Monday 3 March 2014

Razel Aquino
CeD TLE – 1B

Ang Kaibahan ng mga Kabataan noon sa mga Kabataan ngayon
Malaking bagay ang nagagawa ng impluwensiya mayroon sa bawat henerasyon sa pagkahubog ng mga kaugaliang pinahahalagahan ng mga tao, lalo at higit ng mga kabataan. Anumang salik mayroon sa henerasyon na iyon ay masasalamin sa mga gawi, pananalita at kahit sa takbo ng pananaw ng mga taong makagigisnan ito. Sa makatuwid, ang bawat henerasyon ay may pagkakaiba; may kanya kanyang kahinaan at kalakasan, may mga tunay na ginto at ang iba ay pilak.
Ang mga kabataan noon kung ihahambing sa ngayon ay masasabing nabuhay sa mas simpleng mundo; malaya mula sa impluwensiya ng kasalukuyang teknolohiya. Sila ay namulat sa mas payak na pinagkalilibangan. Ang paglalaro o paglilibang ay pinagbubuhusan ng pisikal na pagganap at ang epekto nito ay mas dalisay na kaligayahan na nagpapalalim ng personal na relasyon sa kapwa. Higit sa lahat ang kanilang pananaw ukol sa pagsusumikap ay naka angkla sa ibayong pagbabanat ng buto, pagtitiis ng hirap, tagaktak ng pawis at seryosong dedikasyon patungo sa kanilang ninanais na tagumpay.
Samantala, ang mga kabataan ngayon ay may sariling paraan ng pagpapakita ng pagpapahalaga sa mga bagay na may kabuluhan. Ibayong pagsisikap pa rin ang puhunan ng matamis na tagumpay. Ngunit sa kumplikadong mundo na nakabalatkayo sa teknolohiyang ang alok ay mas magaang pamumuhay, ang balik ay madaling pakikipag-ugnayan ngunit madalas ay paimbabaw lamang. Sa ganitong aspeto matatagpuan ang hamon sa mga kabataang nasa henerasyong ito. Paano nga ba mapapalalim ang pagpapahalaga sa mga makabuluhang bahagi ng pamumuhay at pakikipagkapwa-tao? Paano nga ba manunumbalik ang sigla ng pagpapahalaga sa dignidad ng pagkatao, dangal ng prinsipyo, pananampalataya at respeto sa kapwa?
Ang bawat henerasyon ay tunay ngang may sari-sariling pagkakaiba. Ang kaibahang ito ay maghatid nawa sa bawat isa ng mas kaaya-ayang paglago at makatulong sa kaganapan ng pagiging isang tunay na tao na sa bawat sandali ng buhay ay nagpapakatao.
Like ·  · Share
https://www.facebook.com/permalink.php?id=220921844717532&story_fbid=22239124123725a) Street Games - like Patintero, Tumbang Preso, Piko, Siyato, Agawan Base, and many more... 
b) FiestaGames –Hampasang,Palayok,,Palo-Sebo,Tiyakad,etc. 
c) OutdoorGames -Holen,Habulan,Taguan,etc. 
d) BoardGames –Sunka.,andevenGameoftheGenerals. 
d) Hand Games - Jak 'n Poy, Bunong Braso, Tsumping, etc. 
ni: Raddy Nagot “Ibang-iba na talaga ang singaw ng mga bata sa ating kasalukuyang panahon” pahayag ni mang Rommy, isang magulang na ang anak ay nag-aaral sa Frances High School.
Bakit hindi mo nga naman masasabi, tulad na lamang sa paaralan, napakaraming mag-aaral ang hindi marunong gumalang sa kanilang mga guro at kapwa mag-aaral, mga mag-aaral na hindi marunong lumugar sa dapat nilang lugaran, madalas lumiban sa klase, pumapasok pero wala sa isip ang pag-aaral, hindi gumagawa ng mga takdang aralin, nambabastos ng guro, walang kahihiyan,disiplina at hindi responsable. Pumapasok sa paaralan upang humarot at makipagboyfriend lamang. Madalas ang pagkacutting,nakita nang makalat sa loob ng silid aralan ay tila walang pakialam kung magmukhang basurahan ang silid aralan, tapon dito tapon doon. Ingay doon, harutan dito, walang pakialam sa masakit sa taingang ingay na nililikha nila.Ilan lamang ito sa maraming sakit ng mga kabataan na maoobserbahan sa kasalukuyan. Naiisip ko tuloy kung may tunay bang epekto ang edukasyon sa mga batang ito. At higit sa lahat naiisip ko kung paano kaya pinalalaki ng kani-kanilang mga magulang ang mga ganitong uri ng kabataan. Naitanong ko din sa sarili ko na, hindi ba kung ano ang isang bata ay iyon din ang uri ng pamilyang meron siya. Kung ano ang kilos ng bata sa paaralan ay dahil iyon din ang gawi niya sa tahanan.
Naisip ko rin na hindi kaya hindi talaga ang mga bata ang tunay na nagbago o kaiba ang singaw sa panahong ito kundi ang mga magulang? Sapagkat naniniwala ako na sa tahanan unang nahuhubog ang pagkatao ng isang bata, nasa paggabay at pagtuturo ng magulang ang kalalabasan ng ugali at kilos ng isang bata.Kung ang mga bata sa kasalukuyan ay lumalaking sira ang karakter at walang disiplina iyon ay dahil sa hindi sila nagabayan, naturuan at nadisiplina unang-una ng kanilang mga magulang.
Tama nga ang sinabi ni Francisco Balagtas, “Sa taguring bunso’t likong pagmamahal ang isinasama ng bata’y nunukal, ang iba’y marahil sa kapabayaan ng dapat magturong tamad na magulang. ( Florante at Laura VI : 203 ).
Hindi maikakaila ang sipag ng mga magulang sa pagtatrabaho upang mabuhay, mapakain at matugunan ang pangangailangang materyal ng pamilya. Ganun pa man hindi rin maikakaila ang katamaran ng mga magulang sa pagdisiplina sa kanilang mga anak, sukat na iasa na lamang sa mga paaralan ang pagdisiplina sa bata. Dapat nilang maunawaan na sila bilang ang tunay na mga magulang na nagluwal sa kani-kanilang mga anak ang tunay na responsable sa pagtuturo at pagdisiplina sa mga bata at pangalawa lamang ang mga guro.
Sana agad itong maunawaan ng mga magulang bago maging huli ang lahat para sa henerasyong ito.
Marunong pa kaya ang kabataan ngayon na maglaro ng luksong-baka at ilang larong Pinoy katulad ng luksong-tinik, teks, at patintero?
O puro computer at video games na lang ba ang uso sa kanila ngayon?
Alamin mamaya sa "Larong Pinoy" ng 
GMA News TV Investigative Documentaries, 8:00 PM sa GMANews TV-11!
Uso pa ba ang patintero at ilang larong Pinoy katulad ng luksong-baka, luksong-tinik, at teks sa mga kabataan ngayon?
O tuluyan na bang nabura ang mga larong kinalakhan ng mga batang Pilipino sa pag-usad ng modernong panahon?
Alamin mamaya sa "Larong Pinoy" sa Investigative Documentaries, 8:00 PM sa GMA News TV!
https://www.facebook.com/gmanews/posts/10151394677206977Bottom of Form


No comments:

Post a Comment