Monday 3 March 2014

Josie Baccay
CeD TLE – 1B

     Wikang Filipino Sa Global Na Mundo
                 Wikang Filipino : Mabisang Panturo
Pamilyar sa bawat isa ang wikang Filipino,ngunit alam nga ba natin kung saan,ano,paani at bakit ito ginagamit bilang isang wika.Wikang Filipino na nagsisilbing Pambansang wika natin,dahil kung wala tayong sariling wika,iisa lang ang ibig nitong sabihin,na an gating bansa ay hindi malaya katulad ng iba. Dapat natin itong ipagmalaki,dahil ang wikang ito ang dahilan kung bakit tayo mas lalong magkaintindihan.Tunghayan natin ngayon ang wika bilang isang mabisang panturo.Mabisa nga ba ito para sa lahat ?
Ganito Kami                                                                                                                                     
Sa kaso ng wikang gamit sa hayskul,kabaligtaran ang nangyari. Bagamat batid ng mga guro na Filipino ang wika na dapat gamitin, aminado silang may mga salitang kailang pang isalin sa Ingles bago maintindihan.  Sa panayam ng abs-cbnNEWS.coom kamakilan,inihayag ng tatlong guro ang kanilang karanasan sa pagtuturo gamit ang wikang Filipino at sa ilang insidente, Ingles.Ayon kay Elizabeth Combate, guro sa Filipino, ‘’ Yong bang estudyante,mas alam ang Ingles kaysa sa salitang Filipino.
Sinabi nyang may terminong Filipino na hindi na kilala ng mga estudyante, kaya ang nangyayari, kailangan pang isalin muna sa ibang wika bago maintindihan sa katutubong dila. Hindi naman ibig sabihin nito na wala nang alam ang estudyante sa sariling wika. Ngunit aniya, lubha itong malalim upang intindihin o unawain ng kasalukuyang henerasyon ng mga kabataan. Sa kanyang kaso, ani Combate, ito ay ang mga salita o termino sa ‘’Noli Me Tangere’’ at ‘’El  Filibisterismo’’ ni Dr. Jose Rizal, kabilang sa mga aklat na kailangang talakayin sa hayskul.
Ngunit madalang ang ganitong pagkakataong dahil aniya, ‘’Mahirap magturo ng science subjects tulad ng Physics gamit ang wikang Filipino.’’ ‘’Dapat, Ingles talaga,’’ sabi niya. Inamin rin niyang may mga pagkakataon na inglisera ang tingin sa kanya ng estudyante dahil sa katangiang ito. Ipinagtapat ni Abad na kinakalakihan niya ang pagsasalits ng Ingles bilang estudyante ng isang experimental school mula sa Grade One hanggang six.
Pagdating naman ng hayskul,doon lumilitaw ang negatibong epekto nito dahil naiwan siya sa mga subject na itinuturo sa Filipino. Simula ng maging guro 27 taon na ang nakakaraan, Physics na ang subject na itinuro ni Abad. Kaya aniya, hindi na rin nakakapagtaka na hindi siya sanay sa Filipino. Ngunit ang pagkasanay na ito ay hanggang sa loob lang ng klase. Sa labas, Filipino pa rin naman ang gamit niya sa pakikipag-usap.
Iba na Ngayon
Samantala, may iba pang dahilan na sinabi ang mga guro kung bakit mahirap minsan ang pagtuturo sa sariling wika. Anila, iba na ang kultura ng mga estudyante sa ngayon. Kompoara noong nakakaraan,maraming bagay na nais pagkaabalahan ang mga mag-aaral kaysa pag-aaral ng leksyon. Higit na maraming temptasyon ang mag-aaral na ilipat sa ibang bagay ang oras na dapat sana ay ilaan sa pag-aaral. Nariyan ang cellular phone, telebisyon, ,mga naglalakihang mall at internet. Sa klase, higit na maraming pagkakataon na ‘’naroon ang estudyante ngunit ang isip niya ay nasa labas ng paaralan. Tinanong ng abs-cbnNEWS.com ang mga hinggil sa nakikita nilang kakayahan ng estudyante na makipagtalastasan gamit ang mga wikang Filipino at Ingles.Mahina ang kanyang mga estudyante sa pagsulat ng komposisyon sa Filipino ngunit madali naming nakakpagsalita gamit ang wikang ito. Sa mga estudyante naman ni Abad, walang nais sumagot sa klase kapag may recitation. Physics ang subject kaya aniya, Ingles ang dapat isagot ng mga estudyante. Walang nais sumagot kapag Ingles ngunit kapag pumayag siyang Filipino ang gagamitin sa recitation, marami ang nagtataas ng kamay para sumagot.
Mahirap ring intindihin ng mga estudyante ang isang komplikadong problema lalo sa Mathematics, ani Evangeline Gatapia, guro sa nabanggit na subject. Kaya kung kailangang ipaliwanag niya ito sa magkahalong Filipino-Ingles, ginagawa niya ngunit hanggang doon lang iyon. Kompara noong mga nagdaang taon, ipinahiwatig nilang may kahinaan ang mga estudyante ngayon sa dalawang subject. Sa Filipino,naroon ang kahinaan sa bokabularyo at pagsusulat halimbawa, ng isang sanaysay gamit ang katutubong wikaSa Ingles naman, ganoon rin. Anila, posibleng ang suliraning ito sa usapin ng kakulangan ng oras na nakalaan para sa dalawang subject. Sa 40 minuto na nakalaan, talaga nga naming kulang ang panahon para tutukan ang pag-unlad ng kakayahan ng bawat estudyante. Ngunit sa bagong curriculum ng Kagawaran ng Edukasyon, umaasa ang mga guro na mabibigyang solusyon ang kanilang problema.Ngayon, dinagdagan ng 20 minuto bawat isa ang mga subject ng Math, English, Filipino, at Science. Positibong tinanggap ng mga guro ang pagbabagong ito. Ani Gatipia : ‘’Bago pa lang ang sistemang ito pero sinusubok naming.’’Trial and error ang nangyayari pero ginagawan ng paraan para matuto sila.

Sa Elementarya
Sa kaso ng pagtuturo ng wika sa antas ng elementary, may kaugnay ngunit hiwalay na isyung nakita ang mga guro. Ani Ursula Ramos, guro sa Science, ‘’ Sa nakikita ko ngayon, bumaba ang antas ng  kakayahan ng  mga estudyante sa Filipino.’’ Aniya, kung sa aspekto ng wikang pabigkas,matataas magsalita ang mga estudyante dahil unang una, Filipino ang kanilang katutubong dila. Ngunit pagdating sa Filipino na isinusulat, doon nakikita na bumaba ang antas ng kakayahan ng mga estudyante sa wika. Pagbabanggit din ni Wilhelmina Miranda, guro sa Filipino. ‘’Sa ngayon, ianlis na yong sulating pormal at di-pormal 9formal and non-formal theme paper) sa curriculum.’’ Ang resulta nito ay ang kahinaan ng mga estudyante sa aspekto ng wikang isinusulat. ‘’Pagsdating nila ng Grade six, doon lumilitaw ‘yong kakulangan sa ehersisyo sa (pagsusulat ng wikang Filipino) , ‘’  ani Miranda. Bi=ukod ditto,ang problema ay nakasalalay sa kapaligirang ginagalawan ng mga kabataan sa ngayon, ayon kay Ramos. Tulad ng mgaq nabanggit ng guro sa hayskul, nariyan ang video games at iba pang libangan na umaagaw sa atensyon ng estudyante.
‘’Yong mga itinuturong leksyon sa paaralan, pagdating sa bahay, hindi na sinasanay. Kaya pagbalik sa paaralan, nahihirapan ang mag-aaral,’’ ani Ramos.
Alisin ang Pangamba                                         
Samantala, batid ni Zafra na may mga sector ng lipunan na patuloy na may suliranin sa paggamit ng Filipino bilangg wika ng komunikasyon. Ngunit niliwanag niyang dapat ring isipin na maliit na porsyento lang ng lipunan ang sector na ito. Sa madaling ssalita, malaking bahagi pa rin ng populasyon ang gumagamit ng Filipino sa pakikipagtalastasan sa kanyang kapwa. Tungkol dito, sinabi niyang noong una,nangamba ang mga ito na gumamit ng Filipino. Halimbawa, hindi naiiwasan ang paggamit ng  magkahalong Filipino-Ingles  o Ingles-Filipino kapag nag-uusap ang dalawang tao. Batid ito ng lahat , aniya. Dito pumapasok ang pagiging dinamiko ng wika. Sa larangan ng pananlita, mahirap isipin na magkakaroon ng isang wika na puro.
Ang  katotohanan, hihiram at hihiram ng salita ang tao mula sa ibang wika. Halimbawa sa klase, malimit makarinig ng mga estudyante sa recitation na gumagamit ng magkahalong Filipino-Ingles. Gayundin, may mga guro na Ingles-Filipino naman ang wika kapag may ipinapaliwanag na termino o konsepto. Ito ang katotohana kapag nagsasalita. Ngunit ibang usapan kapag isinusulat ang wika.Istrikto ang wika sa usaping ito. Kung Filipino, Filipino lang ang dapat gamitin. Kung nais naman ay Ingles, Ingles lang. Hindi maari ang 50-50 na hatian o 75-25 kaya. Sa madaling sabi, kung ano ang nasimulan, doon dapat tapusin. Maliban na lang sa ilang pagkakataon. May mga salita na kailangang gamitin sa orihinal na termino at hindi na kailangang isalin pa sa katutubong wika.
Sa relasyon ng Ingles-Filipino, ito ang mga: 1) Scientific terms tulad ng cell, molecule, atom; 2) salita na may kahulugang cultural gaya ng mosque, haji, masjid; 3) pangalang komon o common names tulad ng  Statue of Liberty at 4) mga salita na matagal ng kilala sa ganoong pakahulugan tulad ng taxi, exit, at entrance. Maari naming isalin ito sa pampublikong sasakyan,labasan o pasukan ngunit ayon kay Zafra, posibleng malilto ang babasa nito kapag isinalin pa kaya makabubuting panatilihin ang orihinal na baybay at huwag na lang isalin.
Bagong Paniniwala, Bagong Aklat                                                                         
Sa kasalukuyan, pinangungunahan ni Zafra ang proyektong ‘’Aklat Bayan’’ ng SWF. Ang proyektong ito ay tututgon sa pangangailangan sa mga akklat na nakalimbag sa Filipino.Mayroon nang 65 aklat ang nailathala sa ilalim g proyektong ito. Ang maganda, ani Zafra \, hindi limitado sa subject na Filipino o Kasaysayan ang mga aklat. Bukod sa mga ito, mayroon na ringt nailathalang aklat sa larangan ng Political Science, Marine Science, Engineering, Computer Science , Agriculture at Mathematics. Maging sa larangan ng Law ay mayroon na ring naisulat na aklat gamit anh wikang Filipino. Maaaring sabihin na simula lang ito ng proyekto. Ngunit aminado si Zafra na malaki ang hinaharap ng pag-asa-Filipino ng mga subject na ito. Natural lang rin na gamitin ng mga may-akda sa klase ang aklat na kanilang naisulat, aniya.
Pangamba ng mga guro noon, mahirap ituro ang mga nabanggit na subject gamit ang Filipino. Ito ay dahil kulang ang mga kagamitan at libro noon na nasusulat sa katutubong wika, paliwanag ni Zafra sa abs-cbnNEWS.com. iba na ang sitwasyon sa ngayon. Unti-unti, nakikita ng mga guro ang katotohanan na talaga naming posibleng gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo kahit sabihin pang labas sa karaniwang subject ang paggagamitan nito. Filipno na di purista.Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) may survey na inilabas ang Ateneo De Manila University hinggil sa katutubong wika. Sa survey, nakasaad na 92% ng mga mamamayan ang nakakapagsalita ng Filipino. Ibig sabihin, ani Dr. Nita Buenaobra sa abs-cbnNEWS.com, malaking bahagi ng mga mamamayan ang tanggap na Filipino ang wikang umiiral sa bansa. Si Buenaobra ang chairman ng KWF, ang ahensyang nangangasiwa sa paglinang ng wikang Filipino. Siyam ang pangunahing wikang pinagbabatayn ng Filipino. Ito ay ang Tagalog, Cbuano, Bicol, Hiligaynon, Samar-Leyte (Waray),Ilocano, Tausug, Pampango at Pangaisnense.
Sa mga wikang ito pumapaloob, ani Buenaobra, ang nakikita niyang katotohanan sa wikang Filipino sa ngayon, ‘’Ang ibig sabihin ng Filipino ngayon ay ang wikang nauunawaan ng lahat, simple na hindi purist,’’. Bagama’t batayan ng Filipino sa kabuuan ang mga nabanggit nawikang  rehyonal, hindi ibig sabihni na nawawalan sila ng pagkakakilanlan sa bawat isa. Ani Buenaobra, ditto papasok ang paggamit ng rehyonal na wika ayon sa pagiging akma nito sa aspekto ng komunikasyon at pakikipagtalastasan. Buhay ang wika, ani Buenaobra. Hindi ito isang bagay na nakasuspinde sa kawalan. Kaya ang resulta, akmang sabihin na malaya ang isang wika na humiram ng salita o mga salita sa ibang wika. Ibinigay niyang halimbawa ang wikang Ingles. Aniya, hindi naman nabuhay nang mag-isa ang wikang ito. Sa kasaysayan ng Ingles, maraming salita ang hiniram ng Ingles sa ibang wika ngunit hindi naman nabago ang kahulugan. Iyon lang, nagkaroon ng pagbabago sa baybay o spelling.
Pagbubukas ng Kahon                                                               
Ipinaisantabi na irn ni Buenaobra ang anumang suliranin na kinakaharap o posibleng makabangga sa pagpapalaganap at paglinang ng wikang Filipino. Para sa mga guro, sinabi niyang bilang tagapagturo, rin ng wikang Filipino noong nakakaraan, ‘’kailangang may malawak kang pananaw sa mga bagay na ito.’’ Hindi lang sa wikang Filipino dapat magsanay ang isang guro. Ani Buenaobra, hindi maaaring ikahon ang isang wika. Sa madaling salita, hangga’t maaari iwasan ang paglalagay ng limitasyon sa isang wika. Kung maaari, magsanay ang bawat isa sa dalawa o higit pang wika, aniya. Sa gayon higit pang mapapabuti ang sistema ng pagtuturo at pagpapaunlad ng wika. Ang wikang Filipino, ani Buenaobra, ay isang isyung sosyo-pulitikal, krusada na nangangailangan ng pag-unawa at atenston mula sa mga mamayan at lider na nangunguna sa pagpapaunlad nito bilang kaluluwa ng isang bansa.
Sa pagtuturo, hindi kailangan ang pagpipili ng wikang dapat gamitin, dahil kung ipagpipilitan mong gamitin  ang isang wika  sa pagtuturo ngunit hindi ito kayang intindihin ng mga estudyante,mawawalan din ito ng saysay. Mas mabuting gamitin ang isang wika na mas maiintindihan ng mga estudyante  sa pagtuturo ng isang leksyon. Dahil kahit ilang ulit mo pa itong ipaliwanag sa kanilang harapan,hangga’t hindi sila komportable sa wikang iyong ginagamit,mawawalan at mawawalan pa rin sila ng ganang makinig sa leksyon.Wikang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di katutubong wika sa ebolusyon ng iba't ibang sanligang sosyal,at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag .


No comments:

Post a Comment