Monday 3 March 2014

Marivic Liwanag
CeD TLE – 1B

“WASTONG  NUTRISYON:KAILANGAN  NG KATAWAN NATIN”
     Ano nga ba ang Wastong Nutrisyon? Marami sa ating mga Pilipino ang naniniwala kung gaano kahalaga ang nutrisyon sa ating kalusugan ngunit naiitindihan nga natin talaga ang ibig nitong sabihin? Masasabi mo bas a sarili mo na “malusog ako,makakaya kong gawin ang kahit ano? O kaya naman ay “Masaya ako sa pangangatawan ko? Ang Nutrisyon ay ang tanging paraan upang ang magandang kalusugan ay ating makamtam.Ang”NUTRISYON” ay mahalaga para sa katawan dahil sa ating kalusugan,kung walang nutrisyon pwede kang maging malnourished.Ang halimbawa nang isang malnourished ay sobrang payat na malaki ang tiyan,OO meron ka ngang nutrisyon pero sobra naman ito ay tumutukoy sa mga taong over nourished/over weight,karaniwan din ito ay tinatawag na obesity na ang ibig sabihin ay mataba na halos din a magkasya sa pinto ng bahay at sakop na ang maliit na eskinita.Marami akong nakikita na ganong klasae ng tao maiihahalinbawa ko ang aking tita,siya ay mataba at dahil doon nahihirapan siya sa biglaang galaw kaya naman ang hilig-hilig mag utos pero okay lang naiitindihan naman naming siya.Pero kung siya ay kakain konti lang pero pakunti konti hanggang napaparami na ang kain niya ,Ang sarap kaya kumain lalo na kung alam mo ay masarap di ba? Kaya minsan niloloko naming siya”tita diet diet din pag may time.tawa lang siya samin.Kaya nga mahalaga para ang tamang pagkain para maiwasan natin na mapasaila;lim sa obesity.
    Sa ating lipunan marami tayong nakikita na naghihirap bagama’t mayron naman paraan para magkaroon ng magandang kinabukasan at umasenso sa buhay.Ayon sa ating makikita ngayon sa ating bansa marami ang ga taong nagkakaroon ng sakit,lalo na ang mga bata na madaling kapitan ng sakit tulad ng dengue at tigdas,kinakailgan nang mabilis na solusyon para ditto.Ang ating Gobyerno dapat maglaan nang maraming gamut para sa mga sakit na ito sa lalong madaling panahon lalo na sa mga batang kulang sa nutrisyon.Kaya naman wag natin hayaan ang mga bata maranasan ang mga paghihirap na iyon,ang asanhi nito sa kanila ay baba ang timbang  ang kukulangin sila sa nutrisyon at dahil ditto maging sakitin at madaling mamatay ang isang indibidwal dahil sa pagbagsak ng kanyang katawan laban sa mikrobyong nagdadala ng sakit. Kung kumakain ang tao para sa kanyang taas at edad siya ay magiging malusog ,malayo sa sakit at magkakaroon ng kumpyansa sa sarili na siyang magpapagaan ng kanyang buhay.Katulad nalang ang isang batang kulang sa nutrisyon marahil pinapabayaan na siya nang kanyang mga magulang o kaya walang matirahan kay ganon nalang ang nagyari sa kanya at dahil doon nagiging malnourished siya dahil kung saan-saan na siya napunta at kahit nga pagkain sa basura kanya nang papatulan dahil wala siyang makain.Ano bang nutrisyon mayron? Wala di ba? At makikita rin natin minsan ang mga magulang na halos wala narin matuluyan at pagala gala na lang sila kasama ang mga anak. Ano ba ang mangyayari sa kanila? Lalo silang mahihirapan kung ganoon ang kanilang sitwasyon,walang makain,walang masilungan. Sila ay nagiging pulubi.Pero may paraan naman para maiwasan ito eh’.Magkaroon tayo nang pangarap para sa ating sarili,pamilya at buhay. Magpursigi at magsikap upang umahon tayo sa buhay ‘OO,mahirap mabuhay na kulang sa pangangailangan pero kung atin susubuka na magtiis sa kahit anong hirap at hamon nang buhay makakaya natin malampasan lahat at malalabanan na ang kahirapan at hindi na aasa sa iba na hihingi nalang ng pagkain at iba pa.
      Ayon nga kay Sec.Eric Tayag(secretary of DOH), siya ay nagsagawa nang programa para sa lahat ng mga batang malnourished,at nagkaroon nang libreng bakuna para sa mga bata. Layunin nitong labanan ang mga sakit na madaling kumapit lalo ang tigdas. Ayon sa pambansang survey sa nutrisyon ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology (FNRI-DOST) ay napag alaman ang patuloy na pagdami ng bilang ng mga dumaranas ng malnutrisyon.Maraming pagaaral ang naisagawa ang nagtuturo ng koneksyong nutrisyon sa pag-unlad ng bayan. Ayon sa sekulo ng nutrisyon at pag unlad ng batang malnourished ay madalas nagkakasakit malaki ang posibilidad na tumigil ito sa pagaaral o kaya naman ay lumagpak hanggang sa mapagod sa pagaaral. Ang malnourished na bata ay tumigil sa pagaaral mahihirapan siyang makahanap ng trabaho na may magandang sahod.Kapag kakaunti ang sweldo ng trabahador mahihirapan siyang bumili ng pagkain at gamot,isa sa magiging sanhi ng pagiging malnourished ng kanyang anak at doon iikot ang sekulo hanggang sa ang  batang malnourished ay mamatay dahil sa gutom at madalas na pagkakasakit. Kung maraming taong gutom sa bansang ito,malaki ang posibilidad na laoolong lumala ang pagbagsak ng ekonomiya ng bansa.Walang tao ang makakabili ng pagkain kaya bababa ang demand sa pagkain ,wala nang makakapagtrabaho ng maayos kaya bababa rin ang supply ng mga pagkain.At pareho nang bumaba ang dalawang ito tuluyang hihina ang ekonomiya ng bansa.
       Sa ating bansa ang nutrisyon ay laging paksa dahil nga nakikita natin  na ang bawat mamamayan ay may kanya-kanyang problema sa katawan nakakaranmdam sila ng iba’t-ibang klase ng sakit. Dahil nga sa mga sakit na nararamdaman ,tinatanong nalang natin sa ating sarili “bakit sa akin pa?. Kaya tayo ay napapanghinaan ng loob na magpatuloy sa buhay. Saan nga ba nangaling ang sakit na nararamdaman ng isang tao? Marahil nasa lahi natin ito’O kaya naman sa sobrang kalayawan sa sarili kung anu-ano nalang ang ginagawa sa buhay.Kaya  minsa isipin din natin an gating kalusugan ‘yung iba dyan pinagbabawalan nang uminom,manigarilyo ,sige’. Mahirap bang intindihin ang bawal,karamihan sa mga kalalakihan ang hindi marunong sumunod sa bawal eh’maari nila itong ikasakit sa parte nang kanila katawan at maaari din ikamatay Kumain ng sapat at nasa wastong oras,kumain ng gulay at prutas at mag ehersisyo para ang katawan ay lumakas at sumigla. Makulay ang buhay kung may Wastong Nutrisyon ang katawan.

No comments:

Post a Comment