Juna Niegos
CeD TLE – 1B
ANG KALUSUGAN
BA AY KAYAMANAN?
(KALUSUGAN)
Kayamanan o Kalusugan?
Ano ba ang ibig-sabihin o kahulugan ng kalusugan? Iyan ang tanong ng maraming
tao dito sa ibabaw ng mundo. Para saan ba ang kalusugan kung ito naman ay
napapabayaan lang. Kaya nga ibinigay ng maykapal ang katawan ng tao ito ay
upang gamitin subalit huwag abusuhin pagkat kapag ito ay nasobrahan sa kahit
anong bagay, alam ng diyos ang dapat mangyari sayo. Sabi ng marami ang kalusugan ay maituturing na
kayamanan ng isang tao kung hindi ka malusog balewala ang kayamanan mo dahil
mauubos lang yan sa kakapagamot mo. Ang tao ay tunay na masasabing masipag sa
paghahanap ng mga bagay na sadyang kasiya-siya sa kanyang mga kagustuhan at hangarin. Handa itong
gampanan ang lahat ng karakter para lamang mapagtagumpayan ang kanyang mithiin Ang
tao ay mahilig maghanap ng bagay na makakapuno ng kanyang mga pangangailangan
lalo pa ngayon na ang mundo ay nasa bingit ng krisis. Nalilimutan na ng tao na
ang kanyang sagradong pangangatawan ay unti-unti nang nasisira sapagkat naaabuso
na ito. Ang tao rin ay may kanya-kanyang katangian at personalidad subalit
datapwat minsan nalilimutan na ng tao ang kanyang kalusugan ay nasa bingit ng
pangamba, panganib, at disgrasya.
Lahat
ng tao ay nagnanais na maging malusog. Subalit ang mabuting kalusugan ay
maaaring mahirap matamo gaya ng makikita sa maraming tao na may mga karamdaman.
Ipinapalagay ng ilan na waring mas
maraming tao ang nagkakasakit sa ngayon kaysa noon.
Hindi
lahat ng bagay sa buhay ng tao ay mapipili nila tulad ng mga magulang, mga
kapatid, tirahan, at iba pa, pero iba pagdating sa kalusugan bagaman may papel
dito ang pinagmulan mo. Kadalasan nang mas malaki ang epekto sa kalusugan mo ay
ang pinipili mong pamumuhay.
Nakagisnan
natin na kapag sinabing “kalususugan” ay nangangahulugan ng pagkawala ng sakit
o anumang karamdaman. Ang taong may mabuting kalusugan ay isang taong walang
sakit. Ngunit hindi ito ang buong kahulugan ng kalusugan! Wika nga ng “WHO” o World Health Organization, ang
kalusugan ay ang isang estado ng pagkakaroon masiglang isip, katawan at
pakikitungo sa iba. Hindi simpleng kawalan lamang ng sakit, kapansanan o iba
pangkaramdaman. Ang kalusugan ay isa ring karapatan ng bawat tao sa buong mundo.
Ito ay isang responsibilidad ng bawat isa sa sarili at sa kapwa. Pangalagaan
ang iyong kalusugan para sa kapakanan mo at ng iyong pamilya. Huwag ikompromiso ang kalusugan ng pamilya at
kapwa sa pamamagitan ng bagay na hindi nakakabuti sa katawan.
Napakahalagang maunawaan natin na ang wastong
pangangalaga sa ating kalusugan ay may apat na haligi na kung saan ito ay
nakadepende. Ang apat na haliging ito ang nagsisilbing gabay para sa lahat
upang matiyak ang ganap na pangangalaga ng kalusugan. Hindi magiging ganap na
malusog ang isang tao kung hindi sinusunod kahit isa sa mga apat na haliging
ito ng kalusugan.
Laging pakatandaan na ang kalusugan ay mayrong
tatlong aspeto na nagsisilbing pamantayan para ang isang tao ay mataguriang
malusog. Ang tatlong aspetong ito ay ang kalusugang mental, pisikal at
ispiritwal. Ang tatlong pamantayan na ito ang pinakabatayan para ang isang
komunidad o lipunan ay umunlad sa larangan ng ekonomiya, kultura at pulitika.
Tingnan na lang natin ang mga First World Countries o kung tawagin ay G8
countries. Sila ang magandang halimbawa na maari nating paghalawan ng mga ideya
tungo sa pangangalaga ng kalusugan at kaunlaran.
Ang
Apat na Haligi sa ating Kalusugan: Ang
malusog na pamumuhay (Healthy Lifestyle), Kumain ng masusustansyang pagkain (Healthy Diet), Ang pag-inom ng pagkaing pang-ayuda (Food
Supplementation), Ang pagsasagawa ng
positibong pag-iisip (Positive Mental Attitude)
Kailangan natin ng regular na pag-eehersisyo upang
tayo ay pawisan para maalis ang mga toxins o lason mula sa ating katawan.
Importante ang regular na pag-eehersisyo sapagkat pinagaganda nito ang pagdaloy
ng ating dugo. Kapag maganda ang daloy ng ating dugo sa buong katawan, gaganda
rin ang ating pakiramdam, tatalas ang ating mga memorya at hindi tayo
basta-bastang nakakaramdam ng pagkahapo. Kaya tiyak magiging produktibo tayo sa
ating mga hanapbuhay tungo sa pag-unlad ng ating buhay.
Mag-ehersisyo
at gagaan ang pakiramdam mo! Ang pagsasanay sa katawan ay kapaki-pakinabang.
(1Timoteo 4-8). “Iniisip ng iba, Bakit ka pa magpapawis at magpapagod sa
kakatakbo sa init ng araw kung puwede ka namang maglaro ng video game na
kunwari’y iyon din ang ginagawa mo. Marinig mo palang ba ang salitang ehersisyo,
napapagod ka na? Tatlong kapi-pakinabang ng regular na pag-eehersisyo.
Pakinabang #1: Lalakas ang resistenssiya mo.Laging sinasabi ng tatay ko. Kung
wala kang panahon sa ehersisyo maghanda- handa kan sa pagkakasakit. Pakinabang #2:
Maglalabas ng pamparelaks ng mga hormone ang iyong utak. ”Kapag natetensiyon
ako sa kakaisip, malaking tulong ang pagtakbo”, Maganda na sa katawan
nakakaginhawa pa. Pakinabang #3: Mag-e-enjoy ka sa pag-eehersisyo. Gustong-
gusto ko sa labas, “kaya ginagawa kong ehersisyo ang pagbibisikleta, pagakyat
sa bundok, at paglalangoy. Sekreto sa Tagumpay: Mag-iskedyul ng kahit 20 minuto
tatlong beses bawat lingo para sa pag-ehersisyong mae-enjoy mo.
Ang
pag-e-ehersisyo, paglilibang at pagpapahinga ay malaking bahagi upang mapanatiling
malusog at nasa hugis ang katawan. Mag ehersisyo araw-araw o kahit tatlong
beses man lamang sa isang linggo. Maraming kabutihang nagagawa sa katawan ang
ehersisyo, gayundin ang sapat na pahinga at paglilibang.
Matulog ng maaga- Bumangong Masigla!
“Mas mabuti ang sandakot na kapahingahan kaysa sa dalawang dakot ng pagpapagal
at paghahabol sa hangin.” (Eclesiastes 4-6). Kapag kulang ka sa tulog bagsak
ang performance mo! Sikaping matulog nang maaga nang di-bababa sa walong oras
gabi-gabi upang maiwasan na magkasakit.
Maliban
sa sapat na tulog at pag ehersisyo, kailangan din na isama sa iyong buhay ang kaaliwan o kapahingahan. Lumabas isang
araw sa kalikasan, maglakad sa mga bundok o tabing-dagat upang mapa- sariwa ang
iyong sarili at makalimutan ang mga problema na nakakaapekto sa iyong mabuting
kalusugan.
Hindi sapat ang regular na pag-eehersisyo, dapat
ugaliing kumain ng 80% na alkaline at 20% acidic na pagkain. Ibig sabihin 80%
ng ating pangunahing pagkain ay nagmumula sa gulay, prutas, nuts at grains. Mas
mainam kung ang mga gulay at prutas ay kinakain ng hilaw upang makuha ang lahat
ng sustansya mula sa mga pagkaing ito. Ang kumain ng hilaw na gulay at prutas
ay magbibigay ng sapat na bitamina at mineral na kailangan ng ating katawan.
Dahil mayaman din sa fiber, malaki ang papel ng gulay at prutas sa madali at
regular na pagbabawas. Nakatutulong din ang gulay at prutas para linisin ang
maliit at malaking bituka para maiwasan ang magkaroon ng sakit na colon at
intestinal cancer. Dagdag pa ditto, ang gulay at prutas ay may taglay na
natural enzymes na tumutulong sa ating digestive system.
Sa pagkain:
Ipinapayo ng Bibliya na maging katamtaman sa pagkain “Huwag kang kumain ng
sobra”. Pero para sa nakakarami hindi ito madaling sundin. Ang katwiran ng iba
ay lagi akong gutom, parang wala akong kabusugan! Tingin ko wala ng masama
kahit anong kainin ko kasi wala naman ako ng nakikitang diperensya sa katawan
ko. Kailangan mo ba ng higit na pagpipigil pagdating sa pagkain? Pakiramdaman
ng tiyan ko:”Dati, nagbibilang pa ako ng kalon o takal”, pero ngayon basta
naramdaman ko na busog na ako, tumitigil na ako sa pagkain. Noong iniwasan ko
ang junk food, at tigilan ko ang softdrinks,” limang kilo agad ang nabawas sa
timbang ko sa loob ng isang buwan. Baguhin ang di-magandang kaugalian sa
pagkain: Kapag ubos na ang nasa plato ko, hindi na ako kumukuha uli. Sekreto sa
Tagumpay –Huwag magpalipas ng gutom, Mapaparami ka lang ng kain!
Ang
pagkain ay nakakaapekto sa iyong pakiramdam at abilidad upang tamasahin ang masayang
buhay. Kaya importante ang pagpili ng mabuti at nakakapagpalusog na mga
pagkain. Tiyakin lamang sariwa at ligtas sa anumang kemikal ang kinakain na
gulay at prutas. Hangga’t maari ay alamin ang pinagmumulan ng mga ito.
Mahalagang malaman kung “organically cultivated” o yaong mga itinanim na hindi
ginamitan ng anumang kemikal na pestisidyo at abono. Mainam na mag-backyard
farming para matiyak na ligtas ang kakaining gulay at prutas.
Ito ang pinakaimportanteng haligi upang maging ganap
na malusog. Lalo na kung hindi natin kaya kumain ng mga gulay, prutas, nuts at
grains. Malaking tulong ang food supplement para makumpleto ang inyong
nutritional requirement.
Matindi ang epekto ng Climate Change sa ating
kalikasan. Dahil sa Climate Change lalo pang tumindi ang polusyon sa ating
kalikasan lalo na dito sa Metro Manila. Ayon sa World Health Organization
(WHO), ang Metro Manila ay isa sa mga lugar sa buong mundo na may mataas ang
polusyon sa hangin. Kaya hindi na kataka-taka na natural na lamang ngayon
magkaroon ng “primary complex” o sakit na tuberculosis sa mga bata dahil sa
tindi ng air pollution at sa mga karatig na probinsya.
Hindi na rin ligtas ang tubig na inumin dahil
ginagamitan ng kemikal na “chlorine” ang proseso ng paglininis ng mga mikrobyo
bago ito ipamahagi sa kabahayan. Ang ating mga pagkain ngayon ay di rin ligtas
mula sa kemikal. Tulad ng mga naglipanang mga instant food products na gaya ng
instant noodles, instant 3-in-1coffee, de latang pagkain at madami pang instant
kaya maraming bilang ng tao ngayon ay “instant na nagkakasakit o namamatay. “
Karaniwan ang pagpapalaki ng mga baboy at manok ay
ginagamitan ng mga “feeds”. Feeds na nagapapadali ng kanilang paglaki.
Tatlumpong araw na lamang ngayon pinalalaki ang manok. Samantalang 3-4 na buwan
na lamang ang sa baboy. Alam naman natin na hindi organiko ang mga feeds na ito
kundi hinaluhan ng mga chemical composition para patabain ng husto ang mga
hayop. Mataas na rin ang “mercury content” mula sa ating mga karagatan kaya
hindi rin magandang kumain ng palagian ng pagkaing dagat.
Kaya napakaimportateng uminom ng food supplements.
Ang mga food supplements ay merong kakayahan na mag-alis ng mga lason (toxins)
sa katawan. Paalala na lang na gumamit ng food supplements na mabisa sa
pagtanggal ng mga lason (o toxins) sa katawan. Mga food supplements na kayang
magbigay ng mga kinakailangang bitamina, mineral, fiber at micronutrients na
kailangan ng ating katawan upang tayo ay lumusog. Kaya ang payo ng WHO ay
isagawa ang “Integrative Medicine” na ang ibig sabihin ay ang paggamit sa
kumbinasyon ng herbal food supplement at western medicine o gamot para makaiwas
sa anumang karamdaman (prevention). Prevention is better than cure ika nga ng
mga doctor at mga eksperto at tagapagtaguyod ng kalususgan.
Hindi magiging ganap na malusog ang tao kung siya ay
laging kunsimido. Walang saysay ang kumain ng mga masusustansyang pagkain,
pagsasagwa ng regular exercise at pag-inom ng food supplements kung ang tao ay
laging problemado sa buhay. Mag-isip na lamang ng mga positibong bagay at huwag
magpadala sa anumang problemang kinakaharap. Lagi na lamang isipin na ang bawat
problema ay mayroong solusyon. At kapag may solusyon ay nagkakaroon tayo ng
pagkakataong tulungan ang ating mga sarili at ating kapwa.
May
isang bata ang sabi, Pero bata pa naman ako, bakit ko poproblemahin ang
kalusugan ko? baka sabihin mo, talaga nga kaya? Maniniwala ka man o hindi,
napakahalaga ng magandang kalusugan para maabot ang mga tunguhing iyan.
Hindi
ko kaya kung puro whole wheat, low-fat, at sugar –free ang kakainin ko,” ang
sabi ni Amber,17. Baka ganyan din ang katuwiran mo, pero huwag kang mag-alala
hindi naman ibig sabihin na bawal na sa iyo ang matatamis, o kailangan mong
mag-jogging nang kilu-kilometro bawat linggo. Baka nga ilang simpleng bagay
lang ang kailangan mong baguhin para gumaan ang iyong pakiramdam, maging
masigla at magkaroon ng magandang pangangatawan.
Ang pagiging malusog ay hindi lamang
nangangahulugan na walang sakit. Ang mabuting kalusugan ay pamumuhay na may
lubos na potensyal-maging pangkatawan, pangkaisipan, pangkaibigan at
pangespirituwal.
Malaking
tulong ang mga simpleng hakbang na ito para mapangalagaan mo ang iyong sarili. Makakatulong
ang magandang kalusugan para gumaan ang iyong pakiramdaman maging masigla, at gumanda
ang iyong pangangatawan bagaman hindi lahat ng bagay sa buhay ay makokontrol
mo, iba naman pagdating sa kalusugan. Ang kalusugan ay nakadepende sa iisang
tao- sa iyo! Lagi nating tandaan na kailangan nating magkaroon ng malusog na
pamumuhay upang makamtan natin ang mabuting kalusugan. Isasaisip nating palagi
na dapat nating pahalagahan ang ating kalusugan dahil ito ang ating sekretong yaman!
No comments:
Post a Comment