isang atleta
mayroong malalim na depinisyon ang musika kundi kahit sa mga simpleng
estudyante at mayroon ding maibabahagi ukol dito.
Napakasarap pakinggan ng mga
kantang pinoy. Mula sa kanta ng Juan dela Cruz Band, Hotdogs, VST and Company
at iba pang luma at bagong banda, mga lumang mangaawit gaya nila Freddie
Aguilar, Imelda Papin, Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Martin Nievera, at marami
pang iba na hindi ko na kilala pero alam kong napakinggan ko ang kanilang
musika. Luma man o bago, siguradong mamahalin mo. Pero ano nga ba ang laban ng
OPM sa mga banyagang musika na unti-unting pumapatay at kumakain sa sariling
kanta? Wala, bukod sa mas naadvertise at napopromote ang mga kanta nila sa mga
radyo at telebisyon, mas minamahal ito ng madla. Mas pinahahalagahan ang mga
kantang banyaga. Kahit hindi naiintindihan, wala ng pakialam basta maganda ang tunog
at kaaya-aya ang itsura ng mga kumakanta. Hindi na pinipili ang mga
pinakikinggan. Kung minsan nga, basta
sikat ang kanta, pakikinggan na din nila. Naging kakaiba na rin ang hilig ng
kabatan, isa na rito ay ang pagkahilig ng kabataan sa KPOP o Korean Pop Music. Kahit hindi naiintindihan naaliw pa rin lalo
na sa mga sayaw na kalakip ng kanta. Makalipas ang ilang taon ng pagiging
tagahanga ng musikang ito, ang ibang kabataan ay natutunan ng magsulat at
magsalita ng kanilang salita. Bakit nga ba nahilig ang kabataan sa KPOP? Bakit
nga ba? Bakit nga ba tinatangkilik ng
ibang kabataan ang ibang salita pagdating sa musika? Pagdating sa larangan ng
musika iba na ang hilig ng kabataan mas gusto nila yung may mga sayaw at
nakakaaliw. Para sa akin hindi masama ang maging mahilig sa KPOP o kahit na ano
pa man. Ngunit sabi ng ilan hindi na daw makabayan pag mahilig sa musikang
banyaga. Noong nakarang Enero lang ay kinanta ni Jessica Jung na kasali sa
grupo na Girls Generation na sikat na sikat sa buong mundo ang “Someday” ni
Nina. Sinabi niya noong nagpunta sila dito na alam nyang Pilipino ang gumawa at
kumanta nito. Kinanta rin ng grupong EXO na isa rin sa mga sikat na KPOP group
ang “Hawak kamay” ni Yeng Constantino. Bilang isang Pilipino isa itong
karangalan. Dahil sa dinami- rami ng maaring kantahin ay kantang gawa pa mismo
ng Pilipino. Ang mga koreanong na artista ay magagandanda’t pogi marahil isa
rin ito kung bakit tinatangkilik ito ng marami. Ito ang bunga ng pagpupursigi
nila sa loob na ilang taon. Kung ang Pilipinas ay magkakaroon ng grupo tungkol
sa musika na kagaya ng KPOP ay makakatulong ito sa pagsikat ng OPM at ng ating
bansa. Isang grupo na kayang kumanta ng live habang sumasayaw. Kung ang
Pilipinas nga ay magkakaroon ng ganito ang musikang Pilipino ay sisikat sa
buong mundo at muling magtatayo sa OPM. Lahat tayo ay mahilig sa musika sadyang
iba lang ang hilig ng ibang tao pagdating dito. Hindi pa naman talaga patay ang
OPM . May mangilan-ngilan pa ding pinipilit gumawa ng sariling kumposisyon.
Nandiyan ang mga sikat na bandang Pilipino na may magagandang musika.
Napakahirap ipilit sa mga taong mahilig sa banyaga ang sariling kanila.
Makatawag-pansin ang pag-arangkada ng mga kantang banyaga na isina-tagalog ng
ilang mga baguhang mang-aawit. Hindi masasabing ngayon lang ito nagsimula dahil
noon pa man ay mayroon na ring ganito. Hindi naman nila akalaing papatok ito sa
mga nakikinig. Katulad lamang ng sikat na sikat nga kantang “payong” na salin
mula sa “umbrella” ni Rihanna. Hindi na nakapagtataka kung patok man ito sa mga
tao. Una dahil sikat na talaga ang mga kantang ito, na sinakyan lamang ng mga
baguhang mang-aawit para mapansin din sila. Mahirap nga naman magpasikat ng
kanta lalo na kung bagong pasok pa lang sa eksana. Kung hindi revival ang
ginagawa ng iba tulad ng grupong MYMP ay ito ngang pagsasa-tagalog ng mga kantang
mula sa banyaga. Hindi maikakailang bahagi na ng buhay ng Filipino ang musika.
Bago pa man dumating ang mananakop, gamit na nila ang musika upang magpahayag
ng damdamin, magbigay sigla sa mga pagdiriwang at magpalipas ng oras.
Namumulaklak pa ang tunog Filipino sa pagpasok ng mga kastila. Nauso ang kundiman
at harana na magpasahanggang ngayon ay kinikilala bilang tunay na obra. Sa
paglaon, pumasok ang iba’t ibang tunog mula sa labas ng bansa at panadaliang
humina ang sariling tunog. Ngunit muling nakakabawi ang sariling tunog na
tinawag na OPM. Sa panahon ngayon, nasaan na nga ba ang OPM? Sa paghahalo ng
dayuhan at ng Filipino sa paggawa ng tunog, alin ba ang maituturing na
Pinoy? Sapat na ba na Pinoy ang
mang-aawit para ituring na OPM? Marahil pinakamadaling iuri ang musika ayon sa
kung sino ang bumuo nito. Subalit sa paglipas ng panahon at sa paghahalo ng mga
sangkot sa paggawa ng tunog, nagkaroon na ng pag-iiba sa kahulugan ng OPM. Naroon pa rin ang pagiging bahagi ng kultura
sa OPM. Salamin pa ring maituturing ang mga awit; maipakikilala nito kung ano
ang kahulugan ng pagiging Filipino. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga na
tingnan kung sino ang nagsulat at para kanino ang isinulat na awitin. Nahuhubog
ang pagkatao ng artista o ng mang-aawit ng kaniyang lipunang ginagalawan. Hindi
dapat ilayo ang sarili sa musikang Pilipino dahil musika natin ito. Malaki ang
epekto ng globalisasyon sa wika at awiting Filipino. Hindi na ganoon kalakas
ang ating awitin sa maraming Pilipino. Musikang banyaga isa ito sa mga
nakakasagasa sa pag-unlad ng ating musika. Minsan tinatangkilik natin ang musika,
hindi dahil maganda ang musika kundi dahil gusto nating maging kagaya natin
sila. Pantay-pantay ang musika ng iba’t
ibang kultura. Magkakaiba lamang kung paano ipinahahayag. Marami namang sikat
na mga awitin dito sa bansa na nakasulat sa Filipino sa mga awiting sariling
atin upang hindi maglaho ang pagkakakilanlan ng mga Filipino sa kanilang mga
sarili. Ang mga kabataan ay nahihilig sa
musikang banyaga dahil sa pag-uugali ng mga iniidolo nilang artita. Nahihilig
din sila sa dayuhang musika dahil sa kultura ng isang bansa dahil ang musika ay
isang bintana sa kultura ng isang bansa. May ilang kabataan na nahihilig sa
musikang banyagaa dahil sa uso ito at para makasali sa usapan ng mga kaibigan,
at iba pa.Sa ating pagkahilig sa musika ng ating mga karatig bansa, magkakaroon
ito ng iba’t ibang epekto sa ating pamumuhay. Isang musikerong Pilipino ang
kumanta ng “Bayan Ko” si Freddie Aguilar. Kapag susuriin natin ang kanta talaga
namang napakaganda. Ang kantang nagbigay nang malaking kahulugan kung ano ang
mga PILIPINO at ang ating bansang sinilangan.
Tunay na henyo talaga si Freddie Aguilar. Malalim talaga ang kahulugan
ng kanta pero kung suriin ninyo nang mabuti, isa lang ang gusto niyang
ipahatid, IPINAGMALAKI niya ang kanyang mahal na bansa. Kahit na bihira na lang natin mapakinggan ang
mga kanta noon, palagi nating itanim sa ating isipan na talagang iba at mas
makahulugan ang mga awitin noon. Kung hindi rin dahil sa kanila, ano kaya ang
musika nang mga Pilipino ngayon? Napagkaalaman na ang dahilan sa pagtangkilik
sa musikang banyaga. Halos lahat ay nagsasabing maganda at kamangha-mangha ang
mga musikang banyaga. Napatunayan na sa buong mundo na pagdating sa musika ay
nakakaangat din ang mga Pilipino. Pero habang sumisikat ang ibang mga Pilipino
sa ibang bansa, dito sa Pilipinas hindi nauuso ang musikang pinoy, kundi ang
mga banyagang musika na galing sa iba’t ibang bansa. Makikita sa website ng MYX
ang patunay na pamamayagpag ng banyagang musika sa ating bansa. Lingo- linggo
ito napapalitan, at sa bawat pagpalit nito, ang mga tagapakinig ang bumubuto.
Samakatuwid kung ang MYX dito sa Pilipinas nagkakaroon ng botohan malaki ang
tiyansa na lahat ng Pilipino ang bumomoto sa banyagang musika na ipinapakita at
napapakinggan sa MYX. Hindi natin napapansin na may mga kantang kahit hindi
natin naiintindihan ay atin pa ring pinakikinggan at nagiging paborito. Ilan sa
mga ito ay ang Amerika, K-pop at J-Pop. Sa dami ng tagapakinig, maraming artista
na ang pumupunta sa ating bansa para magtanghal. Isa sa mga dahilan kung bakit
humihina ang musika sa kasalukuyan ay dahil sa kakulangan ng mang-aawit. Ang
ibang magagaling na mga mang-aawit ay mas pinipiling pumasok sa industriya ng
musika sa ibang bansa.
Dapat malaman at magising ang
mga tagapakinig sa mga nangyayari sa musika ng bansa. Ang mga Pilipino ay likas
na mabilis na maimpluwensyahan at mahilig makisunod sa uso. Naaliw sa musika at
tono ng mga kanta. Hindi maitatangging maraming tao ang mahilig sa musika. Ngunit
kahit gaano man kasikat ang isang kantang paulit-ulit pinakikinggan, madalas ay
hindi alam ng karamihan kung ano ang kahulugan nito. Bilang Pilipino huwag
nating tigilan ang pagsuporta sa mga kantang Pinoy. Pwede pa rin naman nating
suportahan ang musikang banyaga. Pero huwag din nating kalilimutan kung saan
tayo nagsimula. Tangkilikin natin ang musikang Pilipino at huwag nating ikahiya
bagkus ipagmalaki natin ito at ipagmalaki sa buong mundo. Ang musikang Pilipino
ay isa sa mga magagandang musika kaya’t nararapat lang na patuloy nating suportahan
natin ito. Handa na ba ang lahat ng Pilipino na maglabas ng pera para
suportahan at tangkilikin ang musikang Pilipino kaysa sa musikang banyaga?
Umawit at gumuhit (Batayang Aklat para sa Musika at Sining) Emelita
C. Valdecantos
Kakanta ako ng First Love ni Hikaru Utada kaysa OPM na kanta gaya ni Rey Valera, etc.
ReplyDelete